Antoinette Jadaone on directing biggest stars: "More than pressured, dapat grateful ako na tina-trust nila ko."

Antoinette Jadaone is the director and writer of The Achy Breaky Hearts, so is she for Team Tisoy or for Team Chinoy? Not to spoil it for the fans of Ian Veneracion and Richard Yap, she is rooting for the character of Jody Sta. Maria. "Dun ako sa bida ko na si Chinggay," she says.



Natawa at tila ayaw pang ipasok sa utak ng director na si Antoinette Jadaone na sa ngayon ay isa siya sa mga baguhang director na in demand.

Karamihan kasi sa mga artista ay gustong maidirek niya.

“Parang hindi naman,” nahihiyang sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Achy Breaky Hearts sa ELJ Building noong June 21.

May pressure ba siyang nararamdaman o mas confident si Direk Tonet sa bago niyang pelikula?

“Ano po, siguro mas grateful,” saad niya, “kasi hindi ko naman po inexpect.

“Kahit noong binigay sa akin ang Toni Gonzaga-Coco Martin [2015 movie, You're My Boss].

“Parang sino ba akong director para ibigay sa akin yung mga ganung kalalaking artista, ‘di ba?

“Tapos may Kris Aquino, may Derek Ramsay [2015 movie, All You Need is Pag-ibig], may Jodi Sta Maria-Richard Yap.

“Parang more than pressured, dapat grateful ako na tina-trust nila ko na i-handle ang mga ganitong klase ng project.

“Lalo na at hindi naging maganda ang outcome ng All You Need Is Pag-Ibig [AYNIP].

“Dapat gandahan ko ‘to, sana maraming manood.”

Dugtong pa niya, “Sa akin kasi, mas nagustuhan ko yung experience, mas tine-treasure ko yun.

“Actually yung AYNIP, gusto ko siya, happy ako sa kanya kaya gusto ko, marami ang makapanood.”


FRESH TAKE. Kasama rin sa The Achy Breaky Hearts na pinagbibidahan nina Richard, Jodi at Ian Veneracion ang mga hot mommas na sina Sarah Lahbati at Beauty Gonzales.

Excited raw ang direktor rito dahil ibang-iba raw talaga ang kuwento.

“Well, alam ko na pino-promote siya as triangle, Team Chinoy and Team Tisoy.

“Pero, actually, kuwento siya ng isang single woman in her thirties.

“Yung palaging tinatanong ng mga tao kung kailan ka na ba mag-aasawa.

“Ggaya ng kung paano tayo tinatanong sa mga reunion, sa lamay, ‘di ba?

“So yun ang core… actually, more than the love story, it’s the story of Chinggay and how she deals with that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung parang naririndi na siya na pinipilit siya ng mga tao na magka-asawa, magka-boyfriend, magka-love life.

“E, hindi nga, wala nga; so feeling ko, yun ang kakaiba.

“Yun yata ang hindi pa nata-tackle, yung middle-age.

“Parang magsasara na ba ang matris nito? Wala na sa kalendaryo.

“Parang ang palagi nating nata-tackle, mga twenties, mga sixteen.

“Hindi pa nata-tackle ang middle-aged women na hinahabol na ng kalendaryo.”


GO TEAM CHINGGAY. Si Direk Tonet din ang nagsulat ng screenplay ng The Achy Breaky Hearts. Naging mahirap ba para sa kanya kung sino ang makakatuluyan ng karakter ni Jodi na si Chinggay?

Lalo’t may kanya-kanyang fanbase sina Ian at Richard.

“Sa umpisa pa lang, alam ko na kung ano ang ending niya.

“Pero sa process ng writing, you get to love both.

“Habang sinusulat mo si Ryan [Ian], nai-in-love ka kay Ryan.

“Habang sinusulat mo si Frank [Richard], nai-in-love ka sa kanya.

“Pero at the end, kailangan, hindi ka team Frank or team Ryan.

“Hindi ka Team Chinoy or Team Mestizo, kailangan Team Chinggay ka.”

Matutuwa ba naman ang parehong tagahanga ng dalawang team sa ending?

“Definitely,” ang mabilis na sagot ng director.

Sabi pa niya, “Masaya ko na may separate fans, pero dun ako sa kung saan dapat ang kuwento.

“Dun ako sa bida ko na si Chinggay.”



TELESERYE WITH STATEMENT. Magsisimula na rin si Direk Tonet sa bagong teleserye nina James Reid at Nadine Lustre pagkatapos nga nang matagumpay nilang pagsasama sa On The Wings of Love.

Naibalita na rin na ang JaDine teleserye ang papalit sa Dolce Amore.

Pahayag ng direktor, “Alam ko inaayos pa po nila ang schedule, naka-depende rin sa JaDine bilang sila ang busy.”

Ang alam daw niya, parehong ngayong taon niya gagawin ang teleserye at pelikula ng dalawa.

“Gusto ko ang JaDine, e,” nakangiting sabi pa ni Direk Tonet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang banda, posibleng marami ang mag-aabang kung mahihigitan nila nina JaDine ang tagumpay ng OTWOL.

Bulalas niya, “Naku, dapat yata hindi i-goal yung i-surpass.”

Pero siguradong makukumpara?

“Well, noong nag-story conference po kami with Dreamscape, JaDine, ang ganda niya.

“Yung On The Wings of Love, isa siyang romantic comedy.

“Ito, ang pinaka-gusto ko rito, meron siyang statement.

“Isa siyang romantic comedy, light, romantic just like OTWOL, pero ang kakaiba meron siyang statement.

“Meron siyang gustong sabihin na feeling ko, hindi pa siya nagagawa, nasasabi before sa teleserye sa primetime TV.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN