John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado follow-up movie in the works



Sa recent episode ng Gandang Gabi Vice kunsaan guests sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, nabanggit ni Vice Ganda na pangarap niya na makasama sa isang pelikula sina John Lloyd at Direk Cathy Garcia Molina.

Agad naman itong sinag-ayunan nina JLC at Direk Cathy. Ayon kay John Lloyd, gusto niya muna na makasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ang comedian/TV host na si Vice Ganda bago sila magsama sa isang pelikula.

Sa screening ng restorated version ng pelikulang Batang PX na ginanap sa UP Adarna noong May 10, kinumpirma ng Just The 3 Of Us director sa PEP.ph at Cinema News na isang pelikula na pagsasamahan nina John Lloyd at Vice ang pinaghahandaan na nila ngayon.

“Yeah, siguro within a year, we’re working on it. Nasa conceptualization kami so hopefully next week, makapag-present kami ng concept.”
 
Ngayong naka-abot na sa P100 million ang kinita ng pelikulang Just The 3 of Us, masayang-masaya at nagpasalamat si Direk Cathy sa suporta sa kanila ng mga manonood.

“Sobrang happy, sobrang happy lalo na alam naman natin may malaki tayong kasabay na Hollywood film. Tapos kasagsagan pa ng election tapos R-13 pa kami, tapos naka-100 million, sobra-sobrang thankful kami.”

Nakapag-usap na ba si Direk Cathy at ang lead stars ng Star Cinema movie?

“Usap? Hindi pa actually kasi si JL galing Malaysia, di pa kami nagkikita. Si Jennylyn hindi pa rin.”
 
Isa sa nakatulong daw ng malaki para kumita nang husto at maging blockbuster ang Just The 3 Of Us ay ang word of mouth ng mga nakapanood na ng nasabing pelikula.

“Maraming salamat sa mga nanood at nagpakalat na ito’y worth watching, maraming salamat po.”
 
Dito ay kinumipirma din ni Direk Cathy na may balak na magkaroon ng part 2 ang Just The 3 Of Us o isang pelikula ang pagtatambalan muli nina John Lloyd at Jennylyn.

“Yeah, I think pinag-uusapan na na mukhang may Part 2 nga. Kungdi man Part 2, they’ll do another film, why not?”
 
Kung tatanungin ang Box Office director na si Direk Cathy, ano sa mga nagawa na niyang pelikula ang gusto niyang i-restore?

“I’m a fan of Ms. Zsa Zsa [Padilla] and of course yung anak-anakan ko na si Patrick Garcia, plus Leo Katigbak is a very good friend. I support actually yung mga nire-restore nilang films kasi I’m all for that.

“Medyo bago-bago pa siya kaya di siguro mare-restore agad [ang movies ko]. I dont know, I have no preference.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN