Tomodachi, starring Jacky Woo and Bela Padilla, wins in 2016 Madrid Film Fest

Tomodachi won awards for Best Foreign Language Feature Film and Best Musical Score at the Madrid International Film Festival. This World War II drama film starred Jacky Woo and Bela Padilla.




Muling kinilala ang pelikulang Pilipino sa 2016 Madrid International Film Festival noong nakaraang July 9.

Dalawang major awards ang napanalunan ng Tomodachi kunsaan bida ang Japanese actor-producer na si Jacky Woo at ang actress na si Bela Padilla. Ang Tomodachi ay produced ng Global Japan, Inc.

Nakuha ng Tomodachi ang Best Foreign Language Feature Film at tinalo nito ang labing-dalawang pelikula na mula pa sa iba’t ibang bansa.

Napanalunan din ng World War II drama ni Joel Lamangan ang Best Musical Score para kay Jacky Woo at Emerson Teczon. Na-nominate din ito for Best Screenplay for a Foreign Language Feature Film. Ang nagsulat ng screenplay ay si Eric Ramos.

Ang salitang “Tomodachi” ay Nihongo (Japanese) for friend. Si Jacky Woo ang gumanap na Toshiro na kilala bilang Tomodachi sa Cavite. Naging malapit siyang kaibigan ni Edilberto (Pancho Magno). Magkakaroon ng relasyon si Toshiro at ang younger sister ni Edilberto na si Rosalinda (Bela Padilla). Nang pumutok ang World War II, bumalik si Toshiro bilang officer ng Japanese Imperial Army at ang dalawang magkaibigan ay magkakaaroon ng conflict dahil si Edilberto ay lumalaban naman para sa mga guerilla.

Samantalang ang isa pang pelikula ni Lamangan na Sekyu na pinagbidahan ni Allen Dizon ay nakakuha ng nominations for Best Director of a Foreign Language Feature Fim; Best Story (Ricky Lee) at Best Sound Design (Mike Idioma).

Ang Madrid International Film Fest ay isang annual event sa Spain na nagtatampok ng mga independent films mula sa iba’t ibang bansa.

Noong nakaraang taon, ang Filipino family drama na Mana ang nagwaging Best Film at ang bida nito na si Cherie Gil ang nakapanalo ng Best Actress in a Foreign Languaage Feature Film.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN