Pare Mahal Mo Raw Ako star Michael Pangilinan admits getting a dozen indecent proposals in the past

Michael Pangilinan on getting starstruck working with Superstar Nora Aunor: "Talagang na-starstruck ako noong kaharap ko na siya. Hindi naman sa hindi ako nakapag-dialogue. Kumbaga, mayroong parang something na mai-intimidate ka, e."



Ipinahayag ni Michael Pangilinan na hindi niya isinasara ang posibilidad na magkaroon siya ng relasyon sa isang bading.

Nabanggit ng singer/actor na hindi siya nagsasalita nang tapos na never daw siyang papatol sa bading, dahil ayaw niyang dumating sa puntong babawiin niya ang kanyang sinabi.

Pero nilinaw din ni Michael na sa ngayon, malabo raw itong mangyari.

"Mahirap kasing sabihin yung isinasara mo ang pinto na sasabihin kong hindi ako papatol sa bading.

"Ako kasi, for example, naranasan ko na 'yan, na sabi ko sa mga magulang ko, 'Huwag kayong mag-alala, hindi ako makakabuntis.'

"Pero after a month or two, hayun, nakabuntis ako!

"So, hindi ba? Hindi mo puwedeng sabihin na? the more na tsina-challenge mo si God, the more na ibibigay sa iyo, e.

"So kung sasabihin ko man na hindi ako papatol sa gay ngayon, ngayon siguro hindi.

"Pero sooner or later, baka mangyari at kainin ko na naman ang sinabi ko," paliwanag ni Michael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako sa Dong Juan Restaurant, Mother Ignacia Ave., Quezon City.


TRUE LOVE. Idinagdag pa niyang sakaling mangyari ito, true love lang ang tanging rason at hindi dahil sa ano pa mang bagay.

Patuloy niya, "Kung mangyari man iyon, it means na parang, kung mahalin kita talaga, iyon ay dahil mahal ko siya at talagang true love iyon.

"Kasi kung ibigay sa iyo ni Lord, bakit mo pipigilan kung makaramdam ka ng pagmamahal sa isang gay?"

Tampok sina Michael at Edgar Allan Guzman sa naturang pelikula ni Direk Joven Tan na showing na sa June 8. Kabilang din sa cast sina Joross Gamboa, Matt Evan, Katrina Legaspi at may special participation dito sina Ana Capri at ang Superstar na si Nora Aunor.


STARSTRUCK WITH THE SUPERSTAR. Nabanggit din ni Michael na na-starstruck siya kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, "Talagang na-starstruck ako noong kaharap ko na siya.

"Hindi naman sa hindi ako nakapag-dialogue. Kumbaga, mayroong parang something na mai-intimidate ka, e.

"Mata pa lang kasi, mata pa lang...sabi ko nga, ipinanganak siguro talaga siya para umarte, e.

"Isa lang ang eksena namin, pero sobrang thankful ako na first movie ko ito at naka-eksena ko siya.

"Sobrang malaking bagay yun. Big deal talaga, kumbaga."


RAPPORT WITH EA. Kumustang katrabaho si Edgar Allan?

Sagot niya, "Si EA, sobrang bait talaga.

"Minsan nanghihingi ako sa kanya [ng advice]. Sinasabi niya kung ano ang dapat kong gawin na, 'Ganito ang ginawa ko nang nagkaroon ako ng ganitong eksena.'

"Talagang gina-guide niya ako kung paano ko maitatawid iyong movie and thank God, naitawid ko naman po."

Ayon pa kay Michael, hindi mahirap sa kanila ni EA ang maglambingan sa pelikulang ito.

"Kasi very close na kami niyan sa Your Face [Sounds Familiar] pa lang, para na talaga kaming magkapatid.

"At saka pareho kasi kaming lalaki, na kumbaga, wala na sa amin iyon kahit mag-holding hands kami."

Ayon pa kay Michael, puwede siyang pumayag kahalikan ang kapwa lalaki, pero hanggang smack lang daw.

"Ako, smack okay lang sa akin.

"Pero kung yung torrid na halikan sa kapwa ko lalaki, yung mas grabe pa sa smack?" umiiling na saad niya bilang pahiwatig na ayaw niya itong gawin.

Dagdag pa niya, "Hindi ko pa kasi kaya, e, na baka mamaya makipaghalikan ako sa kapwa ko lalaki, pero mali pala ginawa ko.

"Baka magmukha pa akong abnormal."


INDECENT PROPOSALS FROM GAYS. Sinabi rin niyang hindi pa siya nakaranas maligawan ng gay, pero more or less daw ay isang dosenang indecent proposal na mula sa bading ang kanyang na-encounter.

"Hindi pa ako naligawan, pero may mga indecent proposal kahit dati pa.

"Pero never pa talagang may nanligaw sa akin, dahil unang-una, hindi ko siya papayagang manligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, kung ngayon niyo ako tatanungin, hindi talaga.

"Pero gaya rin ng sabi ko, hindi ako nagsasalita nang tapos.

"Kung may gay na mag-click kami, hindi ko pipigilan ang sarili ko, tao lang ako, e."

Gaano nang karaming indecent proposal ang natanggap ni Michael mula sa mga gay? May isang dosena na ba?

"Hindi ko na po mabilang, pero siguro more or less? Yes, mga isang dosena na."


SEXUAL HARASSMENT. Nabanggit din ni Michael ang isang hindi magandang karanasan nang dakmain ng isang gay ang kanyang pagkalalaki.

Kuwento niya, "May nangyari sa akin, talagang dinakot, nahawakan talaga.

"Sabi ko nga, iyon ang ayaw ko, kung ganoong klaseng bakla.

"Sa totoo lang, pasalamat siya at hindi ko nahablot ang kamay niya.

"Kung nahablot ko ang kamay niya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

"Ayaw ko kasi ng ganoon, malapit ako at mahal ko ang LGBT, pero once na binastos ako, para ka na rin nambastos ng kauri mo.

"Kasi kapag ganoon, hindi na yung gender ang pag-uusapan, e, yung ugali na.

"Kahit babae, lalaki o ano ka pa, kapag bastos ka, iba na ang dating, e.

"Talagang dinakot e, kaya nagalit ako talaga. Kasi ako, ang dami kong kabigang bakla, pero wala namang ganoon."


RESPECT FOR GAYS. Pero idinagdag ni Michael na sa kabila nito, maganda pa rin ang tingin niya sa mga gay.

"Sa career ko, mas napi-feel ko na grabeng mag-alaga ang isang gay dahil mayroon silang nanay side, e.

"So, talagang alam nila kung ano ang makakabuti sa iyo, dahil iyon yung thinking nila, e.

"Ganoon sila mag-isip--na parang nanay.

"Pero at the same time, ipagtatanggol ka nila dahil mayroon din silang pagkalalaki na lumalabas kapag alam nilang mayroong hindi magandang nangyayari sa anak nila," pagtatapos na ni Michael.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN