Sina Lotlot de Leon, Tommy Abuel, Janine Gutierrez at Benjamin Alves ang mga bida sa Cinemalaya 2016 entry na Dagsin.
Ang proyekto na ito ang unang sabak sa paggagawa ng pelikula ng mag-asawang Atom at Anne Magadia sa pamamagitan ng Atom & Anne Mediaworks Corporation.
Graduate ng business school ang isa sa producer/director na si Atom, pero nag-aaral pa lang daw siya, alam na niyang ang filmmaking ang talagang gusto niyang magawa.
Hanggang sa nag-aral siya ng Filmmaking sa Center College of Design in California at nag-training din siya sa USC School of Cinematic Arts, UCLA School of Theater Film & Television.
Nagta-trabaho na siya sa America, pero na-realize daw niya na maikli lang ang buhay at ang paggawa ng pelikula ang talagang gustong-gusto niyang gawin.
Ang Dagsin ay Tagalog/Ilokanong salita na ang ibig sabihin ay Gravity in English. Gravity rin ang international title ng Cinemalaya entry na ito.
“Hindi ko alam ang origin ng Dagsin, pero kapag may mga Ilocanong nag-aaproach sa akin, tinatanong nila ko, 'Ilocano ka ba? Dagsin is Ilocano.' Apparently, bigat, yun yun.
“Dagsin is the gravity of life. Sabi ko nga, kalubhaan is actually the right term also. May surprise sa ending that we don’t want to reveal yet. Pero yung surprise sa ending, malamaman mo ang bigat ng conscience kapag may ayaw kang magawa, pero malalalaman mo,” pahayag ni Atom.
Silang mag-asawa rin ang sumulat ng script.
Ayon kay Tom, ”Actually, noong first time kong isinulat ‘yan, nasa film school pa ko. It was a short script and then, inexpound ko na lang.”
Sabi naman ni Anne, “In the beginning it was challenging. The way I work, it’s very compartmentalized. Yung process namin is very different. Face value, magkaiba pero we reconciled at some point, which brought Corazon.
“In the end, it works out.”
Masayang-masaya sila nang isa ang Dagsin sa 9 official entries na finalists sa 12th edition ng Cinemalaya.
Bilang mga bagong filmmakers, aminadong naging very challenging sa kanila ang pagbuo ng Dagsin sa ibang aspeto ng produksiyon.
“Pero okay naman po, nagawa naman namin at pinakamasarap sa lahat na masaya yung mga actors sa movie,” masaya niyang pahayag.
Dahil baguhan lang sa paggawa ng pelikula, aminadong hindi pa nila alam ang mga taong dapat lapitan at kausapin. Malaki ang pasasalamat nila kay Lotlot de Leon nang mabasa raw nito ang script, nagpahayag agad na gustong-gusto niya ito at gusto rin na magawa.
“Ms. Lotlot is the first one to have liked it. She told me, she likes the script. She told me, she would want to have a part, you know, take her,” saad ng director.
Si Lotlot na rin daw ang nilapitan nila kaya nakakuha sila ng iba pang cast members tulad nina Janine Gutierrez at Benjamin Alves, pero kailangan pa rin na kausapin niya ang mga handlers nito sa GMA Artist Center.
Kaya parang hulog ng langit sa mga bagong film producers ang aktres dahil sa pagkaka-gusto raw nito sa materyal mismo at sa tulong sa kanila.
Kumusta sina Janine at Benjamin?
“They’re both very good actors. But actually, the movie, sila yung support dito, mag-iisip ka, kung sino ba talaga ang totoong Corazon: is it Lotlot, Janine or Marita Zobel?
“Sina Janine at Benjamin, very professional.”
Ang kuwento ng Dagsin ay isang love story tungkol sa mga “courageous people” na handang mag-sakripisyo ng lahat para maprotektahan ang kanilang ga mahal buhay sa iba’t-ibang trahedya.
Plano ng mag-asawa na marami pang pelikulang i-produce pagkatapos ng Dagsin. Marami na rin daw silang script na matagal na rin nagawa.
Sa huli, tinanong namin si Atom kung ano ang inasahan nila ngayong mapapanood na ang unang pelikula nila sa Cinemalaya.
Aniya, “Ang gusto lang naming mangyari, marami ang makapanood. It’s actually a love story but deeper than that.”
Simula August 6, mapapanood na ang Dagsin sa Cinemalaya at sa August 10 sa CCP Main Theater ang gala night nito.
(To learn more about Dagsin, read: Benjamin Alves shot torture scenes for Cinemalaya 2016 entry Dagsin)
(To learn more about this year’s entries, read: Cinemalaya 2016 loses one entry; Nora Aunor, Judy Ann Santos among stars featured in 12th edition)