Allen Dizon to shoot love scene with Wendell Ramos for indie film

Despite his harvest of local and international Best Actor awards, Allen Dizon confesses that he might not always live up to people's expectations: "Sinasabi ko sa kanila, ako napa-timing lang yung pelikula, masuwerte lang ako ako sa role, at nagawa ko nang maayos, pero di ibig sabihin ay lahat ng gagawin ko ay pang-Best Actor lahat."



Matapos muling manalo ng Best Actor award si Allen Dizon sa 4th Silk Road International Film Festival para sa pelikulang Iadya Mo Kami, marami ang nagtatanong kung kinasasanayan na niya ang tumanggap ng ganitong award lalo na't overseas.

Ang 4th Silk Film Fest ay ginanap sa Dublin, Ireland noon pang Marso ng taong ito.

Last year lang, nanalo siyang Best Actor sa 3rd Silk Road Film Festival in Dublin, Ireland para sa pelikula ni Jason Paul Laxamana titled Magkakabaung (The Coffin Maker).

Ito ang pang-apat niyang international Best Actor award, at pang-20 na Best Actor award sa kabuuan.

Kaya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press people si Allen sa blessing ng bagong opisina ng BG Productions na matatagpuan sa Lee Gardens Condominium sa Mandaluyong City, isa ito sa inalam namin sa kanya.

Ang indie film producer na si Ms. Baby Go ang nag-produce ng Iadya Mo Kami.

HUMBLE DESPITE ACCOLADES. Bungad ng award-winning actor, "Nagkataon lang na siguro maganda yung project.

"Magaganda yung ginawa ko lately, at napapasama sa film festivals, sinuswerte lang siguro.

"Kung sanay na ako? Ano, kung may award's night, kinakabahan pa rin siyempre ako.

"Sanay na rin, pero iba yung kapag nanalo ka, di ba?

"Kapag nagpapasalamat ka, kapag tinawag ang pangalan ko, iba pa rin ang pakiramdam.

"Masarap lalo na kapag international na mas iba pa ang nakaka-appreciate."

MANAGING PEOPLE'S EXPECTATIONS. Ang setback lang nga raw nito ay ang inaasahan sa kanya ng publiko at ng mga katrabaho niya sa mga susunod niyang projects, at sa mismong magiging direktor niya.

Saad niya, "Yun nga, e.

"Kaya kapag nagsu-shoot ako ng bagong pelikula, o nagti-taping, sasabihin nila, 'Oy, si Best Actor.'

"Hindi ba, parang....sabi ko, 'Baka masyadong mataas ang expectations niyo sa akin.'

"'Baka lahat ng ginagawa ko, akala ko niyo ay laging napakagaling ko, 'di ba?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sinasabi ko sa kanila, ako napa-timing lang yung pelikula, masuwerte lang ako ako sa role, at nagawa ko nang maayos, pero di ibig sabihin ay lahat ng gagawin ko ay pang-Best Actor lahat."

Sabi pa niya, "Siyempre, may mga weakness din ako, e

"May mga role din na nahihirapan ako, hindi lahat ay challenging.

"Hindi ibig sabihin nun, lahat ay magaling ka na, di ba?

"May mga kailangan pa rin akong i-improve as an actor."

COMPETING WITH HIMSELF. Pakiramdam niya, lagi niyang kalaban ang kanyang sarili at kung ano ang nagawa niya sa award-winning role na kanyang pinortray.

Ani Allen, "Ang hirap din kasing pantayan 'yan.

"Ang hirap na gawin o doblehin ito.

"Kaya nga, itong pelikulang Sadik na gagawin ko, ito ang para sa akin pinaka-challenging.

"Kasi, hindi pa ako gumanap sa role na bading, e.

"First time kong gagawin ito dahil in-offer na ito sa akin ni Direk Mel [Chionglo] ten years ago pa, e.

"Ngayon ko lang gagawin kasi ilang beses ko itong tinanggihan."

Bakit nga ba ilang beses niyang tinanggihan ito?

NOTHING AGAINST GAYS. Ano ba ang pananaw niya sa LGBT community?

Saad niya, "Wala, wala akong masamang pananaw sa mga bading.

"Masaya sila, makuwento, kwela, talented.

"Wala akong ano... kasi, mga tao 'yan, e.

"Kumbaga, wala naman silang ginagawang masama sa akin."

Hindi rin daw siya takot sa mga ito.

Aniya, "Hindi, siguro noong kabataan ko.

"Siyempre, sa probinsiya, ganyan, pero di ako takot.

"Pag kinakausap ako, sumasagot naman ako."

Aminado naman siyang merong mga bading na nanligaw sa kanya noon.

Ani Allen na nagbiro pa, "Marami namang ganyan.

"Siyempre, sa hitsura kong ito? Hahaha!

"Normal naman yun.

"Naging kaibigan ko naman sila.

"Minsan lang, may mga bading na garapal, may bastos, pero di naman kasi maiiwasan 'yan.

"Pero ako, kasi normal na sa kanila 'yan, mabait naman akong tao kaya mabait din ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag lang yung binabastos ako, hinahawakan yung ano ko, ibang usapan yun, di ba?"

LOVE SCENE. Sa pelikulang Sadik, si Wendell Ramos ang makaka-love scene niya.

Ano ang masasabi niya rito?

Natatawang sabi niya, "Okay lang, si Wendell naman yun, kaibigan ko naman.

"Siguro, pag-uusapan na lang namin yun.

"Kami na ang bahalang mag-usap."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN