Kathniel movie will not be pitted against AlDub movie this July

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are slated to go to Spain this June to shoot their movie with Direk Olivia Lamasan (right).



Pinaghahandaan na ng award-winning director na si Olivia Lamasan ang kauna-unahang pelikula niya with the Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa Star Cinema. Maraming bahagi ng movie ay kukunan nila sa Spain.

Ang bagong pelikula rin ng tambalang Kathniel ang nagpabalik kay Direk Olive para magdirek after two years. Her last film ay ang monster hit na Starting Over Again kung saan nagkasama for the first time sa big screen sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

“Oo, nagsu-shooting na kami. Tomorrow [referring to May 30] may shooting kami. Tomorrow is our second shooting day.  Second pa lang,” bungad ni Direk Olive nang makausap namin siya after the Q&A portion sa presscon para sa ika-25 taon ng Maalaala Mo Kaya last Sunday.

“Sa EDSA nag-shoot kami. Bukas [Monday] sa bahay. Pero excited ako na makatrabaho yung dalawa. At excited din sila sa roles na gagampanan nila sa movie.”

Ano ang pamagat ng pamagat ng movie nina Daniel at Kathryn?

“Wala pa. Alam mo naman ako sa title, wala. Pero yun, it’s a Kathniel movie. Parang ang role nila, parang a transition to maturity, to taking on mature roles.

“Pero hindi naman yung gagawing sexy. Hindi naman.  
      
“Mas mature na yung mga issues na tina-tackle ng characters nila. Like, hindi naman pregnancy issue. Parang how to move on from loss.

“Paano ka magbubukas ulit ng puso mo sa panibagong pag-ibig pagkatapos mong mawalan.  Ah, paano naman ang mga buhay, like, parang ten years ago, more than ten years ago in [the movie] Milan, we tackled OFWs, di ba?

“The life of OFWs na they leave to better the lives of their families. Ganoon pa rin ngayon, pero ngayon meron ng bagong issues based doon sa mga na-interview namin sa Barcelona. Marami ng ibang issues na kung bakit pumupunta, kung bakit umaalis ang mga bata lalo na yung mga millennials.

“Iba na ang isyu, oo. Nakakatuwa! Sabi ko nga, ‘Ah, ok. So, we would be able to bring, parang to tackle a different issue this time sa ano, sa pelikulang ito aside from love.”

How true na na-delay ang pagalis nila patungong Barcelona, Spain?

“Hindi naman,” paglilinaw ni Direk Olive.

“Parang hinihintay lang namin yung final approval nu’ng visa. Tapos yung final rin ng script na sinusulat din ni Ms. Carmi Raymundo. Para pagdating namin doon, handa kami.”

Kailan sila pupunta ng Spain?

“Mga second or third week of June.”

Totoo ba na makakatapat ng Kathniel movie sa playdate ang pelikula naman nina Alden Richards at Maine Mendoza?

“Ay, hindi ko pa alam. Hindi pa namin napapagusapan ng Star Cinema yung playdate.”

Hindi totoo na sa July ang showing ng Kathniel movie?

“Oo, hindi totoo. Hindi ko naman matatapos ‘yan by July.”

Masasabi ba niya na inokupa na ni Kathryn ang mga role na dating ginagawa ni Claudine Barretto sa Star Cinema?

“Marami naman,” sagot  niya.  

“Marami namang iba na nakapag-tackle niyan. Pero ako happy lang ako na may bagong issues ng OFWs at saka millennials na mata-tackle dito sa pelikulang ‘to aside from love.”

Gugulatin ba ang audience ng bagong timpla na roles nina Daniel at Kathryn sa pelikula niya?

“Oo, sana,” tugon niya.

“Pero nakakatuwa kasi excited na excited silang dalawa. Tapos ang dami kong nakukuhang inputs sa kanila, ayun. Lalo na sa kabataan ngayon. How they think? How they perceive love, life? Kasi nu’ng time ng Pangako Sa ‘Yo hindi ko sila nahawakan, e.  Hindi ko sila na-direk.

“Ang nahawakan ko sa Pangako Sa 'Yo, yung Jodi [Sta. Maria]-Ian [Veneracion]. So, ito yung pagkakataon ko na mahawakan yung dalawa.”

Sa movie na ba niya mapapanood ang first kissing scene at love scene ng Kathniel?

“Naku! Ayoko munang isipin ‘yan. Hindi ko pa sila nakausap doon. Pero sa akin kasi, not for the kissing scene na kung kailangan sa kwento, then, I will sit down with them.

“Sa ngayon wala pa sa script. Pero kung meron at kailangan sa kwento, kailangan sa characters nila, oo.”

But can she say na after her film, magle-level-up na si Kathryn as an actress?

“Oo, sana, sana,” dasal ng veteran director.

“Pero hindi naman siguro matured na matured. Let us just say that she is transitioning and they both are transitioning.”



MMK25. Dahil busy na si Direk Olive sa kanyang movie with Kathniel kaya pinasubalian niya ang posibilidad na makagawa siya ng espesyal na episode para sa Maalaala Mo Kaya.

Si Charo Santos-Concio ang nagsisilbing host ng drama anthology na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

“Sa ngayon wala pa. Kasi sa ngayon, lalo na ngayon, parang tutok ako dito sa pelikula ko sa Kathniel. So, nag-stop ako for two years directing.”

Bilang isa mga unang direktor ng programa ni Charo Santos, sa tingin ba niya na-achieve ang Maalaala Mo Kaya ang purpose niya when it was conceived 25 years ago?

“Nu’ng una it was really just a program. Naisip namin magkaroon ng...parang magkaroon ng venue ang mga tao to share their stories. Hindi ko inakala talaga na magla-last siya ng ganito katagal.  Hindi naming inakala nina Charo that it’s going to live this long and it’s going to be what it is to the lives of the Filipinos. To us it is a very humbling victory.”

Sabi niya one of the reasons behind the success of  the longest drama anthology in Asia ay dahil kay Charo.

“Oo siya,” diin ni Direk Olive.

“Kasi para sa akin yung buhay niya at pagkatao niya parang yun ang naging inspirayson at aspirasyon na gustong marating ng mga manonood. She started out as a fan. Pero isa siyang artista na breadwinner ng kanyang pamilya. Isa siyang artista pero nakapagtapos ng pag-aaral. Very intelligent at hindi lang siya nanatiling artista.

“Umakyat siya sa corporate ladder. She’s an example of a person who really made use of the blessings and the gifts and the talents that God gave.

“Simbolo siya ng hope at ng kung ano ang gusto mong maging sa industry.”

Si Direk Olive ang direktor ng movie version ng Maalaala Mo Kaya na ginawa niya noong 1994. Sina Richard Gomez, Aiko Melendez at Chin-chin Gutierrez ang mga bida sa Maalaala Mo Kaya movie.

Wala bang plano na ang lifestory ni Charo ang gawin sa ikalawang movie version ng MMK?

“Why not? Her life story, di ba?

“Pero kung meron silang naisip na nararapat magdirek maliban sa akin, okay din. So, tingnan natin.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN