Direk Joel Lamangan impressed by Angeline Quinto: "She is very professional at babaeng bakla din."

Direk Joel Lamangan says he will work again with Angeline Quinto (in photo) for another project titled Never Been Kissed, Never Been Touched.



Isa sa expertise ni Joel Lamangan ay ang paggawa ng mga nakakatuwang gay comedies.

Kabilang sa mga nagawa niyang gay comedies ay ang Pusong Mamon, So… Happy Together, Manay Po, Manay Po 2 at Happy Hearts.

Ngayon ay malapit nang ipalabas ang That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero, Billy Crawford, at Angeline Quinto.

Para kay Direk Joel, magaan daw gawin ang mga ganitong klaseng pelikula kumpara sa mga heavy dramas na nakasanayan niyang gawin noon.

Dahil umiiwas sa masyadong stressful na trabaho si Direk Joel, paminsan-minsan na lang daw siyang gumawa ng mga mabibigat na pelikula.

“Ever since na nagkaroon tayo ng health problems, umiiwas na ako sa stress.

“Even the way that I was on the set noon, hindi na ako yung tensyonado at mahilig manigaw. I’ve mellowed down kasi nakaka-stress ang parati kang nagagalit.

“Tsaka pinipili ko na ang mga projects na gagawin ko.

“Before, sunud-sunod ang mga madadramang pelikula ko, di ba? One after the other.

“Ngayon, hindi na puwedeng gano’n kasi alam n’yo na. Mas kailangan natin ng pahinga.

“Kaya pagkatapos ng isang mabigat na project, pahinga muna tayo bago ako ulit magsimula sa bago.

“We are not getting any younger kaya ingat lang tayo kung gusto pa nating magtagal sa industriyang ito,” pahayag ni Direk Joel nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang That Thing Called Tanga Na sa 38 Valencia Events Place in Quezon City.


COLLAGE OF GAY LOVE EXPERIENCES. Mula sa panulat ni Senedy Que, ang That Thing Called Tanga Na ay kuwento ng mga gays na pinasok ang iba’t ibang situwasyon sa buhay nila sa ngalan ng pag-ibig.

“Marami kasing kuwento ang mga bakla.

“Ang mga bakla kasi, hindi lang iisa ang tipo niyan. Iba-iba, kaya very colorful ang buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tiyak na maraming makaka-relate sa movie na ito kasi it’s not just about gays, but also about love.

“Sabi nga nila, love is love. Pero may kind of love na minsan ay ginagawa ka nang tanga, pero go ka pa rin, di ba?

“Kaya may mga bakla na ang ending ay luhaan, nganga, parang ninakawan ng pagkatao, nawalan ng dignidad, nalugi or nababaliw dahil sa love.

“Pero meron namang nakaka-survive. Yung kaya ang pressure ng emotions nila.

“Kaya sa movie na ito, mahahanap nila kung sino sila.

“Ako nga naka-relate kasi ang bawat naranasan ng characters sa movie, na-experience ko na rin in real life!” sabay tawa ni Direk Joel.


IMPRESSED WITH CAST. Tuwang-tuwa naman si Direk Joel sa mga artista niya dahil naging madali para sa kanila ang pagganap sa mga roles bilang gays na may kanya-kanyang pananaw at paniniwala sa pagp-ibig.

“Wala akong naging problema with my cast. They are all so good kaya naging madali para sa akin ang idirek ito.

“Si Eric Quizon, ilang beses ko na ‘yang nakatrabaho and he actually directs himself, kaya kampante na ako sa kanya.

“Si Martin Escudero naman, nadirek ko na siya ilang beses na sa mga teleserye.

“This is my first time to direk him in a movie and he really delivers. Ang ganda-ganda pa niyang magbading.

“It’s my first time also to direct Kean Cipriano and Billy Crawford. and they are very good as well.

“Nakakatuwa silang katrabaho kasi bigay na bigay sila sa pagbabakla nila sa movie.

“Pero pinaka-nagulat ako kay Angeline Quinto. It’s my first time to work with her and hindi ko alam kung magaling siya o hindi.

“Akala ko magkakaproblema ako sa kanya. Pero I was pleasantly surprised on how good she was.

“Nakagawa na pala siya ng ilang movies kaya marunong na siya sa mga blocking, pag-memorize, sa pagbigay ng emotions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natuwa ako kasi bagay sa kanya yung role na naitoka sa kanya and she delivered it very well on the big screen.

“Kaya wala akong naging problema sa kanya all throughout.

“Angeline has the makings of a very good actress. She is very professional at babaeng bakla din.

“Kaya may isa pa kaming movie na ginagawa titled Never Been Kissed, Never Been Touched dahil nagustuhan ko siya,” diin pa ni Direk Joel.

Patuloy din naman ang paggawa ni Direk Joel ng mga critically-acclaimed indie films tulad na lang ng mga pelikula niyang Tomodachi at Sekyu na umani ng papuri at parangal sa Madrid International Film Festival.

Natapos din ni Direk Joel ang launching film ni Natalie Hart (formerly Princess Snell of StarStruck 5) titled Siphayo kunsaan leading men nito sina Joem Bascon at Luis Alandy.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN