Ai-Ai delas Alas fulfills dream role as aging prostitute in indie film Area

IMAGE Screengrab from Area trailer

Ai-Ai delas Alas feels happy about finally playing one of her dream roles in the indie film Area: "Kasi di ba, yun talaga ang isa sa gusto kong gampanan. Isa yun sa dream roles ko, e. Nagkataon naman na gusto talaga ng writer at ni Direk Louie Ignacio na ako talaga ang gumanap dun."



Masaya at very proud si Ai-Ai delas Alas dahil nakagawa siya ng isang indie movie, ang Area, na ilalaban sa iba’t ibang international film festivals.

Ayon kay Ai-Ai, “Excited ako, kasi first time na magku-compete ang isang movie, internationally.”

Marami raw siyang naging challenges nang i-shoot niya ang pelikula.

Sabi niya, “Marami, siyempre yung mga taong nandoon.

“Feeling mo, dun ka talaga nakatira sa Area.

“Yung Area kasi, parang mga nala-Ocean Deep [nalaos] na prostitutes.

“May isa silang tinatawag na parang field. Kapag matatanda na, dun naman sila sa Area.”

DREAM ROLE. Hindi raw naging mahirap para sa produksiyon nang kuhanin siya para sa indie movie na Area.

Ayon kay Ai-Ai, ang pagganap niya bilang isang “aging prostitute” ay isa talaga sa mga pangarap niyang gampanan na karakter.

Aniya, “Kasi di ba, yun talaga ang isa sa gusto kong gampanan.

“Isa yun sa dream roles ko, e.

“Nagkataon naman na gusto talaga ng writer at ni Direk Louie Ignacio na ako talaga ang gumanap dun.”

Seryosohang drama raw siya talaga sa pelikula at hindi makikita ang pagiging komedyante niya.

Sabi nga namin sa kanya, nandun na rin siguro yung umaasa siyang mananalo ng award.

Pag-amin niya, “Ako, ma-nominate lang, okay na ko.

“Maka-attend lang ako ng international film festival, okay na sa akin yun.

“Para malaman ko lang kung ano ba talaga ang feeling, ano ba ang hitsura.”

INSPIRED BY JACLYN'S CANNES FEAT. Tinanong naman namin si Ai-Ai kung na-inspire siya sa aktres na si Jaclyn Jose na nabigyan ng Best Actress trophy mula sa Cannes Film Festival.

Tugon niya, “Oo siyempre. Pero sabi ko, hindi ko kaya yun.

Mataas na uri na na aktres yun. Ako, newbie pa lang, wala pa ko nun.”

Sa September raw ang alam niyang simula ng international film festival na lalahukan ng Area. Gagawan daw niya ng paraan makadalo nga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll try. I’ll try my best, kasi may work din ako rito.

“Pero alam ko, si Direk Louie, pupunta siya,” saad niya.

B-DAY WISH FOR MOTHER LILY. Si Ai-Ai naman ay nagsilbi rin host sa 77th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde sa 38 Valencia Events Place noong August 19 kunsaan siya nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nang hingan nga siya ng birthday wish para kay Mother, sinabi ni Ai-Ai na, “Ang industry ay hindi magiging kasing-makulay kung wala ang Mother Lily ng industriyang ito.”

REGAL BABY. Ano yung mga hindi niya makakalimutan sa lady producer?

“Siyempre, yung the usual na kapag kausap ka niya, iba-iba ang topic.

“At palagi ka niyang baby—ikaw ang pinakamagaling, ikaw ang pinakamaganda, ako yung pinakamahal.

“Sabi ko, 'Mother, kilala mo ba 'ko?'” natawang biro pa niya.

Marami raw siyang nagawang pelikula sa Regal Films, lalo na noong support pa lang siya.

“Totoo yung sinasabi niya. Regal Baby ako.

“Lahat ng Shake, Rattle & Roll, naka-lima yata ako, e.”

Sa ngayon, may ginagawa ring pelikula si Ai-Ai para sa Regal, ang Mighty Yaya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN