Arci Muñoz reveals Kean Cipriano was replaced by Rico Blanco in Camp Sawi

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz praises Rico Blanco's short but meaty cameo role in Camp Sawi: "Ang galing umarte ni Rico! At saka, may motivation siya. 'Paano ba gagawin ko rito?' Nagtatanong siya."

 

"Yung maikling part niya na yun, pinag-aralan niya yun."

 


Isa sa mga “sawi” si Arci Munoz sa pelikulang Camp Sawi.

Sa kuwento ng bagong pelikulang ito ng Viva Films, nagkaroon ng isang literal na Camp Sawi kunsaan nagpupunta ang mga broken-hearted na tao.

Sa Bantayan Island, Cebu ang naging location ng movie na sa ilalim ng direksiyon ni Irene Villamor.

Kuwento ni Arci sa karakter niya, “Ako yung tipo ng girlfriend na nag-a-adapt sa trip ng boyfriend ko.

“Kung ano yung trip ng boyfriend ko, alam niyo yung para lang ma-feel ko na accepted ako sa isang relasyon, nag-a-adapt ako.

“Para lang kunwari, businessman ang boyfriend ko, magiging loving housewife ako, parang ganung tipo.

“But in this case, sa story, ano 'ko... yung boyfriend ko, may banda.

“So nag-change ako for him. Di ba, may mga ganun?

“Gets mo yung ganung tipo ng girlfriend na kung ano ang trip ng boyfriend nila, magiging ganun sila.”


THUMBS UP FOR RICO. Ang nag-cameo role na boyfriend niya sa movie ay ang former Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.

Siya rin ba ang personal na pumili kay Rico para sa role?

“Hindi,” saad ni Arci.

Ang pumili raw kay Rico ay ang production team. Okay lang naman daw sa kanya ang desisyon nilang ito.

Sabi pa ni Arci, “Ang una nun, si Kean [Cipriano] dapat yun, kaya lang yung schedule niya, sobrang busy.

“So, hindi nag-swak yung schedule ng shoot. E, di ba, marami rin siyang ginagawa?

“So, si Rico ang kinuha nila.”

Kumusta naman si Rico?

“Sobrang funny ni Rico, sobrang g*go, sobra talaga,” natawa niyang sabi.

“Kung totoong nangyari sa akin yun, sasapakin ko na.

“Ang galing umarte ni Rico! At saka, may motivation siya. 'Paano ba gagawin ko rito?' Nagtatanong siya.

“Yung maikling part niya na yun, pinag-aralan niya yun.”

BROKEN-HEARTED. Sa totoong buhay, inamin naman ni Arci na nasawi na rin siya sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte niya, isang beses pa lang daw siya nasasawi at hindi na raw niya pahihintulutang maulit pa.

“One time lang yun, tapos sabi ko, hindi na mangyayari sa akin,” saad niya.

Nasaan na yung ex-boyfriend niya na naging dahilan ng pagkasawi niya?

“Okay naman na siya, masaya na siya. Ano na, wala na, matagal na yun. First boyfriend ko,” pagbalik-tanaw niya.

Dalawampu’t tatlong taon daw siya nang masawi.

LESSON FROM HEARTBREAK. Kung sabihin nga, sa bawat relasyon, magmahal at maging broken hearted man, may aral na natutunan.

Ano yung natutunan niya sa pagkasawi niya?

Aniya, “Yun nga, sabi ko, hindi ko deserve yun, ang dami-raming lalaki riyan.

“Siguro, hindi lang siya yung meant for me. At least, may natutunan ako. Ang tagal kong makapag-move-on.”

Inabot daw ng taon bago niya nasabing naka-move on na nga siya sa nakarelasyon.

Lahad pa niya nang natatawa, “Ang tagal! Mabilis lang yung relasyon, pero ang tagal kong nakapag-move-on.

“Ang tagal ko kasi siyang niligawan.

“Ako kasi yung nanliligaw.”

Non-showbiz daw ang ex niya at wala pa rin naman daw talaga siyang nagiging boyfriend na artista rin.

In particular, puro rock star raw.

May pagkakataon na nagkikita rin daw sila ng ex niya at masasabi niyang okay naman daw sila at nagbabatian sila ng “hi” at “hello.”

Hindi raw ba ito nanghihinayang sa kanya ngayon?

“Alangan namang tanungin ko siya, 'Uy, nanghihinayang ka ba?'” natawang sabi niya.

“Wala naman, friends naman po.

“At saka siyempre, hindi naman nila sasabihin yun, kahit sinong lalaki. At saka, parang hindi naman.

“Parang happy naman siya at happy rin naman ako kaya hindi ko na inaalam, matagal na yun.”

ATTRACTED TO ROCK STAR TYPES. Sabi nga ni Arci, palaging rock star ang nagiging boyfriend niya. Ang present boyfriend niya ay ganun din.

In a relationship siya ngayon with Badi del Rosario (aka Bones Frankenstein), ang lead vocalist ng band na Mr. Bones and the Boneyard Circus.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

My birthday boy!!! I hate you ta bits!!!! ???????????????????????????????? #bonesXthornes

A photo posted by Arci Munoz (@ramonathornes) on



Bakit nga ba siya attracted sa rock star types?

Lahad ng 27-year-old actress, “Siguro po kasi para sa akin, di ba ako, ganun din ang tugtugan ko.

“So, I wanna find someone who can understand my music, who can hear my music the same way I do.

“Kasi, kung hindi, baka hindi nila ko ma-gets, masyado akong weirdo in a good way.”

Nakaka-relate naman pala siya sa karakter niya sa Camp Sawi?

“Opo, as myself nga ito,” natawa na naman niyang sabi.

“Feeling ko nga po si Direk [Irene Villamor], ginawa niya ang role namin, puwera lang si Kim [Molina].

“Kasi si Kim, singer sa totoong buhay.

“Well, baliw rin siya sa totoong buhay, pero yung boses, hindi siya nagsasalita.

“Kaya rito, hindi niya nagamit ang napakaganda niyang boses.”


(Read: Bela, Andi, Arci, Yassi, Kim compete for Sam Milby's attention in Camp Sawi)




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN