Ronnie Quizon believes no one can top dad Dolphy's legacy as comedian

Ronnie Quizon on dad Dolphy's incomparable legacy: "Hindi mo masusundan, kahit nga yung magagaling na ibang komedyante diyan, hindi nila masundan, e."



Challenge para kay Ronnie Quizon ang papel na closet gay sa indie film titled Pusit (na ang ibig sabihin ay positive sa AIDS or HIV).

Nagkuwento si Ronnie tungkol sa kanilang pelikula na directed by broadcaster-turned-filmmaker na si Arlyn dela Cruz.

Kuwento ni Ronnie, “Basically, yung movie, iba-ibang characters, pero ang central theme ay yung AIDS at HIV.

“Gay ako rito na medyo may na-achieve na. Parang CEO na, pero closet.

“So if you’re looking for me playing yung parang all-out Roderick Paulate or Vice Ganda na homosexual, hindi ganoon.

“In fact, tago, e. Nagpe-pretend pa nga akong lalaki in some scenes e,” saad niya.

Dagdag pa ng aktor, “Hindi rin ako HIV victim, pero I’m on the other side of the coin, a person that is in love or related to an HIV victim.

“Actually, may challenge yung role ko, kaya I like it. Even the pain I feel – nakatago, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa presscon ng naturang pelikula mula sa Pantomina Films at Blank Pages Production sa Sarsa Restaurant sa Rockwell.


EYE-OPENER. Bukod kay Ronnie, tampok dito sina Jay Manalo at Kristoffer King.

Paliwanag pa ni Ronnie, “In my case, si Kristoffer yung lover ko. Siya yung nagka-AIDS and losing hope in life. Ako yung nagpu-provide niyon [hope] sa kanya.

“Si Kristoffer dito, parang nanggagamit siya ng gay. Ni hindi ako sure kung mahal niya ako, even if he tells me.

“Filipinos must be aware that yung AIDS is there, it’s real. It’s happening right now and it’s growing. Iyon ang problema.

“I think the movie is an eye-opener talaga.

“Especially when people realize na this is not fiction. They were really based on true people, true characters. Like me, yung role ko rito, it really exists.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa inisip niya para mapaghugutan sa ilang eksena rito ay noong nasa huling sandali na ang kanyang amang Comedy King.

Sabi niya, “Madali naman, may puwede akong paghugutan doon, like when my Dad was dying for example.

“He is the one encountering... you know, the trials and eventual death.

“Pero don’t tell me na I don’t have pain and yung mga kamag-anak ko. Mayroon kami, hindi ba?”

MISSING HIS DAD. Nabanggit din ni Ronnie na hanggang ngayon, four years after namatay si Mang Dolphy, nami-miss pa rin niya lagi ang kanyang ama.

Aniya, “Lagi, I mean hindi naman ako yung umiiyak araw-araw.

“In fact, maski yung dinadalaw niya ako [sa panaginip], masaya lagi, kasi ayaw niya ng malungkot e.”

May mga instance rin daw na nagpaparamdam sa kanya ang namayapang ama.

Kuwento niya, “Minsan, bigla na lang tumalsik yung cellphone ko!

“Tapos, nung nanalo akong Best Actor sa Barcelona [for the movie Rekorder], pagkatulog na pagkatulog ko noong araw na yun, dinalaw niya ako, niyakap niya ‘ko sa panaginip. Parang kinongratulate ako.

“Sa panaginip, nanonood siya ng TV, nakaupo siya sa lazy boy, ‘tas kumakain siya ng mani at nakikidukot ako, parang yung ginagawa namin noong bata ako.

“Pati nga yung bodyguard niyang patay na rin, kasama niya sa panaginip ko, e.”

MISSING DOLPHY. Ayon kay Ronnie, nami-miss niya pa rin ang kanyang tatay na si Dolphy na pumanaw noong July 10, 2012.

“Nami-miss ko talaga nang sobra e, pero since dinalaw niya ‘ko--pumupunta siya sa panaginip, ‘di ko kailangang puntahan yung puntod niya.

“All I have to do is reach out and you know hopefully he will hear, puwede niya akong punatahan di ba?

“Hindi pa gagastos ng gasoline,” pabirong saad pa niya.

Ano naman ang reaksyon niya sa balita tungkol sa breakup ni Zsa Zsa Padilla at ng nobyo nitong si Conrad Onglao, na nakatakda na sanang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre it’s unfortunate, ‘no?

“She’s trying to move-on, tapos it ended na ganoon… Pero that doesn't mean, you know, na it’s the end of the world for her.

“She can still move on to the next. Who knows? Di natin masasabi.

“Lahat naman may hangganan, nagkataon lang na napahaba yung sa tatay ko, napaikli itong sa isa.

“Pero kilala ko si Zsa Zsa.

“Ano 'yan, strong yung character naman niya.

“I mean, I think she will, lahat naman tayo kapag nawawalan, nalulungkot, e.

“Eventually, ano iyan, lalakas iyan, makaka-rebound,” nakangiting paliwanag niya.

WHO WILL FOLLOW DAD'S FOOTSTEPS? Tinanong din namin si Ronnie kung mayroon maaaring sumunod sa yapak ni Dolphy sa kanilang magkakapatid. Maaaring si Epy Quizon kaya?

“I wouldn’t know, kasi ayaw niya, e.

“Hindi naman sa minamaliit ko si Epy, ha?

“Unang-una, wag na nating i-discuss yung ibang aspect.

“Tatay ko magaling na dancer, si Epy hindi. Doon pa lang talo na, di ba?

“Even Epy will admit that. Nakakasayaw siya pero he’s not that great. And my dad is one of the top dancers in the land.

“I think in the end, nobody really wants to be the next Dolphy, mahirap, e.

“Bukod sa hard act to follow, kami hindi naman kami sinungaling, aminado kaming magaling talaga yung tatay namin.

“Hindi mo masusundan, kahit nga yung magagaling na ibang komedyante diyan, hindi nila masundan, e,” pag-aanalisa niya.


INCOMPARABLE. So talagang mahirap humanap ng kapalit ni Mang Dolphy bilang King of Comedy?

Rason niya, “Kasi… sige, magsabi ka sa akin ngayon ng kahit sino—not necessarily na magaling na komedyante, marunong lang.

“Marunong kumanta, sumayaw at umarte. At papasa ang hitsura sa tatay ko kung gagawin yun.

“Wala, e.”

Pero as new Comedy King lang, not necessarily na parang Dolphy talaga?

“Magiging ganoon ka-successful? Siguro, only time can tell,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawang sina Vic Sotto or Vice Ganda na nangungunang comedian ngayon?

Patuloy niyang paliwanag, “Hindi pa rin, e.

“They will be successful in their own right.

“But Vic Sotto will… you know, be Vic Sotto. Vice Ganda will be Vice Ganda, pero hindi sila magiging Dolphy.

“Kasi nga, kumabaga, niche, e.

“Kumbaga, ‘pag tinaga mo na sa bato iyan, hindi mo basta-basta magagaya yung ukit.

“Hindi puwedeng maging parehong-parehong ukit. Imposible, e.

“Nag-start si Dad, 16. Pati yung mga foreigner, kilala siya.

“Kasi kapag nagsu-show kami, sa mga tours namin, may mga foreigners, kilala siya.

“I don’t think yung mga foreigner kilala sina Vic or Vice sa ibang bansa, unless may mga asawang Filipino iyon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN