Daniel Padilla on Kathryn Bernardo: "Masyado kaming bagay."

IMAGE From Instagram account of Daniel Padilla

Daniel Padilla on Barcelona: A Love Untold: "Puwede naman tayong magpakilig nang mas seryoso ang atake."



Kung kinumpirma na nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang relasyon at exclusively for each other naman ang estado ng relasyon nila Enrique Gil at Liza Soberano, exclusively dating naman ang label ng relasyon nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Daniel sa MOR Awards Night noong Linggo na ginanap sa Kia Theater, nagkuwento si Daniel na sa paglalim ng kanilang relasyon ni Kathryn ay nakikita niya kung gaano talaga sila kabagay para sa isa’t-isa.

“Ganun pa rin naman. Alam ninyo naman kami, lagi lang kaming masaya. Habang tumatagal kami lalo lang namin ine-enjoy ang company ng bawat isa. Ewan ko...masyado kaming bagay.”

Huling napanood ang Kathniel sa teleseryeng Pangako sa 'Yo at malapit na ring mapanood sa sinehan ang pelikulang Barcelona: A Love Untold na pinagbibidahan nila ni Kathryn sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan.

Hindi naman tinago ng aktor na may pressure siyang nararamdaman lalo’t halos lahat ng pelikula nila ni Kathryn ay tinagkilik talaga ng mga manonood.

Barcelona, excited na tayong lahat na mapalabas kahit kami nila Kathryn, nila Inang [Direk Olivia], excited na kami. Ang sarap dahil di natin minamadali yung mga eksena wala tayong mindali, talagang lahat tutok.”

“Pressure? Oo naman, ang sa amin ginawa namin ang lahat, di namin ito binasta-basta lang. Ako excited na ako na mapanood nila, excited ako na mapanood nila ‘yung movie. Iba, iba yung movie namin.”

Sa mga interviews nila Kathryn at Daniel ay laging sinasabi ng dalawa na kakaiba ang pelikulang Barcelona dahil mature na Kathryn at Daniel ang mapapanood dito ng publiko. Agad naming tinanong ang aktor kung nangangahulugan ba ito na graduate na sila sa mga teenybooper roles?

“Siyempre seryoso na talaga itong movie namin. Di naman sobra pero seryoso na tayo. Magaling yung transition, sakto, sakto sa edad namin yung story. Hindi pilit, walang pilit. Sakto lang ang lahat.”

“Hindi naman siguro graduate, awkward lang siguro. Awkward na siguro kung ganun pa rin pero puwede naman tayong magpakilig nang mas seryoso ang atake, e.

"Yung mga fans namin, tumatanda na rin naman sila. Yun na rin ang hinahanap nila sa amin and that’s good dahil dadaan naman yun sa buhay natin. Maganda kasi normal na nangyayari sa amin ito.”

Sa tanong namin kung dito na ba mapapanood ang kauna-unahang kissing scne nila ni Kathryn, di naman kami deretsahang sinagot ni Daniel.

“Hahahahahaha! Basta panoorin ninyo.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

6.21.16 ????

A photo posted by Daniel Padilla (@imdanielpadilla) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN