Toni Gonzaga comments on Dukot and reuniting with Mariel, Bianca on PBB Lucky Season 7

IMAGE Allan Sancon

Toni Gonzaga says about Dukot: "Pwede mo rin palang makuha yung same excitement, yung thrill, at suspense sa isang Filipino film." Starring Enrique Gil, this movie is directed by Toni's husband, Paul Soriano (left).



Proud na proud si Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang asawang si Direk Paul Soriano nang mapanuod nito ang bagong pelikula nitong Dukot sa premiere night nito na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound.

(To view photos during the premiere, click: LOOK: Preggy Toni Gonzaga at Dukot premiere)


Matapos ang premiere night ay nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph kay Toni tungkol sa Dukot, sa kanyang pagbubuntis at tungkol sa reunion nilang tatlo nina Mariel Rodriguez-Padilla at Bianca Gonzales-Intal sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Ang Dukot ay pinagbibidahan ni Enrique Gil na gumaganap bilang kidnap victim na si Carlo. Si Shaina Magdayao ang gumanap bilang sister ni Enrique samantalang ang mga magulang nila ay ginampanan nina Ricky Davao at Bing Pimentel. Si Christopher de Leon ang tagabantay ng karakter ni Enrique.


(To read movie review, click: REVIEW: Enrique Gil delivers powerful performance in Dukot)

Based on true events, ang Dukot ay graded B ng Cinema Evaluation Board.


How proud are you sa bagong movie ni Direk Paul na Dukot?

Toni: “Noong ginagawa niya yun, lagi niya lang sinasabi sa akin kung saan sila na nagsu-shooting, so ako naman nung time na yun first trimester ko sa pagbubuntis, sa akin parang wala lang itong pelikula niya na ito. Pero nung napanood ko, ‘di ko naman alam na ganito pala katindi ‘tong pelikulang ginawa nila, ang galing ng buong cast members, ang musical score, ang editing, na-amaze talaga ako. Tapos kalagitnaan palang tinext ko siya na sobrang proud ako sa kanya, kasi pag umuuwi siya after shooting wala siyang kwento tungkol sa movie na ito, tapos ganito pala ito ka-intense.”


Anong masasabi mo sa movie?

Toni: “Actually, wala talaga akong ini-expect, e, pero after kong mapanood, grabe namangha talaga ako, kasi pwede mo rin palang makuha yung same excitement, yung thrill, at suspense sa isang Filipino film.”


Ano masasabi mo sa casting ng movie?

Toni: “Ang masasabi ko lang, ang ganda ng casting, ang galing ni Shaina, si Christopher de Leon, yung dalawang magkapatid at siyempre si Enrique, alam mo yung gusto ko siyang yakapin after ko mapanood, kasi first ko siyang makita sa kanyang acting na walang masyadong dialogue pero mararamdam mo na talaga ang intense ng acting niya. Nanigas nga tiyan ko sa mga eksena. Hahaha!”


Kumusta naman ang pagbubuntis mo?

Toni: “Pinapili ako ng doctor kung work o exercise, sabi ko work is my exercise kasi hindi naman pinagbawal sa akin, yung first trimester ko pinag-pahinga muna ako kasi nagkaroon ng konting bleeding pero ngayon nag-stabilize na siya at kailangan kong magpatuloy sa pag-work kasi baka magkaroon ako ng anxiety about sa work ko.”


Gaano ka ka-excited sa paglabas ng baby?

Toni: “Pagtina-tanong ako kung ano yung worst fear ko, dati sabi ko losing a loved one, a family member, pero ngayon yung worst fear ko na, is giving birth for the first time, yun lang ang ina-anticipate ko, na sana matapos na at pinagpi-pray ko talaga na sana okay ang lahat paglabas niya, tapos lalaki pa which is yun talaga ang gusto ko ever since.”


Kumusta naman ang reunion ninyong tatlo nina Mariel at Bianca in hosting PBB Lucky Season 7?

Toni: “Oo nga, e, we’re very thankful dahil balik kaming tatlo sa PBB at nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga Kapamilya natin na kahit sa 10 PM slot kami napunta, e, nagre-rate naman kami ng 17%, kaya excited kami na ibigay sa kanila ang bagong edition ng PBB kasi it’s exciting na nasa Vietnam sila.”

Ano naman ang masasabi mo na iba na lahat mga last name nyong tatlo dahil may mga asawa na kayo ngayon?

Toni: “It’s a new chapter in our lives kasi we closed the decade na single pa kaming lahat, e, ngayon mga nanay na kami. Nakakatuwa kasi sabay pa kaming nagbuntis ni Mariel, magkaiba kami ng mga pinagdadaanan pero parehong iisang emosyon yung nararamdaman namin.”


Hanggang kailan ka magtatrabaho ngayong buntis ka?

Toni: “Depende, ipi-feel ko, kung hanggan saan ang kaya ko.”








ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN