Alden and Maine were able to surpass George Clooney, Brad Pitt, Angelina Jolie in Como, says filmmaker

Director Mike Tuviera on working with Alden Richards and Maine Mendoza for their very first movie: "Nakakatuwa yung makita mong inspired sila with one another. Tapos, sinamahan mo pa ng napakagandang lugar sa background nila. It's something to look forward too talaga. May kilig talaga itong movie." Imagine You and Me makes history as first Pinoy movie to shoot in Como, Italy.

 



Saksi ang film and TV director na si Direk Mike Tuviera sa pambihirang closeness nina Alden Richards at Maine Mendoza habang nagsu-shoot sila ng pelikulang Imagine You & Me sa Como, Italy.

Pagkaka-describe ni Direk Mike, “inseparable” daw ang dalawa noong nasa ibang bansa sila.

Ikinakatuwa pa raw niya na parang may sariling lengguwahe ang dalawa na silang dalawa lang ang nakakaalam at nakakaintindi.

“They're almost inseparable. Except for when they had separate scenes. And sometimes even then.

“Maine and Alden seem to have their own language when they're together.

“The rest of us just listen until we get the gist,” natatawang kuwento ni Direk Mike nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Imagine You & Me sa Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City last July 1.

Hindi nga raw mabilang ni Direk Mike ang maraming masasayang experience nila sa Italy. Kabilang na rito ang pagdagsa ng maraming Pinoy fans sa kanilang shooting site.

Hanggang doon daw sa Como ay merong AlDub Nation.

ALDUB NATION'S "ITALIAN INVASION." Lalong bumilib si Direk Mike sa lakas ng tambalan ng dalawa dahil sa malawak na fan base nila worldwide.

Kuwento niya, “One of the best experiences about shooting abroad is how many fans we were able to meet along the way. Kakaiba talaga itong dalawang ito.

“Hindi namin ini-expect talaga na may mga darating na mga fans.

“Kasi we were in the northern part of Italy and bihira ang may mag-shoot ng movie sa Como.

“But everywhere we shoot there, may group ng fans na sumusunod sa amin. Kaya well-documented ang shooting namin doon via social media.

“Sabi nga ng mga nakausap namin na locals doon, they were amazed with the popularity of both Alden and Maine dahil sa rami ng mga fans na pumupunta sa shooting namin doon.

“Sabi pa nila, noong mag-shoot daw doon sina George Clooney, Brad Pitt, Angelina Jolie and Johnny Depp, hindi raw gano’n ang experience nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unlike sa dalawang ito, dumarami ang mga tao every day on our shoot.

“At ang maganda sa dalawang ito, they are very accommodating.

“Kahit na inabot kami ng iba’t ibang weather doon while we are shooting, kapag may fan na gustong magpa-selfie with them, game sila parati.

“Gano’n nila kamahal ang mga fans nila kaya kahit pagod sila, they really make an effort to accommodate them dahil yung iba kasi ay bumiyahe pa nang malayo just to see them.”

FIRST PINOY MOVIE IN COMO. Kuwento pa ni Direk Mike na five years ago pa pala gustong magpagawa ng pelikula ang kanyang amang si Mr. Tony “Mr. T” Tuviera sa Como, Italy.

Na-in love daw kasi ang kanyang ama sa Lake Como noong minsang magbakasyon ito doon. Kaya gusto niyang may magawa silang pelikula roon.

Nakilala raw kasi ang Como dahil sa maraming mga artists na pumupunta doon.

Dahil sa napaka-romantiko ng lugar, puntahan din ito ng maraming lovers at hindi raw sila makapagpigil na mai-express nila ang kanilang pagmamahal kahit saan doon.

“It’s really a magical and romantic place to be in.

“Kaya tamang-tama lang istorya ng Imagine You & Me dahil it’s full of romance. Bumagay siya sa lugar.

“And we are proud to be the first Philippine movie to ever shoot in Lake Como.

“Mga nag-shoot na kasi roon ay mga big Hollywood movies like Ocean’s 12 and The Tourist.

“Usually, ang mga movies kinukunan sa Rome, Milan and Venice.

“Itong Como, first time na mapapanood ng local audience natin on the big screen,” pagmamalaki pa ni Direk Mike.

LOOKING AFTER EACH OTHER. Kaya malaking tulong daw ang romantic vibe ng lugar sa naging performance ng Pambansang Bae na si Alden at ang Dubsmash Queen / Yaya Dub na si Maine.

“It’s really an experience working with both Alden and Maine sa isang movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas experienced na kasi si Alden when it comes to acting. Ilang beses na siyang gumawa ng teleserye before.

“Si Maine naman, she’s a perfectionist. Gusto niya yung maayos na performance ang ibigay niya parati.

“I told Alden na alagaan niya si Maine sa mga eksena nila. And they really took care of one another. Nagsusuportahan sila.

“Kaya nakakatuwa ‘yung makita mong inspired sila with one another.

“Tapos, sinamahan mo pa ng napakagandang lugar sa background nila. It’s something to look forward too talaga. May kilig talaga itong movie,” ngiti pa niya.

ALDUB UNCUT. Kung papayagan lang daw siya ay aabot sa apat na oras ang pelikula ng dalawa dahil ayaw niyang magtapon ng mga eksena sa Italy. Lalo na ang mga nakakakilig na eksena ng dalawa.

Pero kailangan daw mag-cut siya ng ilang mga eksena para sa paglabas nito sa sa July 13.

“Kulang ang two hours of film time para maipakita ang maraming mga eksenang kinunan namin sa Como.

“Kaya hintayin na lang nila ang DVD version at doon na lang namin ilalagay ang mga additional footages at mga outtakes and bloopers para sa ikatutuwa ng mga fans nila Alden and Maine,” pahabol ni Direk Mike.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN