Bela Padilla explains why she chose Dennis Trillo to be her love interest in Camp Sawi

Bela Padilla says about Dennis Trillo: "Yung past two projects na ginawa namin together, laging ang feedback, ang lakas ng chemistry namin."



May cameo role si Dennis Trillo bilang ex-boyfriend ni Bela Padilla sa Camp Sawi, ang upcoming movie ng Viva Films.

Co-producer ng Camp Sawi ang boyfriend ni Bela na si Neil Arce, kaya may kinalaman siya sa pagpili kay Dennis na nakatrabaho niya sa mga teleserye ng GMA-7 at sa biopic ni Felix Manalo, ang First Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.

“Nakailang projects na kami and also, kailangan ng Chinese [boyfriend].

“Yun ang isa sa magiging conflict ng relationship namin,” paliwanag ni Bela sa pagpili niya kay Dennis bilang love interest sa Camp Sawi.

“Yung past two projects na ginawa namin together, laging ang feedback, ang lakas ng chemistry namin.

“Kailangan kasi first scene pa lang, kita mo na ang chemistry kasi biglang magbe-break na.

“Kung pipili ako ng katrabaho na first time pa lang, tapos dun pa lang kami mag-uumpisang mag-experiment o mag-build up ng chemistry, baka mahirapan lang.

“Dun na ako sa sigurado.

“Madaling katrabaho si Dennis kasi lagi siyang prepared.

“Pagdating sa set, yun na ‘yon. Parehas kaming maagang dumarating, walang hassle.

“Alam mong nirerespeto niya yung oras mo, alam mong preparado siya pagdating sa eksena,” ang justification ni Bela.


SUPPORTIVE BOYFRIEND. May blessing ni Neil ang pagpili ni Bela kay Dennis dahil nakita rin niya ang chemistry na tinutukoy ng kanyang girlfriend.

“Siya [Neil] mismo ang nagsasabi sa akin na one of the onscreen partners [Dennis] na nakita niyang maganda. Very open si Neil.

“Very open at very mature. When I’m at work, hindi niya ako ginugulo.

“Kapag siya naman ang nasa trabaho, alam ko na oras niya ‘yon.

“Meron pa ‘yan, kunwari mabigat ang eksena ko today, alam ko sunud-sunod na mabigat.

“Tatawagan ko siya, 'Huwag mo muna ako ite-text today kasi mabibigat ang mga eksena ko.'

“Alam na niya yun. No questions asked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibibigay niya sa akin ang oras na ‘yon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN