John Lloyd Cruz reacts to MMFF 2016 changes



As expected, tumabo sa box office ang Just The 3 Of Us, ang romantic comedy flick ng Star Cinema starring John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado, na currently showing sa mga sinehan.
 
Bagama’t R-13 ang MTRCB rating ng pelikula, tinangkilik pa rin ito ng mga tagasubaybay nina John Lloyd at Jennylyn, at mas adult na ang tema ng pelikula, unlike their previous movies.
 
Bago pa man ang showing ng Just The 3 Of Us ay nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) at iba pang media si John Lloyd sa mini-presscon nito sa Ayala Terraces, Fairview.
 
Natanong si Loydie na sa dami na ng nagawa niyang romantic movies with Direk Cathy Garcia Molina, nahihirapan ba siya na dapat ay laging mag-“reinvent” bilang aktor para hindi pare-pareho ang nakikita sa kanya ng kanyang audience?
 
Sagot ni John Lloyd:  “Yeah, yun naman lagi yung intention namin, especially with Direk Cathy, malaking tulong din na siya yung lagi kong kasama because alam niya kung ano yung nagawa mo na.
 
“So, very particular siya sa, “Oy, nakita ko na yan!’  So. parang deliberation pa lang [ng character], nababantayan na niya para maiwasan yung nagawa na.

“So, in a sense, parang it’s an invisible commitment to the audience na siyempre di ba kung hindi mo [iibahin ang atake ng role].. maboboring sila, babalik sa ‘yo. So you always have to try.

“I will speak for myself ha, because ang art ng actors naman hindi nila trabaho maging ‘buko’ eh... Naniniwala ako na ang actors dapat lagi kang willing na, to always make yourself...
 
“Para kang sponge, di ba, parang labas-pasok yung ano [versatility/ talent].  Alam mo yung sinabi ko?  For sure alam mo yung sinabi ko.  Mahirap kasi kapag.. maski ikaw mismo, e, it will not interest me kung paulit-ulit [mo nang ginagawa].”

 
ON MMFF CHANGES. Samantala, matatandaang si John Lloyd ang bida sa kontrobersiyal na Honor Thy Father na nasangkot sa isang iskandalo sa MMFF last year (2015).
 
Kaya hindi naiwasang matanong ang aktor sa mga latest updates sa MMFF ngayong 2016.
 
Ano ang reaksyon ni John Lloyd na nagbago na ang rules sa MMFF at nabago na rin ang Executive Committee nito?
 
“Alin? Hindi ako updated, e,” banggit ni Loydie.
 
Sabi namin, finished films na ang magiging batayan sa pagpili ng Magic 8 sa MMFF this year, at hindi na ang nakagawiang screenplays ang sina-submit.
 
“That is you know, big change talaga, pero we need more than that.”
 
Sa palagay niya ay sapat na yun?
 
“Unang una, hindi ko pa fully naiintindihan.  Pero I want to understand it more.  So, siguro pag-aralan ko muna before I give any reaction.”
 
Naging “eye-opener” ba sa kanya ang nangyaring iskandalo ng Honor Thy Father sa MMFF as one of its producers?  Matatandaang na-disqualify ang pelikula sa kategoryang Best Picture.
 
“Well, siyempre yun naman talaga yung intention, e, para may magising, ‘di ba?  Kasi, paano ka magbabago kung wala ka namang gagawin?”
 
Kung bibigyan siya ng pagkakataon, gusto ba niya uling mag-co-produce ng sarili niyang pelikula for MMFF o na-“trauma” na siya sa mga pangyayari?
 
“Hindi naman,” aniya. “Hindi naman ako na-trauma, pero it was a big learning experience para sa akin.  So, kung anuman yung gagawin ko in terms of producing, maia-apply ko yun or kung hindi ko man, wala kasi akong sinasara, e.
 
“Wala akong sinasara.  Ayoko ng nagsasara, kasi usually ‘pag sa trabaho mo, ‘di ba, never say never. 

“But for now, I’d rather focus on acting, exploring different genres saka siguro.. ang producing kasi hindi lang naman pagiinvest.
 
“Puwedeng you can produce a film kahit hindi ka maglabas ng pera. So marami, marami akong natutunan.”
 
Dahil sa nangyaring nabago na ang MMFF Execom pati na ang MMFF rules, masasabi niyang “vindicated” siya o grupo nila ng producer niyang si Dondon Monteverde at direktor na si Erik Matti?
 
“Alam kasi naming maaano ‘yan, e, maybe it’s a lifelong battle.  Kasi ako, tingin ko talaga yung totoong reform, mangyayari ‘pag meron nang batas na nagpoprotekta sa mga tao, sa industriya.

“Kung magkakaroon lang talaga ng totoong batas na puwedeng sumaklaw sa rights ng mga taong gumagalaw sa industriya ng pelikula tsaka sa TV, walang magbabago diyan.”
 
Ang sabi, gagawa raw si QC Congressman Alfred Vargas ng isang bill tungkol dito.
 
“Sana, sana. Because natutunan ko ‘yan dun sa kaibigan ko na....Ako kasi parang nawalan na ko ng pag-asa sa one point pero sabi niya, parang wala akong karapatang mawalan ng pag-asa kasi marami na mga tao ang lumalaban for it.
 
“Maraming mga naniniwala pa din. So, who are you to tell us na wala na kayong pag-asa, di ba? By leaving an example to them. Yan wala na siyang pag-asa. Parang hindi ko yata kaya.
 
“So, itong ginagawa naman namin, eto yung nararapat,” seryosong lahad ni John Lloyd.
 
Matatandaang sa announcement ng MMDA sa media kamakailan lang, September 28 ang deadline ng submission ng finished films bilang basehan sa pagpili ng Magic 8 entries.
 
Narito ang bagong criteria for judging ng MMFF na applicable lamang para sa 2016 edition:
 
1. Story, Audience Appeal, and Overall Impact (40%). Part nito ang overall excellence in storytelling, measured by how successfully a film transforms its artistic vision into a vital and moving engagement with its audience.
 
2. Cinematic Attributes/Technical Excellence (40%). Ito yung degree of creative and technical accomplishments in all departments—such as writing, directing, acting, editing, production design, cinematography, sound, and music.
 
3. Global Appeal (10%). Pasok dito yung film's story, characters, and themes that resonate with audiences from all walks of life and break through barriers of race, class, and gender.
 
4. Filipino Sensibility (10%). Siyempre, dapat yung film's story, characters, and themes reflect and interpret the Filipino experience.

 
May additional rules din ngayon ang MMFF.
 
• Wala nang cash incentives in all categories during the awards night.
 
• Wala nang best child performer, dahil puwede raw lumaban ang batang actor sa adult actor.
 
• May dalawang bagong special awards: Audience Choice Award at Kids’ Choice Award.
 
• Ang new Execom ay bawal maging member ng anumang sub-comiittee tulad ng ng Selection Committee (choosing Magic 8) or jury during the awards night.
 
• Ang isang film outfit ay maaaring mag-submit ng isa o higit pang entries, kung nais nila.
 
• May irereserba ring ika-9th or 10th na movie sakaling ang isa sa Magic 8 films ay magkaproblema.
 
• Abolished na ang MMFF New Wave (before Christmas Day), kundi laban-laban na ang mainstream at indie films sa Magic 8 official entries ng MMFF which starts December 25.
 
Samantala, ang mga bagong miyembro ng MMFF Executive Committee ay binubuo nina Alfred Vargas, Jesse Ejercito, Briccio Santos ng FDCP, Sen. Sonny Angara, Emerson Carlos (MMDA Chairman), Atty. Eugenio “Toto” Villareal, Moira Lang, Wilson Tieng, Marcus Ng, Boots Anson-Roa, Ed Cabagnot, Edgar Tejerero, Joel Pagdilao, at Jun Romana.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN