Enchong Dee on kissing scene with Kiray: "Medyo awkward sa simula."

Enchong Dee recounts his kissing scene with Kiray Celis for their Regal Films movie, I Love You to Death: "Siyempre, awkward nung simula. Magkaiba kami ng generation. Magkaiba kami ng height."


Nag-enjoy daw ang Kapamilya actor na si Enchong Dee nang gawin niya ang pelikulang I Love You To Death ng Regal Films kunsaan leading lady niya si Kiray Celis.

“Nag-enjoy talaga kong gawin yung movie. At saka kapag yung movie outfit siguro saka yung actors, iisa ang determinasyon sa paggawa ng pelikula, they all have the same environment.

“Everything’s proper, everything’s organized.

“The actors are prepared, the director, the staff.

“Kaya sabi ko, it’s the same pala and it’s the same with my co-actors na even though they’re from different management, kapag mahal mo ang trabaho mo, iisa lang ang working attitude mo, e.

“So walang pa-diva, walang pahirap, naging madali. Fluid yung takbo ng shooting.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa presscon ng I Love You to Death sa Valencia Events Place, Quezon City noong June 10. Ipapalabas ang pelikula sa July 6.

Big revelation daw si Kiray kay Enchong.

Ayon dito, “Hindi ko akalain na ganun na pala siyang magtrabaho ngayon.

“Siyempre nakakasama ko siya dati, sa ASAP, yung mga live shows and then, only to realize na I think, siguro dahil Star Magic din siya, kaya yung training niya ganun din.

“They have the same attitudes toward work like Erich [Gonzales], Maja [Salvador]—yung mga same na nakatrabaho ko.

“Hindi siya nalalayo and, siyempre, bida siya rito, kailangan niya talagang mag-step up at sa tingin ko naman, nabigay niya.”

KISSING SCENE. Marami raw silang kissing scenes ni Kiray?

Pero mas lalo pang dumami dahil paulit-ulit silang kinunan.

Kuwento ni Enchong, “Sa actual scene, dalawa.

“Pero dahil paulit-ulit—noong una, hindi niya makuha.

“Paulit-ulit kami hanggang sa naiiyak na siya dahil hindi niya magawa.

“Kasi gusto niyang matapos agad, e. Hindi niya magawa. Hindi lang siya sanay.”

Kumusta naman ka-kissing scene si Kiray?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, awkward nung simula.

“Magkaiba kami ng generation. Magkaiba kami ng height.

“Medyo awkward sa simula but I think nung nakapa na namin, yung mapapanood ninyo, I think yun ang pinaka-perfect.”

SUPPORTIVE. Iniwasan daw ni Enchong na matawa kapag magkaeksena sila ni Kiray dahil ayaw raw niyang mailang ito sa kanya.

Sabi ni Enchong, “Ayoko siyang ma-awkward.

“Kasi tinutukso na siya ng crew, yung mga artists, so parang...

“Siyempre, ako, as her leading man, hindi ko puwedeng biru-biruin na, 'O, ano ba ‘yan, akala ko ba kaya mo?'

“Siyempre hindi, kailangan kong maging supportive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN