Janine Gutierrez initially said about love scene in Cinemalaya entry Dagsin: "Parang hindi ko yata kaya."

Janine Gutierrez talks about kissing scene and love scene with Benjamin Alves in Cinemalaya 2016 entry Dagsin.



“Oh my God! Feeling ko mahihimatay ako talaga!

“I was so scared,” ang bulalas ni Janine Gutierrez nang tanungin namin tungkol sa kissing scene nila ni Benjamin Alves sa Cinemalaya 2016 entry na Dagsin.

“Hindi kasi ako sanay, e.

“I was so scared kasi importante yung eksena, it was a honeymoon sequence so siyempre kailangan maipakita talaga namin yung kung gaano ka-in love sila, kung gaano ka-passionate sa isa’t-isa.”

Iyon raw ang maituturing ni Janine na pinaka nahirapan siyang eksena sa pelikula.

“Ano kasi, e, hindi talaga ako… I don’t know. I was so nervous,” at tumawa ang GMA-7 actress.

“Nagpapasalamat talaga ako kay Ben kasi sinabi ko talaga sa kanya na kinakabahan ako.

“I’m so lucky din na si Ben yung ka-partner ko kasi talagang inalagaan niya ako.”

Unang beses na gumawa ng love scene si Janine sa isang pelikula.

“Oo! And even when I read the script, iyon talaga yung concern ko sa mommy ko tsaka kay Miss Anne [Prado-Magadia, producer].

”I said, ‘Ma, parang hindi ko yata kaya.’”

Nasa Dagsin rin sina Ms. Marita Zobel, Tommy Abuel, Alex Diaz, Sue Prado at ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Ito ay sa direksyon ni Atom Magadia at produced nila ng misis niyang si Anne Magadia ng Atom & Anne Mediaworks Corporation.

“Actually sa lahat talaga ng kissing scenes, kinakabahan ako, kahit nung Once Again,” pagtukoy ni Janine sa katatapos lamang na Kapuso soap opera niya with Aljur Abrenica.

“Akala ko it’s something that you outgrow pero parang hindi, for me, I dunno.”

Nakausap namin si Janine nitong Miyerkules, August 3, sa Sentro 1771 restaurant sa Greenbelt 3 sa Makati City.

Isang pocket presscon para sa kanila ni Benjamin Alves ang ginanap para sa pelikula nila na Dagsin na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong Agosto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Dagsin ay entry rin sa Cinemalaya ang Tuos kung saan bida naman ang Superstar na si Nora Aunor na lola ni Janine.

Ano ang mararamdaman ni Janine kapag nagkalaban-laban sila ng mommy niya at lola niya sa pagka-Best Actress sa awards night ng Cinemalaya 2016?

“Actually para sa akin malaking karangalan na talaga na makagawa ng pelikula para sa Cinemalaya kasi dati ko pa… kasi Cinemalaya is one of the most prestigious festivals dito sa Philippines so dream come true sa akin, nasa bucket list ko na mapasama ako sa isang pelikula na para sa Cinemalaya.

“So iyon.

“Tapos nung nakita ko yung ibang trailer mas lalong nakaka-excite kasi ang gaganda ng laban, gaya ni Mama Guy, actually lahat.”

Ang maging nominado ay okay na para kay Janine?

“To be in Cinemalaya, okay na sa akin.”

Unang pelikula ni Janine para sa Cinemalaya ang Dagsin kung saan gaganap siya bilang si Corazon at si Benjamin bilang si Justino. Ang mga karakter nila ay namuhay noong 1940s o panahon noong Japanese Occupation.

Pangalawang indie movie ni Janine ang Dagsin, una ay ang Lila.

Noon pa raw gusto raw talaga ni Janine na makagawa ng mga indie films.

“Noong nagsisimula pa lang ako [sa showbiz] sinasabi ko talaga na gusto kong makagawa ng indie.

“So masuwerte lang din na nabibigyan ako ng magagandang projects.”


(To learn more about this period film, read: Benjamin Alves shot torture scenes for Cinemalaya 2016 entry Dagsin)

(To learn more about the official entries, read: Nora Aunor, Judy Ann Santos among stars featured in 12th edition of Cinemalaya)









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN