Yen Santos looks forward to kissing scene with Piolo Pascual: "Siya ang ultimate crush ko."

IMAGE Noel Orsal (left frame)

Yen Santos gets a thrill of a lifetime as leading lady of Piolo Pascual in the movie Once in a Lifetime. "Parang ako ang pinakamasuwerteng babae ngayon, yung nabigyan ng chance na makapareha ang nag-iisang Piolo Pascual. Napakalaking highlight ito ng career ko."



Hindi makapaniwala si Yen Santos nung sabihin sa kanya na may pelikula siyang gagawin at makakapareha pa niya dito ang ultimate hunk actor na si Piolo Pascual.

Ani Yen tungkol sa movie niya titled Once in a Lifetime, “Parang ako ang pinakamasuwerteng babae ngayon.

“Ako yung nabigyan ng chance na makapareha ang nag-iisang Piolo Pascual.

“Sobrang laki ng pasasalamat ko kasi sobrang laking opportunity nito para sa akin talaga.

“Hindi ako makapaniwala, di ako makapaniwala na siya yung magiging partner ko agad.

“Umpisa pa lang, nagulat talaga ako, talagang speechless.

“Siya ang ultimate crush ko kaya naman isang napakalaking highlight ito ng career ko.

“Napakabait, sobrang bait talaga… yung tipo ng tao na kahit na anong mangyari, Piolo Pascual siya.”

Naikuwento ito ni Yen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong July 31 sa pictorial ng 24th anniversary ng Star Magic.

Ang Regal Films, Star Cinema at Spring Films ang producers ng movie na ang director ay si Dondon Santos.

Ibinalita din ng aktres na lilipad sila pa-New Zealand para kunan ang ilang mahahalagang eksena dito.


NO HARD FEELINGS. Gumagawa na rin naman si Yen ng mga mature roles, kaya inaasahan na may mga kissing scenes sila ni Piolo sa pelikula.

Kinikilig na nagbiro sa amin si Yen na nilu-look forward niya nga ang mga ito.

“Yeah, sa script mayroon naman, sino naman ako para tumanggi?

“Looking forward to that, super-duper.”

Na-link minsan si Yen kay Arron Villaflor nang magkasama sila sa seryeng All Of Me.

Nilinaw ng aktres na “hindi naging kami, hindi talaga.”

Paliwanag niya, “Kami ni Arron talagang friends kami bago pa niya ako ligawan.

“Siguro may mga bagay na mas okay na magkaibigan na lang.

“Di lang siguro nagtuloy-tuloy kasi after All Of Me, naging busy na kami sa kanya-kanyang trabaho.

Sa ngayon ay nail-link si Arron kay Dawn Chang na kasama nito sa isang segment sa Umagang Kay Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siniguro naman ni Yen na wala siyang selos o hurt feelings na nararamdaman sa pagkaka-ugnay ng dalawa.

“Nakikita ko nga sa mga posts. Hurt feelings? Hindi, wala.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN