Joven Tan directs Nora Aunor and Ana Capri as lovers in Pare, Mahal Mo Raw Ako

Joven Tan (right) directed Ana Capri (left) and Nora Aunor for the movie Pare, Mahal Mo Raw Ako. Joven is also a book author apart from being a film director and songwriter.



Isang fulfillment para kay Direk Joven Tan ang pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

First time kasi niyang naidirek dito ang Superstar na si Nora Aunor na may special participation sa movie bilang lover ni Ana Capri.
 
Ayon kay Direk Joven, “Mayroon akong na-feel na achievement sa project na ito.

“Actually parang dalawa, kasi nga kanta muna ’tapos ngayon ay pelikula na.

“’Tapos, first time kong nai-direk si Ms. Nora Aunor… Nakakatakot.

“Ganoon din iyong feeling ko nang maidirek si Eddie Garcia, parang may kaba.

“Paano mo iga-guide yung isang tao na parang alam niya na lahat nang sasabihin mo, parang alam na niya lahat ng ituturo mo.
 
“Parang nakapanliliit, pero hindi naman sila ganoon, open naman sila.

“Sabihin ko lang daw yung gusto ko, ita-try daw nilang gawin.”
 
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joven sa premiere night nang naturang pelikula sa Cinema 10 ng SM Megamall last May 31.

Ano ang comment ni Direk Joven sa reaction ng audience?
 
“Masaya ako, masaya…” matipid na tugon niya.

Release ng Viva Films ang Pare, Mahal Mo Raw Ako at bukod kay Michael, kasama rin dito sina Edgar Allan Guzman; Joross Gamboa; Matt Evans, at Trina Legaspi. Showing na ang pelikula sa June 8.

(To view photos during the premiere, click: Garrie Concepcion attends premiere of boyfriend Michael Pangilinan's movie)
 


ON THE SET. Hango ang Pare, Mahal Mo Raw Ako sa kanta na composition at inawit ni Michael Pangilinan bilang entry sa Himig Handog Ppop 2014.

 Nakangiting saad ni Direk Joven tungkol sa pelikula, “Cute, simple, totoo, natural…”
 
Maa-appreciate ba ito ng LGBT community?
 
“Kahit hindi member [ng LGBT community], maa-appreciate ito.

“Kasi tungkol ito sa pagmamahal at ang pagmamahal, para sa lahat.
 
“Ano man yung ano mo, walang pinipili.

“Basta marunong kang magmahal at tumatanggap ka ng pagmamahal, para sa iyo ito.”
 
Ang masasabi raw niya kay Michael, “Mabait, masunurin…”
 
Paano niya ire-rate ang singer-actor bilang first lead role niya ito?
 
“Ayaw kong mag-rate, kasi ayaw ko rin niriri-rate, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta feeling ko ginawa ko yung dapat kong gawin.

“Sa tingin ko naman, ginawa nila yung hiningi ko sa kanila.”
 
Si Edgar naman?
 
“Mas may lalim na, satisfied ako sa trabaho niya.

“Hindi ko lang alam kung satisfied siya sa trabaho ko,” nakangiting wika ng direktor.
 
“Pero ako happy ako sa kanila, yun lang yung kailangan.

“Parang yun lang ang hinihingi, e,” pahabol pa ni direk.
 

SAME DIFFERENCE. Ano naman ang reaksiyon naman niya sa mga nanlalait sa indie films?

“E ‘di gumawa rin sila ng kanila.

“Maghintay sila nang manlalait naman ng gawa nila.

“Ganoon lang yun, umiikot lang ‘yan, di ba?
 
“’Pag hindi mo nagustuhan, e, ‘di sorry, pasensya na.

“Salamat naman sa mga nakagusto, hindi naman kasi dapat lagyan ng brand, e.

“Porke ba maliit, indie na ang gumawa? Dapat universal din ‘yan, ‘di ba?
 
“Parang nagluto ka lang ng kare-kare… gamit ng kabila Lily’s Peanut Butter, iyong iba natural na mani.
 
“So pare-pareho lang din iyan, kare-kare pa rin ‘yan. Dapat universal.”
 
Ano pang dream project ang gusto niyang magawa?
 
“Hindi pa ako nakakagawa ng stage play, yun na lang siguro.
 
“Actually may balak nga, pero yun yung karugtong noong project sa ano, na gagawing musical.”

So, puwedeng si Michael ang bida riyan?
 
“Puwede, puwede. Parang Rak of Aegis siya, e, parang ganoon.”
 

MULTI-TASKER. Nakapag-compose na si Direk Joven ng mahigit 80 songs at nakagawa ng more or less 60 films.

Ano ang mas mahirap sa kanya, ang magdirek o mag-compose ng kanta?
 
“Siyempre ang mag-direk.

“Yung mag-compose… paupuin mo lang ako sa sulok, bigyan mo ‘ko ng deadline, puwede na ako gumawa agad.
 
“Pero ang pelikula, siyempre hihintayin mo pang mag-showing, lalaitin pa, tapos ‘di kikita… so mas masakit.

“Yung kanta, pagkatapos mo, ‘pag narinig kumanta, ‘pag nai-record na, ’tapos na obligasyon mo.”
 
Pero ano talaga ang unang gusto mong gawin noon, magdirek ng pelikula o mag-compose ng mga kanta?
 
“Di ko alam, e, basta dumating lang lahat. Basta lahat ng gusto ko nagawa ko.
 
“Kaya siguro… ayan nag-publishing, gumawa ng kanta, nagpelikula, gumawa ng libro…
 
“Parang hinahanap mo kung saan ka puwede, kaya siguro ‘di ako nababagot sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kung nababagot ako sa isa, mayroon pang iba. Tuloy-tuloy iyan.”
 
Mayroon pa ba siyang gustong-gustong gawin na malapit na niyang ma-achieve?
 
“Actually ginagawa na, special project lang siya sa Star Music pero hindi pa puwedeng sabihin yung detalye.
 
“Basta maganda siya, something na malaki.

“Parang feeling mo, hindi mo pa dapat makuha, pero makukuha mo na… parang ganoon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN