Coleen Garcia says her sexy image does not depend on Billy Crawford

Coleen Garcia will star in an upcoming action-comedy movie to be directed by Chris Martinez.



Excited si Coleen Garcia para sa next film assignment niya with Star Cinema after the success of her movie with Piolo Pascual and Dawn Zulueta, ang Love Me Tomorrow.

The announcement came from Star Cinema’s headwriter-producer si Kriz Gazmen nang tanungin si Coleen kung sino ang magiging next leading man niya after Piolo.

“Hindi ako makakasagot niyan,” sabay tawa ni Coleen na tinaguriang "Face of the Millennial."

“Ayaw kaya nilang i-share sa akin. Ngayon ko lang din malalaman kasi ayaw nilang sabihin sa akin. Hahaha!”

According to Kriz, “We’ve proven kasi sa mga previous projects ni Coleen that she is such a versatile actress. Ang dami rin talagang kayang gawin. So, ang next project ni Coleen, she will do an action-comedy movie with us.  With two other actresses na surprise pa po.”

Sino ang leading man ni Coleen?

“Wala pa po. Secret pa. Si Coleen pa lang ang ina-announce namin para sa project,” sagot ni Kriz.

Extra Service ang title ng next movie ni Coleen na ididirek ni Chris Martinez. This will be the first time na ididirek si Coleen ni Chris.

“It’s my first film na hindi si Gino [Santos] yung director ko and I’m really looking forward to it coz I’m also a fan of Direk Chris Martinez’s work,” sambit ni Coleen.

“Magaling siya lalo na sa comedy. Iba rin ang timing niya. So, maganda. Mahusay din.”

May napanood na ba si Coleen na movie ni Direk Chris?

“Well, Kimmy Dora. Siya yung sa Kimmy Dora, di ba?  And even in Anne’s [Curtis] movie, the one with Cristine [Reyes], The Gifted. Magaling siya sa comedy, actually. Iba siya. Pero also, I’m excited because iba na siya, instead of a love angle, it’s with two other ladies. So, it’s something different also for me.”

Happy si Coleen na patuloy na tinatangkilik ng mga moviegoers ang pelikula nila nina Piolo at Dawn.  
         
Ayon sa Star Cinema, malapit na umabot sa P100 million ang kinita ng Love Me Tomorrow at palabas pa ito sa 157 cinemas.

Ano ang masasabi ni Coleen sa success ng kanilang coming-of-age film?

“Of course, I’m very happy.  Although at the start of the film, compared sa dati, I have to be honest, medyo naging kampante ako.

“I said, ‘Sige, okay. Sina Piolo at si Ms. Dawn ang kasama ko. Hahaha! Medyo kampante na ako kasi, di ba, siyempre a lot of people, I would watch their movies, di ba? I’m a fan of their work.

“So, in a way, naging kampante naman ako that it would fare well because of the two people who I was with. Not even because of me. But because of the actors I am with na napakahusay talaga and it’s always worth watching ang mga pelikula nila.”

Dahil sa dalawang magkasunod na box-office hit ng movies ni Coleen sa Star Cinema, she’s also given the title as one of the most sought female movie stars of this generation.

“Super kilig. Ang saya-saya. Very kilig, haha!

“I’m so happy with where I am now. Alam ninyo in all honesty, simula nu’ng nawala ako sa Showtime I was a bit sad family because I was letting go for family. But ever since I started working  with Star Cinema naramdaman ko ulit yung parang sense of family.”

Speaking of Showtime, may plano ba siya na bumalik?

“Hindi na, because, well, I don’t know. Parang I wanna keep up the momentum with what’s happening right now. I feel like I’m finally on the right track.

“Although I was happy when I was there and I did learn so much when I was there. Ang dami ko talagang natutunan especially because of the people I was with on a daily basis.

“Ngayon, natanggal kahit papano yung ibang mga inhibitions ko. It helped. It really helped.

“I know it was totally different from what I am doing now. Pero ang laki rin ng tulong ng Showtime. Although right now, it got me to where I am right now. I don’t think I should go back to where I was. I just keep moving at this point. Pero I’ll be visiting like during our promo, nagpunta ako doon.

Napanood na ba ng boyfriend niya na si Billy Crawford ang Love Me Tomorrow?

“Hindi pa. He was there sa premiere night pero nagbigay lang siya ng flowers na sobrang pinilit niyang mangyari kasi nagti-taping siya for a movie.

“Oo, inintertain niya yung ga guests ko sa premiere night. Mas maaga pa siya sa aming lahat actually doon. Hahaha!

“Pinilit lang  talaga kasi niya during dinner break to make his way sa premiere night. He gave me flowers and then, he needed to rush back sa set. Pero eto, katatapos lang niya. Last day ng shoot nila kahapon.

“So, hopefully, after this, makakapag-movie marathon kami with Tita Karla [Estrada].”

Pero sa palagay niya magugulat si Billy sa love scene nila ni Piolo?

“Actually, yung part na ‘yon napanood na niya. Ano reaction niya? Better naman than Ex [With Benefits]. Hahaha!

“Parang after ng Ex, hindi na siya magugulat, e,” ngiti niya.

“No, na. And it was, in all fairness to Direk Gino it was done very tastefully.  And that scene, the way it was executed, it was inter-cutting kasi like with the club scene. So, it was done in a fun way also.”

Kapag kinasal sila ni Billy, tatanggap pa rin ba siya ng sexy roles?

“Uhm, siguro pwede lang sana I don’t know kasi how old I am when I end up with him. Hahaha! I don’t know, di ba?

“I don’t know where I’ll be with my career. It all depends, it does not depend on our relationship. It depends on where I will be in my career at that time. So, what decision I will be making, what projects I will be taking on at that time, it will only depend on that.”

What’s her next TV project?

“Well, with TV, wala pa po’ng prini-prisenta sa akin. Although, I’m happy that I have a new movie because I’m really having so much fun also with film. Iba rin yung film, e.

“Iba rin yung fulfillment na nakukuha mo when you finish a film tapos may premiere. And then you get to see your film over and over again. Iba rin naman yung film.

“But if the opportunity would present itself, I will be open for it.” 



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN