Bea Binene denies rumored romance with Jak Roberto; says about Derrick: "Binestfriend zone namin ang isa't isa."



Malapit nang matapos ang afternoon prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli (HMKM).

Noong June 20 ay nag-last taping day na ang naturang serye sa Balay Inday, Cavite.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bida ng serye na si Bea Binene na gumanap bilang si Ana/Angela na isang feral child.

“Nakakalungkot po kasi yun nga, tapos na.

“At the same time, masaya kasi maganda yung naging feedback ng mga tao.

“Masaya and fulfilled dahil kahit papaano, first time na nagkaroon ng ganitong tema sa TV at nagustuhan ng mga tao. Yun po.”

BACK TO SCHOOL AND WORKOUT. Bukod sa kanyang bag business, mas matutukan daw ngayon ni Bea ang pagpapapayat niya, dahil nga mas may free time na siya.

Plano rin niyang magbalik-eskuwela sa darating na August.

Film ang kinukuha niyang kurso sa MINT College, Taguig.

Ayon kay Bea, “Nang mag-start po ang soap, hindi po ako nakapasok ng second sem. After nun, ‘eto na po, sa August.”


AWARD-WINNING” PERFORMANCE. Tanggap naman at aminado naman si Bea na isa raw siya sa “naa-award” o napapagalitan ng director nila na si Laurice Guillen.

Aniya, “Naku, award-winning po ako rito! Pero lately, hindi naman po.”

Ano ang pinakamatinding pang-aaward o yung nasabihan siya ng director nila?

“Naku, ‘wag na nating pag-usapan,” natawa niyang sabi.

“Pero siyempre, kailangan mo na lang talagang galingan talaga.

“Yun siya, e. Kailangan mo na lang galingan talaga para hindi ka ma-award.”

Sa lahat daw ng mga papel na nagampanan niya, pinakamahirap daw talaga ang pagganap niya bilang isang feral child o isang bata na lumaki kasama ang mga aso.

NO BREWING ROMANCE WITH JAK. Sa halip na ang leading man niya sa HMKM na si Derrick Monasterio ang nali-link sa kanya, ibang Kapuso star ang balitang nanliligaw o diumano’y boyfriend ni Bea ngayon—si Jak Roberto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po,” mabilis naman niyang tanggi.

Ano lang silang dalawa?

“Magkatrabaho,” saad naman niya.

Pero alam niyang may mga kinikilig daw sa kanila dahil nga sa pagsasama nila sa naturang afternoon serye.

Sabi ni Bea, “Nakikita ko po sa Twitter, sa Facebook, maraming naka-tag na photos.

“After nung Facebook Live naming promo, may mga gumawa na ng mga fan page, yung ganun.

“Nakakatuwa kasi, parang unexpectedly may ganun.”

Hindi talaga sila?

“Hindi po, swear,” sabi pa niya.

Close ba silang dalawa?

“Sakto lang, nagkukuwentuhan. Ngayon ko pa lang po siya nakatrabaho.”

Nakikita niya ang posibilidad na posibleng mauwi sa romantic na relasyon?

“Ay, ayoko pa pong isipin,” nakangiti niyang sabi.

ON DERRICK. Sa naunang panayam ng PEP kay Derrick, nasabi nitong silang dalawa raw ay matatawag na siblings zone.

“Opo, binestfriend zone namin ang isa’t isa. Parang ganun,” natawang sabi niya.

“Kami po kasi ni Derrick, parang sobrang close na po kami so, ganun po talaga.”

Kaya naman naiisip ng iba na sila?

“Naku, hindi po talaga,” natawang sabi niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN