Juancho Trivino being eyed to join upcoming movie Mang Kepweng Returns

IMAGE From Instagram account of Juancho Trivino


Ayon kay Juancho Trivino, meron na siyang upcoming movie project, “pero hindi pa siya final.”

Malamang raw ay kasama sina Juancho at Louise delos Reyes sa remake na Mang Kepweng Returns na pagbibidahan ni Vhong Navarro. Ang producer ng naturang pelikula ay may plano na i-submit ito bilang entry sa 2016 Metro Manila Film Festival sa December.

Nakasama si Juancho sa indie film na Pedro Calungsod na pinagbidahan ni Rocco Nacino.

Kung may offer na serious gay role para sa kanya sa isang indie movie, tatanggapin ba niya?

“Oo naman, payag ako kasi siyempre malayung-malayo sa kung sino talaga ako, e," sabi ni Juancho sa interview na ginanap noong August 4 sa pocket presscon ng Magkaibang Mundo.

“Dun ka matsa-challenge kung talagang kaya kong ibigay at kung hanggang saan ang kaya kong ibigay.”

Hanggang saan ang kaya niyang ibigay?

“Kung ano ang ire-require nila.”

Maski kissing scene o love scene sa kapwa niya lalaki?

“Oo naman kasi sa trabaho namin hindi naman puwede ang paarte-arte.

“Naiintindihan ko, siyempre for the sake of art and ang magpi-filter na lang niyan for me is yung GMA, yung managers ko.

“Sila na ang magsasabi kung gusto nila yun for me o kung ayaw nila.

“Pero sa akin, wala, iyon, it’s art for me, it’s nothing malicious.

“Trabaho naman yun, wala namang malisya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN