Anne Curtis surprised by kissing scene with Dennis Trillo on first shooting day of their movie

IMAGE Jojo Gabinete

Dennis Trillo and Anne Curtis, who are from rival networks, team up for the first time in a movie. Anne says, "Okey naman kami ni Dennis, so far, so good. Nae-excite ako. I can feel the chemistry. It's exciting to see how it comes out on screen."


Kahapon, July 28, ang unang araw ng shooting ng pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend? ng Viva Films at The Idea First Company sa isang simbahan sa Tandang Sora, Quezon City.

Sina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros, at Anne Curtis ang mga bida sa pelikulang ito ni Jun Lana.

Parehong nabigla sina Dennis at Anne dahil hindi nila inaasahan na ang kanilang kissing scene ang unang kukunan ni Jun.

“To break the ice” ang dahilan na sinabi ni Perci Intalan, ang partner ni Jun at producer ng The Idea First Company, kaya sinadya nilang kunan agad ang kissing scene, na may walong anggulo, nina Anne at Dennis.

“Yes, nabigla ako. Bakit kasama agad yun?” nagtataka na sabi ni Anne nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend.

Kuwento pa ng Kapamilya actress-TV host, “Nakakatawa yung eksena kaya mas nakaka-tense kasi nakakatawa.

“Pinagpapawisan ako. Sabi ko, ‘Paano ko ba gagawin ito?’

“May ipinagawa kasi sa akin na nakakatawa habang nagki-kiss kami ni Dennis.

“But it was perfect, kasi dapat talaga may awkwardness sa scene.

“Nung una, super-pawis ako, super-lapot, and then after a while, okey na.”

Kumusta naman ang unang pakikipagtrabaho niya kay Dennis, na isang Kapuso?

Ayon kay Anne, “Okey naman kami ni Dennis, so far, so good. Nae-excite ako.

“I can feel the chemistry. It’s exciting to see how it comes out on screen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN