Ian on leading lady: "Jodi is so easy to love"; Richard on Jodi: "She has all the qualities you would want."

The Achy Breaky Hearts is topbilled by (L-R) Richard Yap, Jodi Sta. Maria, and Ian Veneracion. 



Kahit na hindi na nakahanay sa mga teen stars ngayon, hindi maikakaila na pinapanood at kinakikiligan pa rin si Jodi Sta. Maria at ang kanyang mga leading men na sina Richard Yap at Ian Veneracion.

Naging magka-loveteam sina Jodi at Richard sa morning teleserye na Be Careful with My Heart at sina Jodi at Ian naman ay nagkatambal sa primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

Sa presscon ng Star Cinema movie na The Achy Breaky Hearts na ginanap sa ELJ Building noong June 21, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertaimment Portal) sa dalawang ka-loveteam ni Jodi kung ano ang pagkakakilala nila sa aktres na maaaring hindi alam ng iba.

Ayon kay Ian, “Kami, since Pangako Sa ‘Yo, then may time na halos everyday na kaming nagkikita. Tapos ang dami naming time na nag-uusap. I know for a fact that if I need her, she’ll also be there.

“I can call her anytime and ganun din ako sa kanya. Kasi nga, sa dami ng alam namin sa isa’t-isa.”

Sabi naman ni Richard, “Ang hindi nila alam dati, si Jodi ang takaw niyan. Sabay kaming kumakain niyan dati, order out kami ng order out. Kaya tumaba kami ng tumaba sa Be Careful... noong mag-diet siya, sabay rin kami.”

Pareho rin daw adventurous sina Richard at Jodi pagdating sa pagkain at madalas pa raw na maraming nagpapadala ng pagkain sa kanila.


"JODI IS EASY TO LOVE." Pareho na ngang may mga asawa at pamilya sina Richard at Ian. Pero sa kabila nito, meron pa rin silang mga tagahanga na dahil sa kilig na nakikita sa kanila sa tuwing napapanood sila, tila umaasa na sana ay totohanan na ang loveteam nila.

Sa aspeto ng “what if...” may pagkakataon din ba na sumagi sa isipan nila kung what if nga, puwede pala sila ni Jodi.

Si Ian ang unang sumagot na nagkaroon nga raw ng ganung scenario.

Aniya, “Siyempre as an actor, dapat nandun yung possibility lagi. You can’t put your co-actor to love and not find anything about to like her. And it so happened, si Jodi is so easy to love.

“There’s so many lovable things about her.

“It’s not hard for any actors to look at her and find something to fall in-love.”


Mahigit dalawang taon namang nagkasama sa BCWMH sina Jodi at Richard.

“Well, like Ian said, mabilis kang maano sa kanya. Mabait, maganda. Parang she has all the qualities you would want. But we try to separate yung real sa work kasi, we don’t want to complicate things also.

“And we respect Jodi.

“Kasi, alam namin na—as a person na may asawa na, ayaw rin naming gawin sa kanya na parang gagawin kitang number 2. Parang ganun."

Natawa naman ang press dahil umabot na raw si Richard sa posibilidad na maging “number 2” niya si Jodi.

Paliwanag naman niya, “Hindi, kasi dati ‘di ba, merong may gusto na mag-end-up kami. Na parang kahit na ligawan ko si Jodi, parang ganun. Yun yung time ng Be Careful..."

Kung tutuusin, puwedeng sabihin na mahirap din ang sitwasyon ni Jodi sa dalawa niyang ka-loveteam na pareho ng married men.

Kaya naitanong namin kay Jodi kung minsan ay mas maingat siya sa mga kilos o sasabihin niya dahil baka mabigyan ng malisya at lumabas na hindi maganda ang imahe niya bilang isang babae.

Ayon naman kay Jodi, “Sa akin kasi, umpisa pa lang, klarong-klaro na sa akin ang boundaries ko at kung nasaan sila, anong estado ng buhay nila. Bilang married men, I should not do anything na magku-cross dun sa boundaries na yun.

“At yun nga, isa rin sa mga pakiusap namin sa mga fans, not to take it personally, ‘di ba? Parang alam din naman natin, hindi rin naman kaila sa lahat na they’re married people.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN