Kiray on kissing scene with Enchong Dee: "Walang binatbat si Derek!"

Kiray Celis on her kissing scene with I Love You to Death leading man Enchong Dee: "Mas grabe kesa kay Derek. Walang binatbat si Derek! Grabe, nagulat nga ako, e. "


“Mas nakakakaba pala yung pangalawa!” ang litanya ni Kiray Celis nang makausap namin sa presscon ng ikalawang pelikula na siya ang bida, ang I Love You to Death ng Regal Films.

Ayon kay Kiray, “Ewan ko, kasi naman yung Love is Blind, yung moment na yun, 'Ay totoo ba, magbibida na ko?'

“Ngayon sa pangalawa, parang totoo na pala! Totoo na siya.

“Ang hirap sa umpisa, kasi parang hindi pa nagsisink-in sa ‘yo. At saka, yung una, apat kami.

“Saka, di ko naman kailangang mag-effort sa Derek Ramsay, Solenn Heusaff, Kean Cipriano.

“Ngayon, feeling ko, kaming dalawa na lang, parang ang sikip ng kuwarto namin.”

Ang tinutukoy ni Kiray ay si Enchong Dee na leading man naman niya ngayon sa pelikula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa presscon ng I Love You to Death sa Valencia Events Place kahapon, June 10.

PRESSURE. Nakakaramdam daw ng pressure si Kiray ngayon kung kailan ikalawang pagbibida na niya.

Dahil kaya ito sa pressure na kailangang ma-maintain niya ang magandang resulta sa box-office?

“Oo, mahirap din,” saad niya.

“Parang ang taas kasi ng naumpisahan ko. Parang sobrang taas ng Love is Blind para sa akin.”

Kumusta naman si Enchong bilang leading man?

“Fun to be with – ang kulit niya, sobrang landi niya,” lahad ni Kiray.

Dugtong pa niya, “Sobrang clingy niya.”

KISSING SCENE. Kahit na napakaraming naging litanya ni Kiray sa naging kissing scene niya rati kay Derek, tahasan nitong sinabi na pinaka-grabe raw ang naging kissing scene niya ngayon kay Enchong.

“Siya ang pinaka-grabe!” ang hirit ni Kiray.

Sabi pa niya, “Mas grabe kesa kay Derek. Walang binatbat si Derek! Grabe, nagulat nga ako, e. “

Paanong naging grabe?

“Hindi kasi ako sanay sa maraming takes, okay? Kapag umaarte ako, gusto ko, isang take lang.

“Magpapangalawa lang ako kapag kabilang shot na, ibang shot na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko ng paulit-ulit, hindi ako sanay na mag-buckle, paulit-ulit kami sa halikan na yun, yun lang, yung part lang na yun.”

Dumating na raw siya sa puntong umiyak na siya.

“Naiyak ako sa sarili ko, kasi nga, yung araw, papalubog na, e. Sa taas kami ng bundok.

“Hindi namin puwedeng dayain yun. Sobrang pressured, tapos kailangan wala raw maramdaman sa halik ko.”

May nararamdaman ba siya?

“Sa kanya meron. E, kasi, hindi ako sanay na gumagalaw.

“Di ba, sinabi ko naman yun sa inyo, kahit Love is Blind pa, hindi ako gumagalaw sa mga halikan. Pero this time, nagbago na nga.”

PREFERS OLDER MEN. Kung abs naman daw ang pag-uusapan, mabilis ang sagot ni Kiray na mas bongga pa rin ang abs ni Derek kumpara kay Enchong.

Pero ayon kay Kiray, “Masarap pala kapag huggable. Ang fluffy niya.”

Mas bata rin si Enchong?

“Mas bata? Hindi naman.

“I’m not into [guys] my age. Actually, hindi ako mahilig sa ka-age ko or parang two years lang ang gap sa akin.

“Mahilig ako sa matatanda.

“Sa Hollywood, ang crush ko talaga sina David Beckham.

“Hindi ako mahilig sa parang One Direction, Justin Bieber – hindi. Mas mahilig ako sa mas matanda sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN