Dominic Roque optimistic about new management team; glad to finally see his movie with Jinggoy Estrada

Dominic Roque explains why he chose to be managed by Star Magic and Cornerstone: "Lumipat lang din talaga ko sa Cornerstone, siguro kasi, mas ano sila, mas matutukan."



Maituturing na isa sa mga unang pelikulang ginawa ni Dominic Roque ang Ang Tatay Kong Sexy na ipapalabas na sa June 1 at magkakaroon naman ng premiere night sa May 31 sa SM Manila.

May tatlong taon na rin ang nakaraan mula noong gawin ni Dominic ang pelikula na pinagbibidahan ni Senator Jinggoy Estrada, pero kasabay halos ng nalalapit na Father’s Day, ipapalabas na rin ito sa mga sinehan.

Isa si Dominic sa cast ng pelikula kunsaan kapareha niya si Empress Schuck.

Nakangiti si Dominic nang matapos niyang panoorin ang kanilang pelikula sa unang pagkakataon sa ginanap na press preview sa Gateway Cinema noong May 27.

Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), masaya niyang lahad, “Natuwa ako, ang ganda pala ng movie.

“Ang ganda ng pagkaka-edit, ang ganda ng lahat. Natuwa ako kasi, ang tagal na rin nito.

“Medyo nakalimutan ko na rin kung papaano yung mga ginawa ko.

“Kanina, natatawa ko na natutuwa sa nangyayari.”

FAMILY FRIEND. Maliit pa lang daw siya, nakikita na ni Dominic si Senator Jinggoy Estrada dahil family friend daw nila ito.

Pero sa Ang Tatay Kong Sexy lang daw niya nakasama sa isang proyekto.

Ayon kay Dominic, “Mabait si Sen. Kilala ko na siya, kilala na rin niya ako.

“So noong nagka-trabaho kami rito, comfortable naman akong makipag-usap sa kanya, nakakapag-kuwentuhan kami.”

Personal ba siyang pinili ni Senator Jinggoy sa role niya?

Aniya, “Hindi ko alam, e.

“Pero kasi, yung director namin, si Direk Joey Reyes, family friend din namin nila Ate Juday [Judy Ann Santos], so parang kilala ko rin halos lahat ng nandito.”

NEW MANAGER. Sa isang banda, nilinaw na rin ni Dominic na hindi na si Juday ang tumatayong manager niya.

Sabi niya, “Co-managed ako ng Star Magic at Cornerstone.”

Bakit siya nagpa-manage sa Cornerstone?

“Lumipat lang din talaga ko sa Cornerstone, siguro kasi, mas ano sila, mas matututukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi man si Tita Juday yung nagma-manage sa akin, mas alam siguro ng Cornerstone, hindi naman sa hindi alam, pero mas forte siguro ng Cornerstone.”

Maayos naman daw siyang nagpaalam kay Judy Ann.

Ayon kay Dominic, “Okay naman, wala namang problema kasi, family kami, e.

“Super family kami. Si Mommy Jane, maliit pa lang ako, si Tita Juday, so walang tampuhan na nangyari.

“In-explain ko lang nang mabuti, maayos, so okay kami.”

CAREER PLANS. Dahil co-managed na siya ng Cornerstone ni Erickson Raymundo, ano raw ang mga plano ngayon sa career niya?

“Sa Cornerstone, nagsabi ako ng mga gusto kong gawin. Gusto kong mag-movie, mag-film.

“Ngayon, meron kaming mga tinanggap na mga indie.

“Maganda, pinag-iisipan kung ano ang mangyayari—kung tama ba ‘tong projects na ‘to, kung babagay ba siya sa akin kung gagawin kung yung ganung klase ng role.”

Ang huling teleserye niya ay ang Pangako Sa ‘Yo.

NOT RUSHING SHOWBIZ CAREER. Willing daw si Dominic kung kailangan niyang magpa-sexy o magpakita ng katawan. Nagawa na rin daw niya ito noong rumampa siya sa Bench underwear show.

Diretsahan namin siyang tinanong kung nababagalan ba siya sa takbo ng career niya.

“Hindi naman,” saad niya.

“Actually, hindi mo naman puwedeng madaliin.

“Kung para sa ‘yo talaga, kung mangyayari, mangyayari. Kalmado lang ako.

“Ginagawa ko ang trabaho ko nang maayos. Okay naman siya, hindi naman nawawalan ng trabaho, hindi naman nawawalan ng project.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN