Jodi Sta. Maria: "I believe that Mr. Right is just around the corner."



Sa The Achy Breaky Hearts, ang bagong pelikula nina Jodi Sta.Maria, Richard Yap at Ian Veneracion, hindi maikakailang sa trailer pa lang ng movie nagampanan nang mga nabanggit ang pagpapakilig sa mga manood. Dinirehe ito ni Antonette Jadaone.

Paliwanag ni Jodi sa kung paano nila nagawang maging maayos ang rapport niya sa dalawang aktor nang hindi niya kinakailangang ma-link sa mga ito, “Siguro kasi ito ang propesyon namin. Mga aktor kami. Contrary sa tingin ng iba, basta binigyan ka lang ng trabaho, oh, sige, sumalang ka dyan, basta gawin mo yung trabaho mo. Ang lingid sa kaalaman nang iba pinaga-aralan namin yung character namin.

“Pinag-aralan namin yung script namin kaya nagiging epektibo yung end product at hindi naman kami magkarelasyon kami ni Richard or wala namang nakaraan sa amin ni Ian, nagiging effective yung ginagawa namin.”

Nakasama ni Jodi si Richard o sumikat sa household namin nitong Sir Chief sa nagwakas nilang daytime teleserye ang Be Careful with My Heart na tumagal ng dalawang taon sa ere.

Paliwanag ni Jodi sa kung paano sila nagkapalagayan nang loob ni Richard sa trabaho, “Ako naman hindi nahirapan kasi alam ko kung hanggang saan lang ako. Yung boundaries ko bilang asawa at kaibigan, alam ko na may mga may asawa silang tao at kailangan kong irespeto yun at hindi kalimutan yun.

“Natutuwa naman ako kasi mas pabor nga sa akin na may asawa sila, e. Kasi pag luluku-luko sila sige, isusumbong ko sila.”

Si Ian naman ay leading man ni Jodi sa nagwakas na ring teleserye na Pangako Sa 'Yo na pinagbidahan rin nina Angelica Panganiban, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ani Jodi, “Silang dalawa na masasabi ko na sila yung tipo ng mga tao na puwede akong maging open sa kanila tungkol sa kahit na ano. We can talk anything under the sun.

“With Richard, kasi our friendship goes back with Be Careful With My Heart pa. Ang dami kong na-chika dito. Kumbaga, naging open din kami sa isa’t-isa.

“What I like about this guy is ideal family man talaga siya. I like how he treats Mama Cheng [Richard's wife]. He treats her with so much love and respect. Feeling ko siya talaga ang maging epitome ng father and a husband.

“With Ian naman, what I like about him, even though he maybe 41 years old, but he’s very young at heart.

“Yung mga gusto niya sa life niya, carefree siya, adventours. Kahit pagdating sa mga anak niya, yung moment and memories, yung ini-spend is very, very important to him.”

Humarap sina Richard at Jodi sa pocket presscon para sa Star Cinema movie nilang The Achy Breaky Hearts na ipapalabas na sa June 29.

Sinagot agad ni Jodi ang panguusisa kung talagang hindi sila kailanman ay nagkagustuhan ni Richard?

Mabilis na sagot ni Jodi, “Wala po talaga. Hindi ako gagawa ng isang bagay na magki-create ng problema sa kanya-kanyang married life. Ako po ay kaibigan, period.

“Kahit a glimmer of hope wala rin po. Gusto ko lang maging straight at honest. Ito po ay trabaho lang.

“Hindi po ako gagawa ng kahit na ano para makasira sa kani-kanilang respective married life.”

Sa pelikula, ang karakter ni Jodi ay napagigitnaan ng dalawang lalakeng pareho niyang gusto.

Si Richard na ex-boyfriend niya na bumabalik sa kanya, samantalang isang bagong kakilala naman ang role ni Ian na hindi pa ganon ka-pamilyar si Jodi.

Hindi itinanggi ni Jodi na naka-relate siya sa karakter ni Richard o si Frank sa movie na ex-boyfriend niya na gumagawa nang paraan para bumalik ito uli sa kanya.

Ayon kay Jodi, “Siguro yung mga pagkakataon na for example sa amin ni Frank na parang if someone from your past na parang tina-try niyang bumalik sa life mo. Would you still give this person another chance?

“Of course, kay Chinggay nasaktan na siya ng tao na ito, e. Now, all she wants to do is protect her heart. And sa relasyon naman ni Chinggay at Ryan [Ian], siyempre, minsan pag bago mas nakakakilig, hindi mo alam kung ano ang ie-expect mo. Ang mysterious pa ng path or journey ninyo.”

Tinanong siya ng PEP: Nagbibigay ka ba nang chances sa tunay na buhay sa taong gustong bumalik sa iyo?

Sagot niya, “Oo, nagbibigay ako nang chances..”

Muli namin siyang tinanong, hindi ka ba nagsisi na nagbigay ka ng chances?

Sabi niya, “Wala naman akong pinagsisihan sa kahit na anong desisyon na ginawa ko at mga bagay na in-allow ko sa akin kasi at the end of the day I know that I will only make me become stronger and wiser as a woman."

Nasa edad 34 na si Jodi sa karakter nito sa movie. Kumbaga, patungo na siya sa pagiging matandang dalaga pero hindi pa rin nito matiyak kung sino ang pipiliin niya sa dalawa.

Ano ang puwede niyang maibigay na mensahe sa mga single at old maid pagdating sa desisyon ng pagpiili ng mga lalake?

Sagot ni Jodi, “Hindi, may difference ang single at ang pagiging matandang dalaga. Sa ladies, I believe that Mr. Right is just around the corner.

"And huwag tayong magpadala sa pressure na ini-impose sa atin ng society na kailangan pag matanda ka na, or nasa 34 ka na magmamadali ka na for the sake of being in a relationship.

“So, it’s not bad naman that you wait. While waiting for Mr. Right. You also make yourself the right one. You prepare yourself also so that when that right one comes, di ba?

"Saka don’t lose faith in love."

Isang staff ng Star Cinema na nakasalampak sa sahig sa presscon at kumukuha nang photos nin Jodi at Richard ang itinuro ng kanyang mga kasamahan na wala pa raw hanggang ngayon na boyfriend.
Patungong thirties na ang girl kaya binubuyo siya nang mga kasamahan niya sa presscon na mag-boyfriend na raw.

Bumaling si Jodi sa babae at pinalakas ang loob nito para hindi mawalan ng pag-asa.

Direktang sabi ni Jodi sa babaeng kaharap, “Kate, your very beautiful, your very pretty, maganda kang babae. It’s okay na maging single ka. Never, never mong ibaba ang standards mo just because nagmamadali kang magmadaling mag-boyfriend.”

Tanong tuloy namin kay Jodi, dapat bang magsakripisyo para sa taong gusto mo?

Sagot ni Jodi, “I believe that more than emotion, love is really a choice, it’s sacrifice, and self denial.

"Yes, it is okay to sacrifice, di ba?

“Sino ba naman ang hindi nagmahal na hindi nagsakripisyo. Kung hindi ka magsakripisyo napaka-selfish mo.

Puwedeng magsakripisyo pero may limit raw ito ayon pa kay Jodi.

“Not at that point of lowering your standard because the right man will meet your standards.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN