Nadine Lustre overwhelmed by bestseller status of Team Real book; hints at sequel

Nadine Lustre feels overwhelmed with the citation awarded by National Bookstore for their love team's book, Team Real, which has been declared the bestseller for July 2016: "I'm super happy. Isang buwan pa lang nakalabas ang libro and yet, bestseller agad siya. I'm really, really happy."



Tinanggap ngayong hapon ni Nadine Lustre mula sa National Bookstore management ang parangal para sa Team Real: Your All-Access Pass into James and Nadine Lustre’s World, ang libro nila ng kanyang boyfriend na si James Reid na idineklara bilang No. 1 Bestseller for July 2016.

Ang VRJ Publishing Inc. ang publisher ng Team Real at ipinagkaloob ang parangal sa meet-and-greet, book signing at launch ng DVD copies ng This Time, ang blockbuster movie nina James at Nadine, sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City.

Unfortunately, si Nadine lamang ang nakarating sa meet-and-greet at book signing dahil on-leave at nagpapahinga raw for one month si James.

Pero naintindihan naman ng kanilang fans ang sitwasyon ng aktor.

“I’m super surprised! Ang bilis-bilis kasi, bestseller agad siya.

“I’m super happy. Isang buwan pa lang nakalabas ang libro and yet, bestseller agad siya. I’m really, really happy.

“Gusto rin namin ni James na magkaroon ng part 2 ang Team Real kasi para lahat, ma-i-share namin sa fans, meron pa kaming mga travels.

“Maraming bagay ang hindi umabot nang i-publish ang Team Real,” ang excited na pahayag ni Nadine nang malaman nito ang plano ng VRJ Publishing Inc. na sundan agad ng part 2 ang Team Real.

Kung isang buwan ang bakasyon ni James, dalawang linggo naman na nagbakasyon si Nadine bago nila umpisahan ang taping ng Till I Met You, ang teleserye ng ABS-CBN na follow-up sa successful primetime teleserye na On The Wings of Love.

“Pahinga, vacation, inasikaso ko yung mga dapat gawin. Yung house ko, ipinaayos ko,” kuwento ni Nadine tungkol sa dalawang linggo na pagbabakasyon niya na kulang na kulang dahil sa dami ng kanyang mga gusto pang gawin.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN