Kiray still dreams of having Sam Milby as her leading man

Kiray Celis admits that, although she looks up Eugene Domingo and Ai-Ai delas Alas as her comic idols, she tries not to consciously imitate them as her "pegs": "Wala ka dapat i-peg. Kasi, kapag pineg mo, magkakapareho kayo."


Dahil nagbibida na siya ngayon sa mga pelikula, tinanong namin kay Kiray Celis kung sino sa mga komedyante ngayon ang “peg” niyang talaga.

“Gusto kong maging Eugene Domingo at saka Ai-Ai delas Alas.

“Pero siyempre, hindi ko kayang higitan o pantayan ang mga napuntahan nilang dalawa dahil iba naman ang path ko, e.

“Pero siyempre, sila yung mga nilu-look-up ko, tinitingala ko.

“Hindi naman sa peg, kasi kahit naman si Eugene, hindi naman niya pineg si Ai Ai.

“Wala ka dapat i-peg. Kasi, kapag pineg mo, magkakapareho kayo,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I Love You to Death sa Valencia Events Place kahapon, June 10.

DREAM LEADING MAN. Consistent naman si Kiray na sa mga leading men, si Sam Milby pa rin ang pangarap niya na makapareha.

“Hindi nagbabago ‘yan,” sabi niya.

Mukhang hindi pinapakinggan ang wish niya.

“Hindi, konti na lang. Si Sam pa rin!” natawang sabi niya.

Alam ba ito ni Sam?

“Hindi, hindi niya alam na crush ko siya.

“At saka, ngayon na lang naman ako naging vocal kasi kailangan kong sumagot sa mga press.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN