Jodi Sta. Maria working on her fourth indie film

by Nora Calderon
Aug 20, 2008
Jodi Sta. Maria is one of the busiest actresses in the country today. Aside from the indie film Cul-de-sac, she is also slated to do two drama series for ABS-CBN and another indie film.

Fourth independent film na ni Jodi Sta. Maria ang Cul-de-Sac (Dead End) ng Cinemabuhay, para sa PLDT-Smart Foundation (PSF) with Mr. Butch Meily, president of PSF, and Albert Martinez, PSF Executive Director (Film Fund). Nauna rito ang Maling Akala, Nars, at Sisa na nagkaroon na ng screenings sa SM Centerpoint.

"Bata pa ang new director and scriptwriter namin, si Juan Miguel Sevilla," sabi ni Jodi nang makausap siya ng PEP Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Cul-de-sac sa isang apartment sa Cubao, Quezon City kahapon, August 19.

Dugtong niya, "I play the role of Raquel, isang call center agent, pero may magiging twist sa character ko. Suspense ang story, may mga pumapatay, pero wala pong multo. Hanggang doon na lang po muna ang puwede kong ikuwento.

"Ito rin ang first time naming magkakatrabaho ni Sam [Milby]. Nakakatawa nga, dahil pareho naman kami ng [TV] network, pero ngayon lang talaga kami magkakasama sa isang project. Ngayon din lang ang first shooting day namin together at ang gaan pala niyang katrabaho. Nakatapos na kami ng four sequences at napaka-professional niya, no complaint siya kahit ano'ng ipagawa sa kanya. Kahit ‘yong paglalagay ng prosthetics sa kanya, wala siyang reklamo."

Continue reading below ↓

Kapag makikita mo si Jodi in person, hindi mo iisiping mother na siya ng almost three years old na si Thirdy—anak niya kay Pampi Lacson, na anak ni Senator Ping Lacson—dahil alagang-alaga niya ang katawan niya.

Nahingan din siya ng komento na among the Tabing Ilog cast members, tila sila na lang ni John Lloyd Cruz ang very active sa showbiz.

"Hindi rin po naman," paglilinaw ni Jodi. "Nariyan pa rin si Paolo [Contis] at ang dami rin niyang projects sa GMA-7, si Baron [Geisler] ay may movies at TV show rin. Si Desiree [del Valle] ay may movie at TV, bumalik na po siya ulit sa ABS-CBN. But we're happy for Paula [Peralejo] dahil magna cum laude graduate na siya sa UP. Si Kaye [Abad], ang alam ko po, siya na ang nagma-manage ng school nila sa Cavite."

Hindi ba naman siya pinipigilan ng husband niyang si Pampi na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career?

Continue reading below ↓

"Very supportive po niya. Kung pinipigilan niya ako, hindi na ninyo ako mapapanood sa TV," nakangiting wika ni Jodi.

Si Thirdy, hindi ba siya tinatanong nito kung bakit madalas siyang wala sa bahay?

"Hindi naman," ani Jodi. "Saka kung minsan naman, isinasama ko siya. ‘Tulad ngayon, kasama ko siya, nandun, nakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay. Pero kung minsan din, naglalambing siya sa akin, sasabihin niya, ‘Mom, huwag ka na mag-taping, huwag ka na mag-work, dito ka na lang.' Hanggang doon lang naman siya. Kapag nagpaalam na ako sa kanya na magwu-work na ako, hindi na siya umiiyak o humahabol."

Sunud-sunod pa rin ang mga projects ni Jodi, bukod pa sa mga product endorsements na ginagawa niya.

"May gagawin po akong dalawang teleserye sa ABS-CBN, hindi pa kami nagsisimulang mag-taping. Pero ‘yong isa, sisimulan namin ngayong August at ‘yong isa, sa September namin sisimulan. Hindi ko pa lang po puwedeng sabihin kung sinu-sino ang makakasama ko, kahit kung sino ang magdidirek, kasi bawal pa po. Hindi ko pa rin alam kung kailan ito ipalalabas. May isa rin po akong gagawing indie film, pero out of the country, somewhere in Asia ito isu-shoot."

Continue reading below ↓

Ang Cul-de-Sac (Dead End) ay wala pang commercial exhibition dito kapag natapos nang i-shoot. Pero baka ipalabas ito sa 80th anniversary celebration ng PLDT sa November. May ilang international film festivals na silang kinu-consider para i-submit ang movie.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria is one of the busiest actresses in the country today. Aside from the indie film Cul-de-sac, she is also slated to do two drama series for ABS-CBN and another indie film.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results