Maratabatat wins Best International Film award in New York film fest

Ping Medina (left) and Julio Diaz (right) star in Maratabat, an indie film directed by broadcaster-turned-filmmaker Arlyn Dela Cruz.



Napanalunan ng Filipino indie film na Maratabat (Pride and Honor) ang Best International Film sa People’s Film Festival na ginanap sa Harlem, New York.

Ang Maratabat ay 2014 directorial debut film ng broadcast journalist-turned-filmmaker na si Arlyn dela Cruz.

Ang People’s Film Festival ay isang four-day annual film festival kunsaan iba’t ibang independent films mula sa iba’t ibang bansa ay nagku-compete tulad ng U.S.A., Spain, Argentina, Brazil, Canada, Cuba, France, Iran, Austria, Australia, and the United Kingdom.

Ito ang description ng People’s Film Festival sa naturang Pinoy movie:

"MARATABAT – Pride & Honor by Filipino director Arlyn Dela Cruz whose dramatic film tells the story of two feuding families the Abubakars and the Mahardikas in the Providence of Maratabat in Southern Phillipines & their quest for power."

Nalaman ni Direk Arlyn ang pagkapanalo ng Maratabat noong may magpadala ng e-mail sa kanya. Naiyak daw siya sa sobrang tuwa.

“I share this award to my Maratabat actors and the entire production team and also to my colleagues in the media.

“Alam ninyo ang kuwento ng Maratabat. I am truly grateful for the award,” pahayag pa ni Direk Arlyn.

Ka-tie ng Maratabat ang pelikula na (HM) Stalker na mula sa Nigeria.

Ang Maratabat ay isang political drama na base sa mga experiences ni Direk Arlyn bilang isang broadcast journalist. Isa nga sa kanyang naging assignments ay ang pag-cover sa malagim na Maguindanao Massacre in 2009 kunsaan 58 na tao ang nasawi at karamihan sa kanila ay mga journalists.

Naging entry sa New Wave category ng 2014 Metro Manila Film Festival ang Maratabat kunsaan nanalo ng Best Supporting Actor award si Kristoffer King.

Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Chanel Lattore, Richard Quan, Shyr Valdez, Alvin Fortuna, Carlos Cruz at Ping Medina.

Last year ay nanalo naman si Direk Arlyn ng Indie Movie Screenwriter of the Year mula sa PMPC Star Awards para sa Maratabat.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN