Ai-Ai delas Alas bares skin while playing aging prostitute in indie film

Ai-Ai delas Alas says about her indie film titled Area: "Hindi naman puwedeng kikiyeme-kiyeme ka rito, kasi pokpok ako dito."



Ipinagmamalaki ni Ai-Ai delas Alas ang indie film na ginagawa niya dahil nagampanan na niya ang isa sa dream roles niya, ang gumanap bilang isang nalalaos na prostitute.

Natupad ito sa katatapos lang niyang indie film na Area na dinirek ni Louie Ignacio.

Ang Area ang isang lugar sa Angeles, Pampanga na kung saan karamihang nakatira roon ay mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw. Kilala ang lugar na iyun sa mga binatilyo na gustong “magpabinyag.”

Ngayon ay unti-unti nang nag-aalisan ang mga babaeng bayaran at naiwan doon ang mga matatanda na pero tuloy pa rin sa ganung trabaho. Nagkaroon daw ng immersion sina Aiai sa lugar na iyun bago sila nagsimulang mag-shoot. May ilang tagaroon na pinag-aralan nila para meron silang pinagbasehan sa karakter na gagampanan.

Si Direk Louie ang unang nagkuwento sa PEP na nagulat daw siya sa sobrang daring ni Ai-Ai sa pelikulang ito. Ipinakita niya ang rushes ng ilang eksena na kung saan naghubad ang Kapuso Comedy Queen.

Ayon kay Ai-Ai, nakita raw niya kung gaano ka-daring ang ilang co-stars niya kaya bakit pa raw siya mag-inarte.

“Hindi naman bastos yung itsura, e. Artistic naman siya,” pakli ng 51-year-old actress.

“Lahat naman na mga Area girls ganun eh. Wala silang inhibitions, kaya ganundin ako. Hindi naman puwedeng kikiyeme-kiyeme ka rito, kasi pokpok ako dito, di ba? Dapat kung ano ang nararapat na arte sa role ko, yun na yun,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pa ngang nagulat sa pagiging daring ni Ai-Ai ay ang mismong anak niyang si Sancho na kasama rin sa naturang pelikula.

“Medyo nakaka-shock kasi nakita ko rin yung mga scenes na ginagawa nila.

“Dream niya kasi 'to, e, na gusto niyang makagawa ng role ng isang laos na pokpok. Nakita ko sa kanya na excited siya sa role na iyun. Kaya sabi ko kay Mama go lang,” tila excited na pahayag ni Sancho.

Sabi naman ni Aiai, nakikita naman daw niya sa kanyang anak na proud ito sa nagawa niya.

Hindi iniisip ni Aiai kung maghi-hit ito sa takilya. Ang gusto raw sana niya na mapansin ito sa ilang international film festivals.

“Talagang kasama na ang lahat na hirap, luha at dasal na sana mapansin ako dito internationally,” pakli nito.

“Sana. Pero kung hindi, ganun naman talaga. At least, marami akong natutunan sa movie na ‘to, na meron pa pala akong dapat matutunan. Marami pa rin akong dapat pag-aralan,” sagot ni Aiai.
Pero talagang nahirapan daw siya dahil may mga ginawa siya sa pelikulang ito na hindi pa raw niya nagawa sa mga nakaraan niyang pelikula.

“Actually, nahirapan talaga ako. First time ko nasabi ko sa sarili ko na marami pa pala akong matututunan. Marami pa pala akong mga bagong gagawin.

“Medyo mahirap lang, pero worth naman yung ano. Sana nga matutuwa yung manonood, saka kung saan man namin ito isasali,” pahayag ni Ai-Ai.

Dito na rin daw niya gustong patunayan na makakagawa siya ng ganitong klaseng pelikula na naghahamon sa kanyang pagiging aktres.

“Para maiba naman na mag-level up yung artistry ko.

“Siyempre, hindi na rin ako bata. So, punta naman tayo sa pang-edad ko naman na mga roles.

“Matagal na rin naman ako sa industriya, yung iba in God’s grace
nabigay na sa akin, so ngayon ang artistry ko naman ang ilalabas ko. Mailabas ko man lang, di ba? Bago man lang ako mag-retire which is medyo matagal-tagal pa naman nang konti, mailabas ko man lang ‘yung ibang side ko naman,” saad ni Ai-Ai.

Kapag ipalalabas na raw itong Area, ang isang taong gusto niyang mapanood ito ay si Vic Sotto.

Hindi pa raw niya ito naikuwento kay Bossing Vic, pero gusto raw niyang makita kung ano ang reaksyon ng ka-tandem niya sa Hay Bahay kapag pinapanood itong Area.

“Naku mahihilo yun.

“Kapag mapanood niya ‘to, lagot ako dun.

“Ano na naman ‘to, gaganun yun. Alam mo naman si Bossing cute na boss yun,” natatawang pahayag ni Ai-Ai.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN