Allen Dizon impressed with Ai-Ai delas Alas as a vampy hustler in indie film about prostitutes

Allen Dizon: "Si Hillary [Ai-Ai's character] na nagtatrabaho sa kasa, yun ang makikita mo rito… iyong acting niya ay iba talaga at nag-drama siya rito. Nabura talaga yung Ai-Ai na komedyante rito."



Kakaiba kay Allen Dizon ang dating ni Ai-Ai delas Alas sa unang pagsasama nila sa isang pelikula, ang Area ng BG Productions na pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

Ayon sa aktor, “Si Ms. Ai, napaka-professional niya, nag-pasexy siya rito.

“May mga daring na eksena… nagpakita siya ng lahat na dapat niyang ipakita.

“Ang acting niya rito ibang-iba, ‘di mo siya makikitang comedian dito, di mo siya makikitang si Ai-Ai.

“Ibang-iba, si Hillary [Ai-Ai’s character] na nagtatrabaho sa kasa, yun ang makikita mo rito.

“Hindi si Ai-Ai delas Alas na artista… iyong acting niya rito ay iba talaga at nag-drama siya rito.

“Kaya nabura talaga yung Ai-Ai na komedyante rito.”

Ang pelikula ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na Area na may mga prostitute sa murang halaga.

Gumaganap sina Allen at Ai-Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Sinabi rin ng aktor na tinutukan nang husto ni Direk Louie ang character dito ng Kapuso aktres.

“Masyado siyang tutok sa mga eksena, sa mga acting, gusto niya natural.

“Siyempre isa sa tinutukan niya nang husto si Ms. Ai-Ai.

“Isa pa, si Direk Louie, masyado siyang inspirado sa pelikulang ito.

“Sana ay marami itong festivals na mapasukan… sa abroad. Of course, sa Pilipinas rin.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal] si Allen last week sa story conference ng pelikula niyang Malinak Ya Labi (Silent Night) na entry naman ng aktor sa darating na Cinema One Originals.



INDIE VETERAN. Nagpahayag rin ng kagalakan si Allen sa patuloy na pagkakaroon niya ng mga proyektong makabuluhan.

“Ako naman, talagang love ko ang indie films, ang paggawa ng pelikula.

“Natutuwa ako, at least, maraming nagpo-produce ng pelikula at kino-consider ako sa iba’t ibang klase ng role.

“Kinukuha ako ng baguhang director, pati na ng batikang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Laging welcome ako kahit saang projects,” saad ng aktor.

Challenge raw kay Allen ang mga pelikulang natotoka sa kanya.

“Oo naman, lahat naman ng ginagawa ko ay may challenge.

“Gusto ko na lahat ng ginagawa ko ay puwede kong ipagmalaki kahit kanino.

“The more na mas mahirap iyong role, the more na mas nacha-challenge ako at the more na mas pagbubutihan ko.”

Ano’ng masasabi niya sa pelikulang Lando at Bugoy na kasalukuyang kalahok sa Cinemalaya 2016 at sa forthcoming movie na Malinak Ya Labi (Silent Night) na entry naman sa darating na Cinema One Originals 2016?

“Very inspring na pelikula ang Lando at Bugoy, kasi unang-una tungkol ito sa education.

“Kung gaano ka-importante yung edukasyon sa mga bata at sa mga magulang na katulad ko.

“‘Di ako nakapag-aral dito, sinamahan ko ang anak ko, kaming dalawa yung nag-aral.

“Sabay kami at nakatapos ako, nakatapos kami.

“Dito naman sa movie na Malinak Ya Labi, nagpapasalamat ako sa Cinema One.

“First time kong makakagawa sa festival nila, excited akong gawin itong pelikula.

“Mga bagong makakatrabaho ko sila at karamihan ay magagaling.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN