Anne Curtis describes working with Paolo Ballesteros and Dennis Trillo

IMAGE From Instagram account of Anne Curtis

Anne Curtis co-stars with (right frame, L-R) Paolo Ballesteros, Yam Concepcion and Dennis Trillo in Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend.



Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ng ABS-CBN at Viva star na si Anne Curtis sa pelikula ang mga GMA-7 stars na sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.

Ito ay sa pamamagitan ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend na kasalukuyang sinu-shoot nila ngayon.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dumalaw sa unang araw ng shooting ng pelikula na ginanap sa St. Vincent de Paul Seminary, Tandang Sora noong July 28.

“Happy ako to work both with Dennis and Paolo,” nakangiting lahad ni Anne.

“Nakakatuwa, nakakaaliw and it’s a breath of fresh air to work with other leading men, so naaaliw ako, ang ganda ng script.”

Ayon kay Dennis Trillo, dream come true para sa actor na maging leading lady siya.

“Nakakatuwa and nakaka-excite at the same time. At saka, ang ganda talaga ng mga unang scenes na nakuhanan namin kanina, nakakatuwa. Isa siyang rainbow—gay film, nakakatuwa.”

Kahit naman daw si Anne, dati pa ay isa si Dennis sa mga aktor na hindi Kapamilya na gusto rin niyang makasama.

“Napapanood ko rin naman and naisip ko, I think, I’ve seen her, she worked with Angel before, yun ang mga naalala ko and the gay series she did with Carla [Abellana].

“That’s why when we read the script with Direk Jun [Lana], sabi namin puwedeng-puwede si Paolo rin dito.”

Nai-in-love raw kasi ang character niya kadalasan sa bading pala. Kaya ganun na rin ang titulo ng pelikula.

Ayon kay Anne, “It turned out na gay sila!”

May pagkakataon na bang na-in-love siya, tapos bading pala?

“Hindi pa,” natawang sabi niya.

Dugtong niya rin, “Nagkaka-crush ako sa bading. Nagka-crush na ko—basta, hindi mga artista, nami-meet ko. Then [sasabihin nila], 'Hey, I’m gay. Oh wow! You’re so handsome. Sayang your lahi.' Ginaganun ko sila.”

Silang dalawa raw ni Paolo, kahit unang beses pa lang din nilang magsama ay masasabi niyang nag-click sila agad.

Babaeng bakla naman daw kasi siya.

“Nang magkita kami sa storycon, instant, okay na agad. Parang matagal na kaming magkakilala. Jolly siya, masaya siya.”

May gaydar ba siya?

“Malakas ang gaydar ko! Babaeng bakla kasi ako, eh kasi, ikaw ba naman araw-araw nakapaligid ka sa mga bakla. Kasama ko si Vice [Ganda], hairstylist ko, make-up artist ko, lahat, handler ko, R.M. [road manager] ko!”

Wala rin naman daw sumubok na manligaw sa kanyang bading pala. Katwiran din ni Anne, “icon” daw siya ng mga ito.

Sa unang shooting day nila, kissing scene raw agad ang pinagawa sa kanila ni Dennis.

Pero, nakakatawa raw ang naging kissing scene nila.

“Basta, kapag napanood niyo, sabi ko talaga, my gosh, nakakatawa ang eksenang ‘to! Ang galing ni Direk Jun at Direk Perci [Intalan], ang galing nilang mag-isip.

“Well I guess, knowing them, ibang love story, e, hindi siya typical na nakikuwento, it’s not your average love story.”

In his Instagram account, Paolo Ballesteros revealed that his character is named Benj. Meanwhile, Anne plays Kylie, Yam is cast as Fiona, and Dennis brings life to Diego.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN