Camp Sawi director surprised by Yassi Pressman's entry to PBB Vietnam

IMAGE Instagram / Viva Films

Camp Sawi director Irene Villamor (right) reveals she only found out about cast member Yassi Pressman's (left) participation in PBB Vietnam two days before their last shooting day. Because of this, Yassi was not able to join the final filming day.


Noong July 14 ang last shooting day ng pelikulang Camp Sawi sa Sampaguita Gardens sa Quezon City.

Bida rito sina Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Arci Munoz, Kim Molina, at Bela Padilla.

Pero hindi kumpleto ang main cast dahil wala si Yassi, na pumasok bilang housemate sa Pinoy Big Brother House sa Vietnam.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Irene Villamor, ikinagulat nito ang pag-alis ni Yassi dahil nalaman nila ang pagsali sa PBB ng singer-actress, dalawang araw bago ito pumasok sa Bahay ni Kuya.

“Two days before pumasok si Yassi sa PBB, saka ko nalaman.

“Parang ako, naintindihan ko naman, kasi confidential yun, e. Nagulat lang ako,” sabi ng direktor.

Dahil si Irene ang sumulat ng kuwento ng Camp Sawi, nagawan niya ng paraan na hindi mapansin ang pagkawala ng karakter ni Yassi sa mga eksenang kinunan noong isang araw sa Sampaguita Gardens.

“Parang kaya naman, kasi ito, ending na. Madali na lang.

“Majority ng scenes niya, tapos na,” sabi ni Direk Irene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

BIG BREAK. Very fortunate ang pakiramdam ni Irene dahil siya ang napili at nabigyan ng pagkakataong maging direktor ng Camp Sawi, ang pelikula ng Viva Films tungkol sa mga babae na sawi sa pag-ibig.

Year 2000 nang magtrabaho si Irene bilang assistant director ni Joyce Bernal, ang mentor niya at nagbigay sa kanya ng break sa pelikula.

Ang Everything About Her, ang movie project ni Vilma Santos sa Star Cinema, ang isa sa maraming mga kuwento na isinulat ni Irene.

Co-director si Irene ni Antoinette Jadaone sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig; at siya ang second unit director ng GMA-7 teleserye na That’s My Amboy at drama anthology na Magpakailanman.

Tulad ng mga karakter sa Camp Sawi, sawi sa pag-ibig si Irene pero naging pabor sa kanya ang mga karanasan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Assistant director ako ni Direk Joyce, college pa lang nagka-cutting class na ako para sumali sa kanya.

“Kaya ko siya na-meet, may hinabol ako na crush.

“College ako, nag-o-OJT [on-the-job training] sa movie niya.

“Dapat may ibang movie ako na pupuntahan, kaso yung crush ko, pumasok sa Viva Films. Crush ko talaga.

“Nakapasok siya sa Kailangan Ko’y Ikaw, yung pelikula nina Robin Padilla at Regine Velasquez.

“Nakapasok dun yung crush ko, so hinabol ko siya.

“Tinawagan ko si Direk Joyce. E, wala akong papers.

“Salita na lang ni Direk, ‘Pasok ka na, go! Halika dito!’”

Patuloy ni Direk Irene, “Matagal ako kay Direk Joyce, assistant director niya ako.

“Hindi ko siya puwedeng iwan basta-basta.

“Parang personal ano ko yun dahil siya ang mentor ko.”

Nasawi sa pag-ibig si Irene dahil hindi sila nagkatuluyan ng crush niya na teacher na ngayon sa UP.

Pero magkaibigan daw sila.

“Friends kami. Alam niya na crush ko siya ng bonggang-bongga,” ang dagdag na kuwento ni Irene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN