Kiray on butt holding with Enchong: "Favorite niya kasi yung puwet ko. Nagpipisilan kami."

Kiray says about kissing scene with Enchong Dee: "Best in laway si Enchong."



Hawakan sa puwet ang isa sa mga bumungad na topic sa presscon kina Kiray Celis at Enchong Dee para sa upcoming movie nila na I Love You To Death.

Unang binanggit ni Enchong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang press na hinihipuan raw siya sa puwet ni Kiray dahil naaaliw ito sa kanyang likod.

Nang humarap ang dalawa sa media at nilinaw naman ni Enchong na paglalambing lang ito ni Kiray, sumang-ayon na rin ang petite actress sa kapareha.

Sabi pa ni Enchong, “Oh, sige yun na rin ang sa akin naglalambing lang ako. Bumabawi lang naman ako. Mas nauuna siyang humahawak sa puwet kaysa ako.”

Paglilinaw ni Kiray sa paghawak niya ng puwet ni Enchong, “Kasi clingy siya. Sobrang clingy niya," sabi ng aktres.

“Parang mahilig siyang maghaplos para masanay kami sa isa’t-isa.

“Kasi ako nung umpisa sobra akong...para akong bato na hindi ako makagalaw sa kanya na hindi ako makadikit na kapag hinahawakan niya ang kamay ko parang..ihhh! Bakit niya ako hinahawakan.

“Hindi naman ako ganon sa Love is Blind, wala akong ganon. Nagulat ako dito I Love You To Death, grabe pala!

Patuloy pa ni Kiray sa hawakan ng puwet nila ni Enchong, “Favorite niya kasi yung puwet ko. Nagpipisilan kami. Malaki kasi yung puwet ko kaya natutuwa siya. So, hawakan ko rin yung puwet niya. Hindi porke ginagawa mo sa akin hindi ko puwedeng gawin sa iyo. Kaya hawakan ko rin yung sa kanya.”

Directed by Miko Livelo, ang I Love You To Death na produced ng Regal Films ay mapapanood simula July 6, 2016.


BEST IN LAWAY. Maliban sa hawakan sa puwet, sinasabing natagalan rin sa kissing scene ang dalawa dahil hindi magawa ni Kiray ang eksena.

Ibinalita ni Enchong sa June 10 presscon na ginanap sa Valencia residence ni Mother Lily Monteverde na pinangingiliran na nang luha si Kiray bago kunan ang kissing scene.

Paliwanag ni Kiray, “Natagalan, oo. First time kong...kasi sanay akong...gaya ni Enchong...kasi sino ba namang artista ang gusto pang magpangalawang take kung hindi ka naman nagba-backle at kung maayos naman ang ginawa mo?

“Kasi sa first take pa lang ibibigay mo na ang best mo, e. So, ayaw mo nang paulit-ulit. Pero first time ko ever sa lahat na eksena ko at sa mga kissing scenes, first time kong paulit-ulit ulet.

“Naiyak ako sa inis, sa sarili ko, kasi ayoko na nang paulit-ulit kasi palubog na yung araw. Tapos nagagalit na ako sa sarili ko. Kasi parang tsini-cheer nila ako na, 'Sige na galingan mo na, ibigay mo na yung best mo, halikan mo na si Enchong, ibuka mo na yung bibig mo!'

“Nanggigil na ako sa sarili ko kasi ayoko talagang bumuka. Kasi nga alam ko na sa susunod na movie baka... 'Ay, dila na ang kailangan namin Kiray.' Alam ko pag ibinigay ko dito, mas grabe pa yung kailangan kong ibigay.

“Yung kay Derek, siya lang po ang bumuka non. Pero mas grabe kay Enchong. Mas grabe siya kay Derek. Best in laway si Enchong.”

Nakakadalawa na sa kissing scene si Kiray kaya inaasahang sanay na siya sa ganitong eksena.

Sambit niya, “Sa ulit-ulit na take, feeling ko nga ang galing-galing ko na, joke!”

Sa pamantayan ni Kiray mas masarap raw humalik si Enchong kaysa kay Derek.

Pagpapatunay pa nang Kapamilya star, “grabe siya humalik! Parang pag galing siya nang lower lip, aakyat pa siya ng upper lip, ganon.”

Sa panayam namin kay Kiray bago simulang ang presscon proper ipinaliwanag niya kung bakit gulat ang reaksyon niya sa kissing scene kay Enchong.

Pahayag pa niya, “kasi si Derek in-open lang niya yung mouth niya. Si Enchong, dalawang beses, tatlong beses. Napa-atras talaga ako sa unang kiss. ‘ba’t ganon? Sabi ko.’ Sabi niya, ‘talagang ganon’. Hindi ko lang masabi hindi naman ginawa sa kin yan dati...Sabi niya, ganyan raw talaga..wala namang dilang lumabas.

“Yung kay Derek, hindi niya inilabas yung dila niya, parang in-open lang niya. Pero si Enchong kasi pagbaba niya kinain niya yung lower lip, tapos um-upper lip pa siya. Ay. Ano ito?

“Hindi ko na sinabi na hindi naman ganyan yung kay Derek, kasi nga sa sobrang galit ko na [sa sarili ko] paulit-ulit na ko.”

Bakit hindi mo raw magawa nang tama at paulit-ulit yung take?

“Kasi wala raw silang maramdaman sa halik ko.”

Sa pelikula niya kasama si Derek, nabatikos na si Kiray sa pagiging maarte niya sa kissing scene nila nang hunk actor. May mga nagkomento pang hindi naman raw maganda ang petite actress pero siya pa ang nagri-reklamo sa halikan kay Derek.

At ngayon ay pareho pa rin ang reaksyon niya sa kissing scene kay Enchong sa pelikula nila at nagsalita pa itong ‘mas grabe pa’ sa halikan kay Derek.

Mabilis na nag-react si Kiray, “sanay na akong masabihang maarte. At least, sa kissing scene lang ako maarte. Alam naman nilang yun ang weakness ko..hindi ako sanay sa TV at sa movie.”

Tanong namin kay Kiray, sa kissing scene maarte ka, pero pagdating sa paghawak sa puwet mo okay lang?

Nakangiti naman siyang sumagot, “Okay lang. Puwet lang naman 'yan...Saka duh! Asset ko 'yan.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN