John Lloyd Cruz-starrer Honor Thy Father wins Best Asian Film in Switzerland

Erik Matti's Honor Thy Father chosen as Best Asian Film at the Neuch√Ętel International Fantastic Film Festival in Switzerland. This crime drama stars John Lloyd Cruz as a man who will do anything to protect his family.


Umani muli ng parangal ang controversial na pelikula ni Erik Matti na Honor Thy Father sa Switzerland noong Sabado, July 9.

Napanalunan ng Honor Thy Father ang Best Asian Film sa Asian Competition section ng Neuchtel International Fantastic Film Festival sa Switzerland.

Ito ang pangalawang pagkakataon na manalo ang isang Pinoy film sa naturang international film fest na nagsimula noong 2000. Noong 2012, nanalo bilang Best Asian Film ang horror-comedy movie ni Jade Castro na Zombadings 1: Patayin sa shokot si Remington (Remington and the Curse of the Zombadings).

Si John Lloyd Cruz ang bida sa Honor Thy Father na tungkol sa trahedya ng isang pamilya pagkatapos nilang ma-involve sa isang investment scam.

Noong nakaraang July 2 ay kinilala si John Lloyd sa 15th New York Asian Film Festival para sa crime drama na ito.

Si John Lloyd ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian actor na makatanggap ng Star Asia Award mula sa naturang New York film fest.

(Read: John Lloyd Cruz, Therese Malvar receive awards at New York Asian Film Festival)

Noong nakaraang June ay napanalunan naman ni John Lloyd ang Best Actor award mula sa Gawad Urian.

Naging kontrobersyal ang Honor Thy Father noong December 2015 nang ma-disqualify ito sa Best Picture category ng Metro Manila Film Festival.

Ngunit, napanalunan nito ang anim na MMFF trophies: Best Director, Best Child Performer (Krystal Brimner), Best Supporting Actor (Tirso Cruz III), Best Make-Up and Best Original Theme Song.

Noong nakaraang February ay nanalo ang Honor Thy Father ng anim na Gawad Tanglaw awards: Best Picture, Best Director, Best Actor, Best Supporting Actress (Meryll Soriano), Best Screenplay and Best Musical Scoring.

Noong March, tatlong awards mula sa 32nd Star Awards for Movies ang nakuha ng Honor Thy Father: Movie Supporting Actor (Tirso Cruz III), Movie Screenwriter and Movie Cinematographer of the Year.




#HonorThyFather wins at #NIFFF16 for #bestAsianfilm ????

A photo posted by erikmatti (@erikmatti) on





uPrix du meilleur film asiatique : HONOR THY FATHER de Erik Matti

A photo posted by NIFFF (@nifffstagram) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN