Liza Diño has breast exposure; shoots love scene with Janice de Belen for upcoming movie

Masaya si Liza Diño na kahit daring siya sa bago niyang pelikula ay suportado pa rin siya ng kanyang asawang si Aiza Seguerra. Kuwento pa ng singer-actress, "I'm lucky na nakapaka supportive niya."



Hindi bruskong tomboy ang role ni Liza Dio sa bagong pelikulang Ringgo, The Dog-Shooter. Aminado naman ang singer-actress na nalalapit sa kanyang buhay ang ginagampanan niyang papel sa pelikula.

Panimulang kuwento ni Liza, “Girlfriend ako ni Janice De Belen and very pivotal character kasi siya yung observer ng tatlo. Lead actors here are Ate Janice, Sandino Martin, and the dog, si Inca.

“They’re trying to find parang themselves, tapos into self-discovery. Mag-meet ang kanilang buhay. They’re all gonna live together.

“Doon nila uumpisahan yung journey nila to self-discovery.

“Ako yung parang observer sa kanilang tatlo and yung mga points in the film na parang, a… to get to the climax of the movie, involves naman yung nangyari sa akin [with Ate Janice].”

Gaano siya ka-daring sa pelikula? Sagot niya, “Daring. I‘d like to think it’s within [the] context [of the film].

“Yung pinaka-climax ng film has to… I don’t know if I can reveal it pero medyo marahas… may [breast] exposure siya. Pero hindi siya, hindi siya in a way na nag expose ka for nothing.”

Bukod sa breast exposure, may kissing scenes din daw sila at love scene.

Dito daw nahirapan si Janice na i-execute ang eksena.

Lahat niya, “Hindi siya matagal pero I’d like to think na parang na achieve naman namin.

"We had to get to a point na parang both comfortable. Parang Ate Janice siyempre hindi naman siya sanay sa ganitong roles.

"Mas sanay ako sa mga ganong klaseng scenes. We just really have to trust each other and sabi ko sa kanya na, ‘Janice hindi tayo talo.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa presscon ng bago nitong pelikulang Ringgo, The Dog Shooter kahapon, Miyerkules, June 22.

SUPPORTIVE HUSBAND. Ipinaalam naman daw niya ito sa kanyang asawang si Aiza Seguerra.

Dugtong pa ni Liza, “Aiza has been very very supportive.

"Nakakatuwa yung supporta na binibigay niya, my pursuits.

"Kumbaga, even if I was given a role na talagang hindi medyo daring ganyan o kaya unconventional lagi niyang binabalikan yung sino ba ako bilang artista.

"'Ano ka ba? Ano ba yung kontexto nung role na ginagampanan, kung bakit kailangan mo gumawa nung mga ganung mga eksena.'

“So, I’m happy. I’m lucky na nakapaka supportive niya."

Umaasa naman siya na matapos itong mapanood ng mga tao ay maintindihan na nila ang mga lesbian couple katulad nila ni Aiza.

Saad pa nito, “Hopefully. If there is one thing that Direk [Rahyan Carlos] wanted to achieve, he really wants to show kung paano talaga… lesbians are couples like any other couple. Meron kasi mga mga ano pre-conceived notions kung ano yung mga lesbians.

“Kasi hindi sila familiar, di ba? Napakaganda nung relationship na pinakita naming dalawa kasi ano she proposed to me, we got married so talagang the journey of this couple.”

Ang Ringgo, The Dog-Shooter ay isa sa anim na finalists sa Pilipino New Cinema section ng 3rd World Premieres Film Festival (WPFF) 2016. Ipapalabas ito sa mga sinehan mula June 29 - July 10, 2016.

Bahagi rin sa pelikula sina Bembol Roco, Bodjie Pascua, Manuel Chua, Jr., Rubi Rubi, at introducing si Micha Oteyza.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN