Judy Ann Santos finally completes indie film Kusina after three years

Judy Ann Santos on her showbiz comeback via Cinemalaya 2016 entry Kusina, "Hindi ko alam kung paano ako mag-a-adjust… Paano na ba ang pacing ng pagsu-shoot ngayon? Nag-e-enjoy lang ako na gumawa ng pelikula na kakaiba."



Sa titulo pa lang daw ay napalapit na sa puso ni Judy Ann Santos ang ginagawa niyang indie film na Kusina.

Accomplished cook kasi si Judy Ann at published recipe book author pa siya.

Meron ba siyang sariling putahe na mapapanood sa pelikula?

“Wala, naka-infuse na siya sa kuwento.”

Ano sa mga putaheng niluluto niya ang maihahambing sa kanyang pagganap sa pelikula?

“Ginataang sili kasi galit siya, naghahanap siya ng isang putahe na puwedeng magbalik sa pagmamahal ng asawa niya sa kaniya.

“Ang galing lang ng explanation ng bawat putahe.”

Muwestra pa niya, “Kasi paborito ‘to ni ganyan, paborito ‘to ni ganyan.

“So noong binabasa ko siya, ‘Ah, oo nga naman, puwede nga naman,’” lahad ni Juday nang makausap namin siya sa shooting ng Cinemalaya 2016 entry na Kusina sa Semicon Building, Marcos Highway noong June 20.


TO THEIR TASTE. Ganun din ba siyang chef sa family nila ni Ryan Agoncillo at ng kanilang mga anak na ang pangatlo ay newborn pa lang?

“Dumedepende ako sa kung anong feel ko or panlasa.

“Si Ryan, alam ko ang panlasa niya, ni Lucho, ni Yohan, dun ako maglalaro.

“Hindi ako naglalaro sa isang klaseng putahe lang, pero kapag ni-request, ginagawa.

“Most of the time, nag-e-eksperimento ka, nag-eexplore ka.”

Paano kung galit siya?

“Hindi ako nagluluto, dati kahit anong emosyon ko nakakapagluto ako.

“Ngayon, parang most of the time, hindi na ko nagagalit.

“Feeling ko, although hindi naman talaga ako madaling mapagalit.

“Kapag napagalit mo ako, my God, ibig sabihin, sukdulan ang ginawa mo para magalit ako sa ‘yo.

“Bago ako mapikon, bago ako sumagot, mas ano na ko ngayon.

“Mas marami pa kong magagandang bagay na dapat isipin.

“You choose your battle. Kung ano ang makakabuti,” lahad ni Juday.

COMMITTED. Tatlong taon na raw ang script ng Kusina sa poder niya.

Base ang kuwento nito sa nobela ng isa sa director ng pelikula na si Cenon Palomares na grand prize winner sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkabasa nga raw ni Juday ay kinausap niya agad ang kanyang manager.

Sabi raw niya dito, “Kapatid, can I do it? Gusto ko siya.

May problem nga lang siya sa kanyang schedule, “Sobrang tough ng schedule ko, may I Do ako, may Bet on My Baby.

“I was working four times a week, wala nang pagsingitan.

“Nakiusap ako if they could wait for me, like this year, pumayag naman sila.

“Nabuntis naman ako… supposedly, magsu-shoot kami earlier.

“Parang ang gagawin namin, from heavy to paliit.

“Kasi ang mangyayari sa kanya, from bata to tumanda sa kusina.

“Ako lahat ang gaganap dun, but since na CS [caesarian delivery] ako, kailangan kong magpahinga, mag-recover.

“Six months pa yun bago ka makakilos ng tama, dapat July or August pa ako puwede.

“But since may deadline nga, kinailangan ko na… I committed, e, I gave my commitment.”

Ayon pa kay Juday, kahit cameo ay gagawin niya kung talagang hindi kakayanin at para rin “hindi masira ang buong istorya.”


PRESSURED. Labis rin ang pasasalamat ni Juday sa mga kasamahan niya sa pelikula.

Aniya, “In fairness to the whole team, to the directors, nag-adjust talaga sila for what I needed, what I can do.

“Na-spoil ako ng husto rito kaya napi-pressure ako.

“Hindi ko alam kung maitatawid ko ng tama ang karakter ni Juanita… sa tagal ko nang hindi umaarte.

“Yung first shooting day namin, kinakabahan ako.

“Hindi ko alam kung paano ako mag-a-adjust, paano na ba ang pacing ng pagsu-shoot ngayon?

“Paano ba yung mag-shoot ka sa kusina na yun lang ang shot mo.

“At saka, yung paano ako magdya-jump sa character, hindi ko alam.

“Ang dasal ko na lang, mabigyan ko ng justification yung paghihintay nila sa akin…. ang tagal nilang naghintay.”

Mapapanood ang Kusina bilang entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Masasabing malaking bagay sa kanya ang pelikulang ito para iwanan ni Juday si Luna, ang bunsong anak niya na limang buwan pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap, ang hirap talaga,” hinaing ni Juday, “palagi ko ngang tine-text si Rye.

“In fairness naman sa kanya, very supportive naman, palagi siyang kumusta ko.”


TOUGH ENTRY. Si Luis Alandy na gumaganap na kalaguyo niya sa pelikula ay bilib na bilib raw kay Juday.

Unang eksena pa lang, kahit simple lang, ay enrapt na raw si Luis sa acting ng kapareha.

Reaksiyon ni Juday, “Hindi, mahuhusay rin naman sila, give and take lang naman ‘yan.

“Kung hindi kaya ng co-actors mo, hindi mo rin naman maitatawid ang eksena.”

Papalit-palit lang na eksena, pero ang karakter raw niya ay pabigat naman nang pabigat ang bitbit.

Malaking pagsubok sa acting mettle ni Juday ang Kusina dahil Cinemalaya entry nga ito.

Ngayon pa lang ay may nagsasabi na baka ang Superstar na si Nora Aunor ang maging mahigpit na kalaban ni Juday sa Best Actress award.

“Naku po, ayokong isipin,” natawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, “Yung thought lang na Cinemalaya at ang mga kahilera mo ay iba pang magagaling na artista.

“Nag-e-enjoy lang ako na gumawa ng pelikula na kakaiba.

“Kung anuman yung hantungan nito, super bonus na lang.

“Ang pinaka-ano sa akin, sana naitawid ko ang karakter ni Juanita, yun ang pinaka-importante talaga.”






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN