Luis Alandy shoots kissing scene with Judy Ann Santos for Cinemalaya entry Kusina

In Kusina, Joem Bascon (left) is married to Judy Ann Santos who has another lover, played by Luis Alandy (right).



Nakasama na rin naman daw ni Luis Alandy si Judy Ann Santos sa dalawang pelikula, pero labing-limang na taon na raw ang nakararaan nang huli niya itong makasama.

Kaya hindi makalimutan ni Luis ang unang araw raw ng shooting niya na nakasama itong muli sa ginagawa nilang indie film, ang Kusina na isa sa official entries para sa 2016 Cinemalaya Independent Philippine Film Festival.

Ang screenplay ng pelikula ay isinulat din ng isa sa director ng pelikula na si Cenon Palomares at nanalo sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2016.

Kahit noong kausap namin si Luis nang dumalaw kami sa shooting ng pelikula, hindi pa rin nito maitago ang matinding paghanga sa Young Superstar.

“Sabi ko, sobrang galing talaga ni Juday. Tinawagan ko ang manager ko, si Noel Ferrer, sabi ko sa kanya, grabe si Juday, sobrang galing niya. Sobrang galing niyang ka-trabaho. Ramdam mo ang eksena.

“Sabi niya sa akin, i-post mo or i-tweet mo, sabihin mo sa kanya, ipaalam mo sa kanya na yun ang nararamdaman mo. Sabi ko, nakakahiya. But well, eventually, tinuweet ko rin na napakahusay talaga ni Judy Ann Santos.

“Yung eksena namin, simple lang, pero ramdam mo sa kanya. Kumbaga, kapag manonood ka, like ako, may eksena ako nae-entrap niya ko sa emotion na gusto niyang iparamdam sa akin.

“Sabi ko, it’s very rare kasi, for the longest time na gumagawa ng mga soap opera, minsan kasi, hindi mo maramdaman sa soap dahil iba-ibang eksena ang ginagawa niyo, sunod-sunod, so minsan hindi mo na nararamdaman masyado.

“Sa movies, nakaka-ilang eksena lang kami sa isang araw.”

Kalaguyo ni Judy Ann ang character ni Luis sa pelikula. Si Joem Bascon na matalik niyang kaibigan ang asawa ni Juday sa Kusina.

Sabi naman ni Luis, “Ang istorya kasi rito, ang bawat putaheng inaahin ni Juday, may kuwento. Yung part ng story ko, meron siyang pagkain na inihain sa akin, dun, nag-develop ako ng likeness towards sa kanya.”

May love scene ba sila ni Juday?

“May kiss, pero ako yung talagang nagkikiss, hindi siya.”

Isa sa mga nominado si Luis sa Gawad Urian Awards para sa ginawa niyang pelikula na Anino Sa Likod ng Buwan. Dumalo siya ng awards night at inaming hindi naman siya yung umaasa talaga na siya na nga ang magiging Best Actor.

Ayon kay Luis, “Hoping but not expecting.”

Sa ngayon, puro pelikula raw ang pinagkaka-abalahan niya.

Natapos na niya ang Siphayo at Mandirigma. May cameo role rin siya sa Alden Richards-Maine Mendoza movie na Imagine You and Me.

“Gusto muna ni Sir Noel [Ferrer, manager], since may momentum yung pagkagawa ng Anino... gusto niya na movies muna.”

Okay ba kay Luis na puro pelikula muna ang gawin at walang teleserye?

“Oo, okay naman at saka sabi rin parang mas nakakalaki, ang term ni Sir Noel, mas nakakalaki ng artista ang movie. Miski acting, hindi siya mechanical as soap opera.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN