Anna Luna, Micko Laurente grateful for acting recognitions at 1st To Farm Film Fest

IMAGE Nikko Tuazon

Anna Luna and Micko Laurente were hailed as Best Supporting Actress and Best Supporting Actor during the awards night of the 1st To Farm Film Festival at the Shangri-la Hotel Makati on July 20, 2016.


Sa simula pa lang ng programa, buena mano nang pinarangalan sina Anna Luna at Micko Laurente bilang Best Supporting Actress at Best Supporting Actor sa 1st To Farm Film Festival.

Ginanap ang awards night nitong Miyerkules, July 10, sa Rizal Ballroom ng Shangri-la Hotel Makati.

Ang naturang film fest ay pinangunahan ng agriculture advocate na si Dra. Milagros Ong-How at festival director na si Maryo J. Delos Reyes upang magbigay pugay sa mga magsasakang Pilipino sa kanilang kontribusyon sa ating bansa sa pamamagitan ng sining pampelikula.

Ginawaran ng Best Supporting Actress trophy ang 23-year-old star na si Anna Luna sa pagganap nito sa pelikulang Paglipay na idinirek ni Zig Dulay.

Ang karakter na ginampanan ni Anna ay nagngangalang Rain, isang estudyante mula sa sa UP Manila na aagaw ng pansin ni Atan na ginampanan naman ng Best Actor winner na si Garry Cabalic.

Lito naman ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Micko Laurente sa pelikulang Pitong Kabang Palay kung saan siya nanalo bilang Best Supporting Actor. Ang pelikula ay sinulat at idinirek ni Maricel Cariaga base sa kaniyang sariling karanasan.


MICKO LAURENTE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actor na si Micko, hindi ito makapaniwala na siya ang nakapag-uwi ng tropeo lalo na't bigating aktor din ang kanyang mga nakalaban para sa award.

Pahayag ni Micko, "Hindi ko po akalain na yung mananalo kasi po ang lalakas ng mga kalaban ko. 'Tapos mas magagaling po umarte pero hindi po na expect na ako po nanalo."

Ilan sa mga nominado para sa bilang Best Supporting actor ay sina Leo Rialp (Free Range), Peter Dizon (Kakampi), Norman King (Paglipay), at Jerald Napoles (Pauwi Na).

Inihalintulad pa ng young actor ang kanyang pagkapanalo sa isang birthday party. Aniya, "Ang pakiramdam ko siyempre masaya kung parang sa birthday niyo po bigla kang hinandaan. Akala niyo po nagtitipid kayo. Yung kunyari wala kayong pera tapos nung birthday niyo doon pala inipon para po magka-handa. Parang ganoon din po [pakiramdam] sa akin po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na ang ikatlong beses na pinarangalan si Micko para sa kanyang husay sa pag-arte. Aniya, "Ito na po yung third na po. Kasi yung una po okay Direk Zig po yung Bambanti yung Best Actor sa India po 'tapos Best Child Performance sa 32nd PMPC Star Awards For Movies."


ANNA LUNA. Gaya ni Micko, hindi rin inasahan ni Anna Luna ang kanyang pagkapanalo.

Kabilang sa mga nominado bilang Best Supporting Actress sina Madeleine Nicolas (Free Range), Gloria Sevilla (Kakampi), Suzette Ranillo (Kakampi), Meryll Soriano (Pauwi Na), Chai Fonacier (Pauwi Na), at Diva Montelaba (Pilapil).


Pahayag ng aktres sa PEP, "Hindi po namin in-expect na ito yung mangyayari. Sabi namin sa sarili namin, 'Wag tayo mag expect basta ginawa natin yung best natin at alam natin pinaghirapan namin yung ginawa namin.'

"Okay na sa amin na lumabas kami ng sinehan noong premiere night at nakangiti ang lahat ng tao. Sabi namin, 'Okay na yung ganyan-ganyan basta naiparating natin sa mga manonood kung gaano ka importante yung mga kultura ng mga ita at kung gaano kaganda yung Pilipinas.'"

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kaya Anna, ibinahagi nito ang eksena mula sa pelikula na nahirapan umano siyang gawin.

Kuwento ni Anna, "Ang haba nung eksena na parang roller coaster ride na mixed emotions na kailangan ma-maintain yung emotion na kailangan 'tapos lasing pa. So ayun naglasing na lang [talaga] ako. Uminom na lang talaga ako. For me yun yung mahirap. Yun yung hinuli namin kasi parang yun yung pinaka crucial na eksena."

Ano naman kaya ang pinakamahalagang natutunan nito sa pelikula?

Sagot ni Anna, "Bigyan ng importansiya yung mga Ita na wag sila pakielaman kung baga nagkakaroon pa ng mining pinapakialaman pa kung nasan sila ngayon. Sana makuntento na lang tayo yung meron sa atin kasi sila kuntento kung ano meron sila."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN