KC Concepcion shows her other side in "For The First Time"


Richard Gutierrez and KC Concepcion team up for the first time in Star Cinema's For The First Time, which is also the first movie of KC.



Plantsado na ang full trailer ng kauna-unahang pelikula ninaKC Concepcion at Richard Gutierrez, ang For The First Time. Ayon sa Star CinemaProductions, tapos na nilang gawin ang kabuuan ng trailer ng unang pelikula niKC at unang pagtatambal nina ni Richard. Mapapanood na rin ang full trailer nito for the firsttime ngayong Linggo, August 10.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), ilalabas sa full trailer ang mgapinaggagawa kay KC sa movie ng direktor nila na si Joyce Bernal. Sa unangpagkakataon ay makikita ang other side ni KC bilang ordinaryong babae sapelikula. ‘Tulad na lang ng eksena ni KC kung saan binabatuk-batukan siya ngco-star niyang si Candy Pangilinan.

Meron din daw eksena sa pelikula kung saan utot nang utot siKC. May eksena rin si KC sa movie kung saan tinulak siya ni Richard sa isangbangin sa Greece. At sa labis na pagkagulat ni KC, nataranta siya sa paglangoysa tubig.

Ilan lang ‘yan sa mga eksenang ipinagawa ni Direk Joyce kayKC sa For The First Time. Hindi natakot o na-intimidate si Direk Joyce kahit si KC ay anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating matinee idol na siGabby Concepcion. Sa kabila nito, puring-puri hindi lang ni Direk Joyce kunding buong staff and crew si KC dahil sa pagiging professional nito.

Pagkatapos ng unang presscon nina KC at Richard para sa ForThe First Time, posibleng hindi na raw magkaroon ng second presscon. Wala rawkasing makuhang schedule ang Star Cinema kina KC at Richard dahil parehongsuperbusy ang dalawa nilang artista.

Kaya posibleng sa premiere night na lang daw ng For TheFirst Time makikita ulit ng movie press na magkasama sina KC at Richard. Ngayonpa lang daw ay nagpa-reserve na ng more than 100 tickets ang ina ni Richard nasi Annabelle Rama sa Star Cinema para sa premiere night ng pelikula,na tiyak na magiging isang malaking movie event and star-studded affair thisyear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagsabi na rin ang ama ni KC na si Gabby na manonoodsiya ng first movie ng kanyang anak sa premiere night. Pupunta raw si Gabbydahil si KC daw mismo ang nag-imbita sa kanya. Inimbita rin ni KC ang kanyang mgakamag-anak mula sa Cuneta clan, ang mga Pangilinan na pamilya ng stepfatherniya na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan, at ang mga kamag-anak niya mulasa Gamboa-Sotto side.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN