Paolo Ballesteros bares prosthetic boobs for Die Beautiful



Tuloy-tuloy ang shooting ni Paolo Ballesteros para sa kanyang launching movie, ang Die Beautiful ng The Idea First Company.

Nagpagawa ng prosthetics boobs ang mga producer ng pelikula na sina Jun Lana at Perci Intalan para maging makatotohanan ang transwoman role ni Paolo sa Die Beautiful.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Paolo na hindi mabigat sa dibdib ang kanyang gigantic fake boobs dahil gawa ito sa light material.

Unfortunately, walang idea si Paolo sa size ng prosthetics boobs na ginagamit niya.

“Hindi ko alam ang size pero isinukat ‘yon sa dibdib ko tapos ginawa nila na proportioned sa size ko. Magaan lang siya dahil parang foam ang loob," ang sabi ni Paolo na may shooting ngayon para sa Die Beautiful.

Para sa writer na ito, ang mga bagong litrato niya ay nagpapatunay na mas mukha siya na tunay na babae kung ikukumpara sa transwoman na si Angelina Mead King.

Sa Instagram account ni Paolo, nag-post siya ng picture niya kunsaan kita ang resulta ng kanyang supposed "breast augmentation procedure." Ang kanyang character ay nagbilin sa kanyang mga kaibigan na ilibing siya na ang itsura ay Katy Perry.

Ang caption ni Paolo sa photo ay: "TRISHA for Die Beautiful #successfulOperation #DieBeautiful"


(To learn more, read: Paolo Ballesteros puts on boobs; compared to KC Concepcion in new movie)



TRISHA for Die Beautiful ???????????????????? #successfulOperation #DieBeautiful

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN