Janice de Belen opens up about lesbian love scene with Liza Diño

Janice de Belen (right) on Liza Diño: "Nabilib ako sa kanya kasi, kinaya niya and never pa kong nagkaroon ng kasama sa eksena na nag-topless na babae."



Sa ilang dekada na rin ni Janice de Belen bilang isang aktres, ang kanyang karakter bilang isang “butch” sa indie film na Ringgo, The Dog-Shooter.

Ito ay isa sa mga entries para sa 3rd edition ng World Premieres Film Festival na tatakbo mula sa June 29 - July 10, 2016 sa ilang piling sinehan ang pinakamatapang na pagganap na niya.

“Hindi ko ‘to first time na gumanap ng lesbian pero iba ‘to, ibang-iba ‘to,” lahad niya ni Janice nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula sa Cucina ni Bunso kahapon, June 22.

Hindi lang kissing scene, kung hindi love scene ang eksena ni Janice kasama si Liza Dio. Delaying tactic daw ang ginawa niyang paghahanda sa eksena.

“Dinelay ko ng dinelay,” natatawang pag-amin ni Janice.

“Mahirap, paano ko paghahandaan yung ganun? Magpapa-practice ka? Hindi naman, ‘di ba? Dinelay ko kasi, ano, magpapa-practice ka? Ang kailangan ko lakas ng loob.

“Kasi, pinakamahirap yung lakas ng loob by the way ha, it’s not even yung shot, it’s not even yung kukunan ka, hindi ah… lakas ng loob ang pinaka-kailangan ko sa lahat.”

Ang nangyari raw kasi, nang binasa niya ang script, hindi niya nabasa o napansin ang naturang eksena sa pagitan nila ni Liza. Nasa story conference na raw siya nang malaman niya at naka-kumpromiso na siya.

“Noong binasa ko ang script, nasa taping ako, e. So binasa ko siya, sa email lang. Hindi ko nabasa kasi, naka-encapsulate siya sa isang sequence na hindi ako kasama. Na hindi talaga—wala akong dialogue, e. Kaya hindi ko siya nabasa.

“Noong nag-i-script reading kami, bakit parang hindi ko alam ‘to? E, nandun na kami, hayun na,” natawa niyang sabi.

Isang take lang naman daw nang gawin nila ni Liza.

Aniya, “Ginawa ko ng lahat para isang take lang, para hindi na ulitin.”

Yung magnitude raw ng karakter na ginampanan niya ang talagang nakakapagpa-pressure sa kanya.

Sabi nga ni Janice, “Alam niyo, hanggang ngayon na pinag-uusapan natin, kinakabahan pa rin ako!”

Nakipag-compromise rin daw siya sa director nila na si Rahyan Carlos.

“Kasi, tinatanong ko talaga sa kanya, kailangan ba? Kasi, sa pakiramdam ko, hindi kailangan. But it’s not my vision, I’m not the director, I’m not the writer. He has a different vision, iba ang gusto niyang makita.

“Siyempre sa akin, hangga’t kaya. But since hindi talaga, compromise na lang. It happened on the last day of shooting. Siyempre, medyo kakilala mo na ang mga kasama mo, medyo naka-get-over ka na sa fact na, ‘eto ang mga gagawin ko.

“Kasi again, lakas ng loob. Hindi ko alam kung saan kukunin.”


ON WORKING WITH LIZA DINO. Naiintindihan naman daw ni Liza Dio ang pinagdadaanan ni Janice kaya todo rin ang suporta nito.

Naitanong nga namin sa kanya kung malaking bagay para sa kanya na ang ka-eksena niya ay miyembro rin naman ng LGBT community.

“Hindi naman, actually hindi naman,” saad ni Janice.

“It would have matter, it’s really the scene and the lakas ng loob. Si Liza naman, nagkukuwentuhan naman kami. Siyempre ang importante naman, may cooperation kami.

“Siyempre kami ang magka-eksena so dapat may cooperation kami. Dapat may working camaraderie man lang kami.”

Yung pagkukuwento ni Liza ng personal nilang relasyon ni Aiza Seguerra sa kanya, nakatulong din ba para sa kanya at mas maging kumportable?

“It’s not necessary that, it’s being comfortable with the people that you’re going to do such an intense scene, ‘di ba? Kahit naman makipag-kissing scene ka sa lalaki, kailangan din kumportable ka.”

Nasabi rin daw ni Liza sa kanya na heterosexual pa rin naman ito para hindi siya mailang?

“Actually, ako nga ang may problema, hindi siya,” natawang sabi niya.


LIZA'S FRONTAL NUDITY. Si Liza rin daw ang may frontal nudity sa kanila at bumilib daw siya rito.

Ayon kay Janice, “Actually, bumilib ako sa kanya, iba pa ‘tong eksena, hindi yung love scene. Kasi ako, naisip ko, ang tagal ko ng artista, pero ni minsan hindi ko naiisip yun, hindi ako papayag.

“Nabilib ako sa kanya kasi, kinaya niya and never pa kong nagkaroon ng kasama sa eksena na nag-topless na babae. Kasi sa lalaki, wala naman silang issue sa kanila. Wala pa kong nakasamang babae ever na nag-topless.

“Parang nako-concious ako for her kasi sa eksena, medyo matagal siyang naka-disrobe. So alam mo yung kapag cut, inaabutan ko siya—siyempre babae rin ako, naku-concious ako for her.

“So yung eksena namin, inisip ko na lang, kunwari tinatakpan ko ang boobs niya para hindi makita sa camera. It has to work. You have to find all kinds of motivation to make it work, ‘di ba?”


BESTIALITY THEME. May tema ng bestiality (o pakikipagtalik sa hayop) ang pelikula nila.

Sa puntong yun, wala raw problema si Janice.

Sabi pa niya, “You know, the entirety of this film, I’m very open to a lot of topics. Wala akong issue sa ganyang mga topics. These are things that are happening in real life. These are things, how absurd, how digusting in real life.

“These are things na hindi naman natin mako-control. So, wala akong problema dun sa subject. Wala naman ako usually pakialam kung ano ang role ko, kung ano ang magiging impression sa tao.”

Natatawang dugtong niya, “But for a minute, I was worried. I was really worried. After a while you’ll get over it. Nang matapos, nakahinga ka. Parang nabunutan ako ng espada sa dibdib.

“Like I’ve said, feeling ko, ito ang pinakamahirap na ginawa ko ever.”


NO TO WATCHING HERSELF ONSCREEN. Bilang aktres, kumpara sa iba, siya raw yung artistang hindi pinapanood ang sarili niya sa telebisyon o pelikula man.

Katwiran niya sa bagay na ito, “Ayoko ng pinapanood ang sarili ko. Kapag nasa premiere ako, pumipikit ako. Hindi ako nanonod ng preview.”

Bakit hindi siya nanonood?

“Kasi, araw-araw ko ng nakikita ang sarili ko.”

Yung morning teleserye niya pala na Be My Lady, hindi niya pinapanood?

“Hindi ko pinapanood,” natawang pag-amin niya.

Kaya hangga’t maaari raw, gusto raw sana niyang iba-iba ang karakter na ginagampanan.

Noon daw, nakakaya naman niyang panoorin ang mga proyekto niya, parang nang magtagal lang daw na hindi.

“Mas kaya kong panoorin ang sarili ko noon kesa ngayon. Kasi feeling ko, kapag pinapanood mo ang sarili mo, baka maging narcissist ka, e. So huwag na lang.”


SECURE WITH HER SEXUALITY. Natatawang kuwento ni Janice sa presscon, dahil din daw sa pelikula, mas lalo niyang nasigurado ang sarili na isa nga siyang babae.

“Tiningnan ko nga yung mga pictures ng mga crush ko dati,” natawa niyang sabi.

May nagsabi naman sa aktres na, “mas masarap pa rin ang lalaki.”

“Hindi pa naman ako naka-experience ng babae, so siguro naman, oo,” natawa ulit niyang sabi.

Sa isang banda, maraming sitwasyon na pagkatapos ng hindi magagandang pinagdaanan ng isang babae sa mga naka-relasyong lalaki, napapaisip o biglang pumapatol ang mga ito sa kapwa babae sa pag-iisip na baka hindi na masaktan.

Isa siya sa mga aktres na marami na rin pinagdaanan sa pakikipag-relasyon, ni minsan, hindi sumagi sa isipan niya ang ganoong scenario?

“Wala namang guarantee yun!” saad niya.

“Pero sure ako, sure na sure ako,” natawang sabi niya.

Ayon pa kay Janice, “Actually that time, sobrang careful ako kasi I didn’t want Liza to feel uncomfortable. Kasi baka isipin niya, ang harsh naman ng taong ‘to. Yun nga ang ayaw kong maramdaman niya kasi, ako naman talaga ang may issue.”

Sa buong acting career niya, ito na talaga ang pinaka-grabe niyang ginawa?

“Wala akong masasabing iba, promise! Feeling ko—nasigawan na ko ni Mario O’ Hara, pero feeling ko, ito pa ring eksena na ‘to.”

Posible kayang tumanggap pa siya ng mas daring role sa ginawa niya ngayon?

“What could be more daring than nudity? Wala na, nagawa ko na ‘to. Nudity? I don’t think anybody wants to see me naked.”

Kinamusta rin namin kay Janice kung ano naman ang mga naging reaksiyon ng mga anak niya nang malaman ang ginawa niya.

“Sabi nila, awww, you’re doing it, Mama.”

May interes ba silang panoorin?

“Siyempre wala ‘no, sabi nga nila, that’s going to be awkward.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN