Richard Yap to shoot Regal's Mano Po 7: Tsinoy in China

Masaya si Richard Yap na nabigyan na siya ng pagkakataong magbida sa sariling pelikula via Mano Po 7: Tsinoy ng Regal Entertainment. Pinaplano ng Regal na ihabol ang pelikula para sa 2016 Metro Manila Film Festival.


Matapos ang halos anim na taong pamamahinga, muling magbabalik ang pinakamatagumpay na drama film series ng Regal Entertainment: ang Mano Po.

Ang huling installment ng naturang pelikula ay ang Mano Po 6: A Mother’s Love (2009) kung saan kasali ito sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Christopher de Leon.

Sa Mano Po 7: Tsinoy, ang Kapamilya actor naman na si Richard Yap ang magbibida.

Kuwento ni Richard, sana daw mabigyan niya ng hustisya ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment na magbida na sa isang pelikula.

Aniya, “Hopefully. Siguro, because I’m Chinese and it’s a good role for me I think.”

Tatalakay ang kuwento sa gusot sa pamilya at pag-ibig kung saan paglalarawan pa ni Richard ay ‘very dramatic’ daw talaga ang pelikula.

Dagdag pa niya, ang kanyang mga nakaraang experience daw sa kanyang pamilya at buhay pag-ibig kung saan sinuway niya ang kanyang ama sa nais nitong pakasalan niya ay malaking tulong sa portrayal niya sa Mano Po 7.

Sabi niya, “I think that’s one aspiration that can guide me through this movie.”

Kasabay nang pagpirma niya ng kontrata sa Regal kaninang tanghali, June 28, sa Valencia Events Place, maituturing na ring Regal baby si Richard. Dito na rin nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media ang ABS-CBN star.

(Richard Yap with Mother Lily Monteverde (left) and daugther Roselle (right) at the contract signing of the Kapamilya actor as the newest Regal baby, held earlier today, June 28.)

"I WILL DO MY BEST." Sa ngayon daw, hindi pa niya iniisip ang pressure sa box-office ngayong siya ang nasa title role ng pelikula.

Aniya, “Ngayon hindi ko muna iniisip ‘yan kasi baka ma-affect yung trabaho natin. Basta I will do my best, and tingnan natin how it will come out, huwag muna natin isipin ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa July magsisimula na sila ng shooting ng pelikula dito sa Pilipinas at sa August ay sa China naman ang kanilang location.

Pipilitin daw nilang maihabol ang pelikula sa 2016 Metro Manila Film Festival deadline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN