Jaclyn Jose reveals Andi Eigenmann convinced her to accept Ma' Rosa

Jaclyn Jose reveals daughter Andi Eigenmann was the one who convinced her to do Ma' Rosa, which gave the former the coveted Best Actress award at the 69th Cannes Film Festival.



Inamin ni Jaclyn Jose na ang anak na si Andi Eigenmann ang nag-convince sa kanya na tanggapin at gawin ang pelikulang Ma’ Rosa, na idinirehe ni Brillante Mendoza at nakaagaw ng pansin sa 69th Cannes Film Festival sa France.

Ito rin ang nagbigay kay Jaclyn ng Best Actress trophy mula sa prestihiyosong film festival.

Pagbabahagi ni Jaclyn, may ginagawa siyang teleserye nang i-offer sa kanya ang role sa indie movie na Ma’ Rosa pero hinimok siya ng kanyang anak.

“Nagma-Marimar ako non, e,” ani Jaclyn sa press conference ng kanyang upcoming sexy comedy program sa GMA-7, ang A1 Ko Sa ‘Yo.

Sabi raw sa kanya ng anak, ‘“Ma, tanggapin mo na para kung sakali, makapag-abroad naman ako ma-experience ko naman ang na-experience mo before.’”

Ang tinutukoy ni Andi ay ang karanasan ng ina sa Cannes Film Fest na unang dinaluhan ni Jaclyn noong 2009 para sa indie film na Kinatay.

“Sabi ko, ‘Sige, gawin ko for you.’ Dahil din sa kanya [Andi] kaya ako um-attend, dahil di ko naman alam na mananalo. E, red carpet [sa Cannes], naka-red carpet din naman ako.

“Basically, it’s all for her. Parang it’s such a fulfilment for me: winning the [award] and giving Andi to the international scene, kasi after that, nagkaroon siya ng dalawang international pictorial after the Vanity Fair.”

Pinangalanan kasi si Andi na Best Dressed ng Vanity Fair dahil sa kanyang magandang pananamit sa festival.

Kinunan din ng reaksyon si Jaclyn sa pagdiriwang ng Pilipinas dahil sa kanyang prestihiyosong acting award.

“I’m so happy na na-touch ko ang hearts nila somehow at one point in their life.

“I’m so happy, sana mapanood din nila yung Ma’ Rosa para makita rin nila.

“Pero tatamaan kayo sa pelikula,” paniniyak niya.

Diretso rin ang aktres sa pagsasabi kung ano ang review ng mga nakapanood sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mixed [reviews] din. Pero mostly maganda. Panoorin niyo, hindi siya yung mainstream na maganda.”



Filipino pride @jaclynjose shows off her Cannes Film Festival Best Actress award to the press.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN