Yen Santos was original choice to be Piolo Pascual's leading lady in upcoming film

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos: "Bagay na bagay po sa akin ang title na Once In a Lifetime ng pelikula."



Malaking pagkakataon at tiwala ang binigay ng tatlong film outfits, ang Regal Films, Star Cinema at Spring Films sa ABS-CBN star na si Yen Santos.

Pagkatapos na magbida sa teleserye na All Of Me at habang ginagawa ang bagong teleserye ng ABS-CBN na Because You Loved Me, si Yen ang magiging leading lady sa bagong pelikula ni Piolo Pascual. Ito ang Once in a Lifetime na ang kabuuan halos ng pelikula ay kukuhanan sa New Zealand.

Sa story conference ng pelikula sa Valencia Events Place, kasama ang production at cast, halata at hindi maitago ni Yen ang kasiyahan at tila hindi pagka-paniwala na isa nga siya sa mga bida sa bagong pelikulang ito.

Ayon kay Yen, “Sobrang surreal na nandito po ako ngayon sa harap ninyo at gagawa ako ng pelikulang kasama ang nag-iisang Piolo Pascual. Hindi po talaga ako makapaniwala na mangyayari ‘to.

“At sobrang laki po ng pasasalamat ko talaga, of course, kay Direk Dondon [Monteverde] and then sa Regal na pinagkatiwalaan po ako para ibigay po sa akin ang napakagandang project na ‘to.

“Sobrang laki pong opportunity na ‘to para sa akin.”

Ayon kay Piolo, kahit na isa siya sa mga producers, si Yen daw talaga ang orihinal na choice na maging leading lady niya sa pelikula at naniniwala itong perfect sa karakter ni Angel si Yen.

Anong masasabi ni Yen sa mga naging pahayag ng bago niyang leading man?

“Hindi na nga po ako makapagsalita, sobrang nao-overwhelm po ako ngayon talaga. Nanginginig po ang kamay ko, kasi hindi rin po ako makapaniwala.

“Kung siya po ang nagsasabi, kiligan ka na lang,” natawa pero halatang kinakabahan niyang sagot.

Biniro tuloy namin si Yen kung makaka-arte kaya siya na si Piolo nga ang mga ka-eksena niya, lalo na sa mga love scenes nila?

“Yun na nga po, kanina pa lang po sa look test namin, hindi na ko makatingin kay Papa P,” pag-amin ni Yen.

At saka nga nito inamin na noon pa man, isa na sa pinangarap niyang makatrabaho ay si Piolo.

Aniya, “Sino po ba naman ang hindi?”

Crush ba niya si Piolo?

“Yes, sobra-sobra po! Bagay na bagay po sa akin ang title na Once In a Lifetime ng pelikula.”

Kahit na bago pa lang magkakasama, nakuha na siyang biruin ni Piolo sa ginanap na story at press conference ng Once In a Lifetime nang tanungin ang actor kung bakit nga siya ang napili nilang gawing leading lady sa pelikula.

Ayon sa aktor, alam niyang may tiwala ang director kay Yen dahil sa pagsasama nila sa afternoon series na All Of Me.

Ang sagot naman ng 23-year-old actress, “Hindi ko nga rin po alam, pero sobrang pasasalamat ko siyempre at sobrang laki ng tiwalang ibinigay sa akin para gawin ko ang project na ‘to.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN