Mother Lily of Regal disappointed over MMFF's new ruling

Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde expresses her disappointment over the MMFF Executive Committee's new rulings, particularly its new criteria for selecting entries to the annual film festival: "Wala namang natutupad, e, since the time immemorial ganito na ang sistema ng MMFF."


Nagpipigil si Mother Lily Monteverde na magsalita nang husto pero nakikita naming gustung-gusto niyang maglitanya tungkol sa mga hinaing niya sa nagpapalakad ng taunang Metro Manila Film Festival.

Sa presscon ng pelikula ng Regal Films na I Love You To Death kahapon, Biyernes, June 10, natanong namin kung ano ang saloobin niya bilang producer sa pagpalit ng bagong grupo ng Executive Committee ng MMFF.

“Wala namang natutupad, e, since the time immemorial ganito na ang sistema ng MMFF,” bulalas ng Regal matriarch.

“Talaga naman, e.

“Who is to blame? All of them are to blame!” sabi pa nito.

Dagdag niyang pahayag, “Kailangan may sistema, e. Given naman may sistema, e.”

DISAPPOINTED. Nagpasabi siya sa aming huwag na sana itong isulat, pero hindi niya mapigilang mailabas ang sama ng loob sa wala pa rin daw pagbabago sa pamamalakad ng taunang filmfest.

Pinipilit lang namin sa kanya na kailangang maisulat para makarating sa mga kinauukulan.

Aminado siyang disappointed siya sa mga pagbabago, pati ang mga patakaran sa pagpili ng mga entry na isasali sa MMFF.

Hindi raw niya masagot sa ngayon kung sasali siya ngayong taon dahil hindi siya umaayon sa bagong patakaran na dapat ay tapos na ang pelikulang isasali at hindi sa script ang pagpipilian.

Pahayag ni Mother Lily; “Hindi ko nga alam kung ano ang isasali ko. I’m not sure.”

Sabi pa niya, “Ayaw na ayaw ko yung finished product.”

INDIE FILMS AS LIKELY MMFF ENTRIES? Ang obserbasyon ng karamihan, maaring karamihang sasali at magsusumite ng buong pelikula ay mga indie films.

“There’s nothing wrong to produce indie movies.

“Wala namang masama diyan, e. Kaya lang Chistmas is for fun.

“Yung mga moviegoers, mga bata, mga average, nagkaroon sila ng mga bonuses, pumunta sila sa mga sinehan.

“Ang kultura nila, hindi yung mga pang-Cannes Film Fest, di ba?” patuloy na himutok ni Mother Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMERCIAL VS. CRITICAL SUCCESS. Nabanggit niya ang mga ilang mga quality films na na-produce niya at humakot ng awards, pero hindi naman daw kumita at alam niyang hindi pang-MMFF. Pero proud daw siya na nagawa niya ang mga ganung klaseng pelikula.

Bilang producer sa matagal na panahon ay alam niya kung ano ang mga pelikulang bagay na pang-filmfest sa Pasko.

“Pero for the filmfest, its for the family to enjoy during Christmas,” saad pa ni Mother Lily.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN