Jake Cuenca responds to critics who say he is prone to overacting

After reaping international recognition as Best Actor in the recent World Cinema Festival Brazil, Jake Cuenca dishes out his advice to aspiring actors: "Yun din ang gusto kong iparating sa mga kabataan ngayon—you don't have to follow a certain mode para mag-evolve ka sa career mo. You just have to do it with love and passion and to be able to give something new and original."


Magkakaroon ng maraming premiere ang award-winning indie film na Mulat sa iba’t ibang bansa katulad ng ilang parte ng Canada at America.

Magkakaroon din ito ng theatrical release sa bansa ngayong taong ito, ayon sa writer at director ng pelikula na si Diane Ventura nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press sa Romulo’s Cafe kamakailan lang.

Ito ay matapos nilang makuha ang kanilang award sa nakaraang World Cinema Festival in Brazil kunsaan nanalo ang pelikula ng Best Narrative Film at kunsaan din itinanghal bilang Best Actor ang ang lead star nitong si Jake Cuenca

Tinanong ng PEP si Jake kung anong fulfillment ang naibigay sa kanya ng award na ito.

Ayon kay Jake, “Sa akin siyempre, it’s a good recognition and it feels really good.

“I’ve done this movie a few years back and this is really a lovely surprise.

“Pero after nitong movie, tingin ko, mas marami pa kong maibabahagi o maipapakita pa.

“And I think, that shows na nakikita nila ang growth and evolution ko as an actor.

“For this movie, it’s really like, you do a picture, tapos, ‘eto ang balik sa ‘yo.

“Grabe yung mga comments nila abroad, nakaka-proud bilang isang Pinoy.

“Nakakatuwa lang na ang daming nangyari, nakakatuwa lang. Sabi nga nila it comes in threes.”

UNCONVENTIONAL” ACTORS REAP REWARDS. Dito binanggit ni Jake ang pagkapanalo naman ng aktres na si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival, kunsaan halos magkakasunod lang ang mga awards na nakuha nila sa mula sa mga prestihiyosong international film festivals.

Ayon kay Jake, “Of course, she won Cannes.

“Noong narinig ko yung nangyari kay Ms. Jaclyn Jose, tuwang-tuwa ako.

“The next day, may napanalunan akong award. Tapos si Sid din, ka-batch ko si Sid Lucero, e, nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re making our country proud.”

Nitong nakraraang Mayo, itinanghal si Sid bilang Best Actor sa 19th Los Angeles Comedy Festival para sa pelikulang Toto, na ginawaran din ng parangal bilang Best Foreign Film.

Isang bagay pa na nabanggit ni Jake, silang tatlo rin daw nina Sid at Jaclyn ay hindi matatawag na “conventional actors.”

Aniya, “Me and Sid, we’re not conventional leading men.

“And Jaclyn Jose is not your conventional leading woman.

“But the thing is, when you do something you love, you put all your love and passion to the project, this comes back to you. Nakakatuwa.

“I’m sure both of them feel the same way.

“Yun din ang gusto kong iparating sa mga kabataan ngayon—you don’t have to follow a certain mode para mag-evolve ka sa career mo.

“You just have to do it with love and passion and to be able to give something new and original.”

Inaamin naman ni Jake na ang pagkapanalo raw ni Jaclyn ang pinakamabigat at mas kapuri-puri sa lahat.

Pagmamalaki niya, “That’s the highest, the pinnacle!

“She’s the best actress in Cannes, nakakatuwa.

“Ako, dati palang, magaling na talaga siya. Nakakatuwa lang na sa ibang bansa, alam nila na magaling talaga.”

WISHING FOR LOCAL RECOGNITION. Sa isang banda, parang sa nangyayari sa kanya, tila yung mga pagpupursige niya na mapaganda at maging malalim bilang isang aktor, mas nakikita at nare-recognize ito sa ibang bansa at hindi sa sarili niyang bansa.

Anong pakiramdam niya tungkol dito?

Pag-amin niya, “Honestly, parang... well, ayokong maging nega about it. Hopefully, yung mga local award-giving bodies can recognize.

“Kapag artista ka kasi, minsan sa training, may tamang gawin ang isang eksena at doon, hindi ka malalait, baka hindi ka rin mapuri.

“I really like to do something new. Either you will really like the scene or ah okey or hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at least, I tried to do something on my own. Hindi yung typical na hinahanap nila.

“With all these things, it feels good na mabigyan ako ng award ng local award-giving body. I’m not gonna deny it.

“Actually, nananalo naman ako before, sa PMPC.

“Ilang beses na rin akong na-nominate, pero hindi ako nananalo. I’ll be so happy if maibigay sa akin ‘to after all the nominations.

“It feels really good.”

INTENSE ACTING. Sinagot din ni Jake ang ilang komento na kung minsan daw, tila nagiging O.A. o over-acting ang pag-arte niya.

Ayon kay Jake, “I can do both.

“I like being theatrical, I like being subdued.

“If you can analyze all the things I’ve done in the past, I can do both.

“But obviously, kina-cast nila ko sa intense role.

“But the only thing, I can only work with what’s the director’s parameter. Like, 'Ibigay mo ‘yan, sa TV ‘yan.' Yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN